Search This Blog

Monday, February 14, 2011

Kalungkutan


Madilim, Maitim na ulap sa kalangitan,
Naglalarawan ng labis kong kalungkutan
Habang naglalakad sa malakas na buhos ng ulan,
Nadarama ko ang lamig sa buong katawan.

Mabango't magandang rosas sa hardin,
Binalot mo ng tinik ang aking damdamin
Sinaksak mo ng punyal ang aking puso,
Dahil dito puso ko'y labis na nagdurugo.

Mabangis na tagistis ng tubig sa ilog,
Pinaglalayo mo kami ng aking irog,
Dahil dito ang puso ko'y nalulunod,
Sa lakas ng agos, damdamin ko'y naaanod.

Malakas, malupit na ihip ng hangin,
Iyong nilipad ang aking damdamin,
Dahil dito ang puso ko'y naglalakbay,
Sinong kukuha na may butihing kamay?

No comments:

Post a Comment

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner