Sulat

Rodrigo mahal ko, ako ay pakinggan.
Ang ating mga pangako, 'wag mong kalilimutan
Tayo ay mananatili pa ring nagmamahalan
Kahit tayo'y magkalayo, ito pa rin ay aasahan.

Irog kong Conchita ako sana'y patawarin
Kung aking nasasaktan ang puso mo't damdamin
Ika'y minamahal ito lagi'y iisipin.
Ang makasama ka ang tangi kong dalangin.

Conchita mahal ko pakakatandaan lang
Hindi na magmamaliw ang aking pagmamahal
Ilang taon man at bagyo ang dumaan
Pag-ibig ko'y sa'yo lang wag mong kalilimutan.

Hirap man ako dito sa ibang bansa
Larawan mo lang ang nagbibigay sigla
Nais na kitang muli kong makasama
Nais kong malaman mong minamahal kita.

Ayaw ko man ay walang magagawa
Kailangang lumayo upang buhayin ka
Alam kong nahihirapan ka aking sinta
Ngunit sandali na lama't muling magkakasama.

Rodrigo kong mahal ako'y maghihintay
Kahit umabot pa sa kabilang buhay
Nais ko ngayon ay mahawakan ang 'yong kamay
At makasama ka sa'yong paglalakbay.

'Di ko alintana ang ating kahirapan
Basta ang mahalaga'y ang ating samahan
Basta ang importante'y ating kaligayahan
'Di kita ipagpapalit sa kahit kanino man.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise