Posts

Showing posts with the label Stories

Love of my Life 8

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap nila ng kanyang ama ay inisip ni Ryan ang magandang hakbang upang mapalapit sa mga magulang ni Erica. Iniisip niya kung papaano kaya sya matatanggap ng mga magulang ni Erica gayong anak sya ng taong malaki ang pagkakasala sa kanilang pamilya. Ngunit isa lamang ang alam nya. Mahal nya si Erica at ipagalaban nya ito. Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nagpaparamdam si Ryan sa dalaga. Kaya't nilalason ng kanyang ama ang kanyang isip. " Tigilan mo na ang pagchecheck ng cellphone mo. Hindi na tatawag 'yon. Hindi ka naman talaga nya mahal,eh. Tingnan mo ngayon, hindi man lang sya nagpakita sa'yo sa panahong kailangan mo sya" Napaluha si Erica. " 'Wag mo nang sayangin ang luha mo sa isang walang kwentang lalaki. Ginamit ka lamang nya. Nagmana kasi sya sa kanyang ina, manggagamit" Napaisip si Erica. Ginagamit nga lang kaya sya ng kasintahan? Hindi nya naman ito masyadong nakikila ng lubusan pero ang alam nya ...

Love of my Life 7

Sabay na dumalaw sina Ryan at Erica ang mga magulang ng dalaga. " Magandang hapon po dad", nagmano si Erica sa ama. Nakatitig si Lawrence kay Ryan. " Anak, hayaan mo muna kaming makapag-usap ni Ryan " Napatingin si Erica kay Ryan. " Bakit po dad? May problema ba?" " May sasabihin lang ako sa kanya. Sandali lang ito" " Hindi. Ayokong kausapin mo sya na wala ako. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin mo " Hindi inakala ni Lawrence na masasabi iyon ng kanyang anak. Hindi man ganoon kabait si Erica ay hindi rin naman ito sumusuway sa kanya. " Kailan mo pa natutunan 'yan, ha? Iyan ba ang natutunan mo sa lalaking ito?" itinuro pa ni Lawrence ang binata. " Erica, sundin mo na lang ang daddy mo para walang gulo. Puntahan mo na muna ang iyong ina", ani Ryan. " Ayoko. Sinabi ko na sa'yong ipaglalaban kita kahit kanino....Dad, kung tungkol ito sa inyo ni Tita Mitch, labas na kami doon" Hi...

Love of my Life 6

Nagkasundo na sina Mitch at Erica na pansamantalang babantayan ng ginang ang ama't ina ng dalaga. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon nilang pareho kapag nagkita na sila? Umuwi na si Erica sa kanila. Si Mitch naman ay naghahanda na ng mga dadalhin kinabukasan sa ospital. Bumili din sya ng mga prutas para dalhin sa mga ito. Kinabukasan. Nakaalis na si Ryan upang pumatungo sa skwelahan. Bagama't maaga pa'y lumakad na sya dahil alam nyang traffic sa Buendia kapag naabutan sya ng 7 am. Si Mitch naman ay dala-dala na ang mga prutas na ibibigay sa mga magulang ni Erica. Lumakad na sya patungong Makati Med. Iniisip ni Mitch kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Erica kapag nakita sya at nalamang sya ang ina ng kasintahan ng dalaga. Iniisip nya kung magiging magkasundo kaya sila o baka maliitin lang sya ng mga ito. Pero dahil mabait ang pagkakakilala nya kay Erica, malamang ay mababait din ang mga magulang nito. Nasa lobby na ng ospital si Mitch. Namangha s...

Love of my Life 5

Kinuha ni Lawrence kay Erica ang larawan ni Mitch. " Lalakad na ako anak. Akin na yang picture ni Mitch" " Ipapakita ko po kay Mommy" " 'Wag na!" bigla nitong sigaw. Nagtaka si Erica. " Bakit parang balisa ka Dad? Bakit ayaw mong ipakita kay mommy ang larawan ni Tita Mitch?" " 'Wag mo na lang banggitin sa mommy mo ito,ha" " Bakit nga dad?" " Baby, alalahanin mong mag butas sa puso ang mommy mo. Minsan na syang muntikan nang mawala sa atin. Minsan na syang nagkaroon ng taning sa buhay. Ayokong ito pa ang dahilan upang matuluyan sya. Akin na" Mag pagaalangan man ay ibinigay ni Erica ang larawan. Subalit takang-taka talaga sya sa sinabi ng ama. Totoong muntik nang mamatay si Lucy. Dati pa ma'y tinaningan na ng doktor ang kanyang buhay. Inakala ng lahat na mamamatay si Lucy labing limang taon na ang nakaraan. Ngunit may milagrong nagsalba sa kanyang buhay. Naging deboto na si Lucy ng Black Naz...

Love of my Life 4

Pagkatapos ng hearing ay naging magkasundo na sina Ginang Dela Cruz at Erica. Ngunit ayaw na ni Erica na bumalik pa sa klase ni Ginang Dela Cruz dahil mas gusto nyang malapit lang kay Ryan ang kanilang silid kaya patuloy pa rin syang papasok sa klase ni Miss Smithson. " Mabuti't napatawad mo si Ginang Dela Cruz", ani Ryan. " Naiintindihan ko kasi sya Ryan. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng magmahal". " I'm glad. May pagbabago ka na Erica", ani Ginoong Miranda nang sumabay papalabas ng opisina nya. " Tama ka Rafael. Marami na ngang pagbabago sa anak ko. And I'm proud." pagsang-ayon ni Lucy. Breaktime. Hinintay ni Ryan si Erica sa labas ng silid aralan nito. " Ryan!" tawag ni Erica. " Hi Erica! Hi Clarrice!" " Are you waiting for me?" excited si Erica. " Yeah, I was hoping that we could eat together". anyaya ni Ryan. " Sure!" sabay lingon kay Clarrice. " Alone...

Love of my Life 3

Natapos na ang gabi. Ito na ang pinakamahalaga at pinakamasayang bagay na nangyari kay Erica. Sa wakas ay natagpuan nya na ang tunay na pag-ibig. Hanggang sa bahay ay panay ngiti si Erica. Nabago na ang dating supladang dalaga. Parati na lamang nakatutok si Erica sa kanyang cellphone. Naghihintay na naman sya sa tawag ni Ryan. Nangako kasi itong tatawag ulit dahil yayayain ang dalagang kumain sa labas. Ito ang magiging unang date nila. " Ring...ring...ring!!!"   sa wakas ay tumunog na ang cellphone ni Erica. " Hello", agad nya itong sinagot. " Erica, si Ryan 'to" " Ryan. Tuloy ba tayo mamaya?" " Tumawag nga ako para sabihing hindi tayo matutuloy sa ating pupuntahan. May importante kasi akong sasadyain mamaya, eh" Nang marinig ito'y nanlumo si Erica. Malungkot man sya'y kailangan nyang tanggapin. Baka naman kasi ganoon kaimportante ang pupuntahan ni Ryan kaya't hindi na sila matutuloy sa kanilang dinner date. " OK la...

Love of my Life 2

Papalapit na ang Valentine's ball. Sobrang naeexcite na ang lahat. Kanya kanya nang pili ng makakapareha. Ito ang pinakakaabangan nilang event ng taon. Lahat ng kaibigan ni Erica ay may Kapareha na maliban na lamang sa kanya. Sapagkat wala syang ibang gustong makapareha kundi si Ryan. Dalawang araw na lang mula ngayon ay malalaman na nya ang iniibig ng binata. Sa paaralan. Muling nagkasama ang magkakaibigan. Pinag-uusapan nila ang magiging date nila ngayong Valentine's ball. " Sino bang makakadate mo Ronna?", tanong ni Melanie. " Si Rex. 'Yong medyo pogi din sa 4th year" " Ikaw naman Clarrice?" tanong ulit ng dalaga. " Si Sam ang magiging kadate ko. Gusto ko sana si Ryan kaya lang hindi naman nya ako niyayaya. Baka kasi hindi ako 'yong babaeng iniibig nya. Sabi nya kasi sa amin ang magiging kadate nya ngayong valendtine's ball ay ang babaeng kanyang minamahal". " Ah, ganon ba? Eh, ikaw Erica? May kadate ka na ba? Sino ba ...

My Songs, My Life 1

" Pakisabi Na Lang " " Narinig mo na ba ang balita?" ito ang pambungad na tanong ni Cristine kay Kris sa pagpasok nila sa skwela. " Ano naman?", si Kris. " May nakatirang gwapong guy kina Mariver. Parati nga kaming nandon para dalawin sya. Matagal tagal na rin sya dyan. Hindi mo ba sya napapansin?" usisa ulit ni Cristine. " Hay, naku! Baka kung ano na namang hitsura ng gwapo nyong yan, ha.", ani Kris. " Itanong mo kay Marjorie. Hindi ba Marjorie gwapo si Philip" " Ah, oo", ani Marjorie. " Ewan ko na lang. Kailangan ko munang makita iyang ipinagmamalaki nyo. Kasi iba ang taste ko sa taste nyo. Baka kung pangit para sa akin yang gwapo nyo." Ito ang pinag-uusapan ng tatlong magkaklase. Usap-usapan na kasi sa kanilang lugar ang pagdating ng isang hearthrob na pinagkakaguluhan sa kalye ng mga dalaga't dalagita. Nasa ikalawang taon pa lamang sa Mataas na Paaralan ng Carmen sina Kris, Cris...

Love of my Life

INTRODUCTION Hindi inaasahan ni Ryan na mababago nya ang paniniwala ng isang spoiled brat. Ang dating walang pakialam sa iba, naging sensitibo at malalahanin. Tunay nga namang mahal nila ang isa't isa. Pero talagang pinaglalayo lang sila ng tadhana. Ano kaya ang mananaig? Ang pusong labis na nagmamahal?  o ang madilim na kahapon na pilit nang kinakalimutan? ---------------------- o0O0o --------------------- Mag fiFebruary 14, syempre pa "Araw na naman ng mga Puso". Malapit na rin ang kanilang Valentine's ball. Ngunit wala pa ring ka date itong si Erica. Dahil hindi pa nya sinasagot ang kahit isa sa mga masusugid nyang manliligaw. Mga anak mayaman at mga gwapo naman yong mga nanliligaw sa kanya, pero kahit anong gawin nya ay hindi nya magawang magustuhan ang kahit sino sa mga ito. Isang araw, may isang bagong salta sa school nila. Naintriga sya ng husto dahil pinag uusapan at pinagkakaguluhan ito ng mga babae sa kanilang klase. " Girls, narinig nyo na ba ang tung...