Love of my Life 5
Kinuha ni Lawrence kay Erica ang larawan ni Mitch.
" Lalakad na ako anak. Akin na yang picture ni Mitch"
" Ipapakita ko po kay Mommy"
" 'Wag na!" bigla nitong sigaw.
Nagtaka si Erica. " Bakit parang balisa ka Dad? Bakit ayaw mong ipakita kay mommy ang larawan ni Tita Mitch?"
" 'Wag mo na lang banggitin sa mommy mo ito,ha"
" Bakit nga dad?"
" Baby, alalahanin mong mag butas sa puso ang mommy mo. Minsan na syang muntikan nang mawala sa atin. Minsan na syang nagkaroon ng taning sa buhay. Ayokong ito pa ang dahilan upang matuluyan sya. Akin na"
Mag pagaalangan man ay ibinigay ni Erica ang larawan. Subalit takang-taka talaga sya sa sinabi ng ama. Totoong muntik nang mamatay si Lucy. Dati pa ma'y tinaningan na ng doktor ang kanyang buhay. Inakala ng lahat na mamamatay si Lucy labing limang taon na ang nakaraan. Ngunit may milagrong nagsalba sa kanyang buhay. Naging deboto na si Lucy ng Black Nazarene sa Quiapo. Simula noon ay unti-unting lumiliit ang butas sa puso ni Lucy na syang ikinatuwa ng kanyang pamilya. Ngunit ang sabi ng doktor ay maaring bumalik pa sa kritikal na kalagayan si Lucy kaya natatakot si Lawrence na Makagawa ng isang bagay na makakasakit sa kalooban ng asawa.
Pumatungo na si Lawrence sa opisina. Doon ay naghihintay ang lalaking binayaran nya upang manmanan si Mitch. Pagkadating ni Lawrence.
" Magandang araw po Sir"
" Magandang araw naman. Nagawa mo na ba ang ipinag-uutos ko?"
" Opo. Hindi na po nakatira sa Pangasinan si Mitch. Nabalitaan kong lumipat sila sa Washington, Makati. Nasundan ko ang kanilang anak mula sa skwela. At doon nakita ko ang babaeng si Mitch. Ito ang mga larawang nakuha ko"
Ipinakita ng mama ang mga larawan na nakuha nya mula pa sa paaralan ni Ryan hanggang sa bahay nila. Nakita ni Lawrence ang kanyang anak na kasama ang binata. Nakita nya sina Joseph at Mitch. Nagpatuloy ang lalaki sa pagbanggit sa mga impormasyong nakalap. Ngunit tila hindi na nakikinig si Lawrence. Malalim ang iniisip nito.
" Maraming salamat sa mga impormasyon mo. Heto ang pera, makakaalis ka na", ani Lawrence.
" Salamat po Sir", sabi ng lalaki pagkatapos makuha ang isang puting sobre na naglalaman ng limampung libong piso.
Nalilito si Lawrence. Hindi nya alam kung ano kaya ang gagawin nya. Pagnalaman ito ni Lucy, ano kaya ang magiging reaksyon nito?
Lumipas na ang buong araw, walang ibang ginawa si Lawrence kundi ang magmukmok. Magmunimuni. Ni hindi na nya napansin ang oras. Ni hindi nya napansin na magaalas-otso na. Kanina pa pala tumutunog ang kanyang cellphone. Nakalimang tawag na si Lucy na nagaalala kung bakit gabi na'y hindi pa umuuwi ang asawa.
" Hello", sa wakas ay nakasagot na si Lawrence.
" Bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa ako tumatawag sa'yo ah! Pinag-aalala mo kami" ani Lucy.
" Pasensya ka na hon. Hindi ko napansin ang oras sa dami ng ginawa ko sa araw na ito"
" Uuwi ka na ba?"
" Oo, aayusin ko lang tong opisina ko"
" O sige. Maghihintay kami. Hindi kami magdidinner hangga't di ka pa dumarating"
Pagkatapos nyang ayusin ang opisina ay dali-dali si Lawrence na umuwi. Maging sa sasakyan ay hindi pa rin nya mapigilang isipin ang mga pangyayari. Tila ba pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Masyadong occupied ang isip ni Lawrence na para na lamang syang nakalutang sa hangin. Physically present but mentally absent ika nga. Hindi napansin ni Lawrence ang rumaragasang bus na tumatakbo sa intersection ng buendia.
" Alas dyes na wala pa rin ang daddy mo", ani Lucy.
" Kumain na tayo mom. Gutom na gutom na ako"
" Pero sabi kasi ng daddy mo uuwi sya agad,eh. Sinabi ko sa kanya na hindi tayo kakain hangga't hindi sya dumarating"
" Mom, anong oras na oh! 10 minutes past 10 in the evening na't wala pa rin si daddy. Alas otso pa noong tumawag ka,ah"
" Nagaalala na nga ako,eh"
Ilang sandi pa'y tumunog ang cellphone ni Lucy.
" Hello?"
" Magandang dabi po. Si Lucy Augusto po ba ito?"
" Ako nga. Bakit? Sino ba 'to?"
" Ako po si Inspector Montero ng MPD. Nabangga po kasi ang sasakyan ng asawa nyo dito sa may Buendia. Kasalukuyan po syang nasa Emergency Room ng Makati Medical Center."
" Ano? Kamusta na po sya? Ano po ang kalagayan nya?" humihingal na si Lucy.
" Sa ngayon po ay hindi pa po namin matukoy. Ang mabuti po ay kayo na lamang ang dumalaw sa kanya."
" O sige po, salamat"
Pagkababa ng telepono ay humagulgol na ng husto si Lucy. Nakahawak sya sa kanyang dibdib. Natakot naman ang kanyang anak sa posibleng mangyari sa ina.
" Mom, what's wrong?"
" Ang daddy mo. Nasa Makati Med. Nabangga ang kanyang kotse nang papauwi na".
" Ha? Don't worry mom, dad will be OK. Pupuntahan natin sya after we eat our dinner"
" Gusto ko na syang puntahan ngayon"
" Mom, kumain na muna tayo. We will not be helping dad if tayo ay maoospital din dahil sa gutom. Don't worry, the doctors will take care of him. At manalig po tayo sa Dyos"
Nagmadaling kumain ang mag-ina at dumiretso na sa ospital.
Kinabukasan. Hindi nakapasok si Erica sa skwela dahil sa nangyari sa ama. Matagal na naghintay sa labas ng silid nina Erica. Maya-maya'y lumabas si Clarrice.
" Clarrice, si Erica ba nandyan?"
" Wala. Hindi sya pumasok ngayon,eh"
" Bakit daw?"
" Hindi ko alam. Hindi ba nya nasabi sa'yo?"
" Hindi,eh. Kanina pa ako tumatawag sa kanya, hindi rin naman sya sumasagot"
" Sorry, di kita matutulungan. Hindi na rin nya kami nakakausap nitong mga nakaraang araw,eh"
" Ganoon ba? Sige salamat"
Maaninag sa mga mata ni Ryan ang kalungkutan. Maging sa kanya ay hindi pa tumatawag o nagtext man lang ang kasintahan. Nang umuwi na ito sa hapon ay dumiretso sya sa bahay nina Erica para usisain kung ano na ang nangyari sa dalaga. Ngunit puro katulong lamang ang nasa loob. At nang tanjungin nya'y hindi naman makapagbigay ng sagot dahil hindi naman nila alam.
" Umalis kasi sila gabing gabi na. Hindi naman sinabi kung saan pupunta o kung kelan uuwi." anang katulong.
" Ganoon po ba? Salamat po"
Malungkot si Ryan nang papauwi na sya sa kanila. Malapit na sya sa kanilang bahay nang napansin ang kotse nina Erica kaya dali dali syang pumasok.
" Kuya! Andito si ate Erica" sigaw ni Mikaela.
" Ryan...huhuhuhu" niyakap ni Erica ang binata.
" Bakit hindi ka man lang tumawag? O kaya'y nagtext? Nagalala ako ng husto sa iyo"
" Pasensya ka na. Emergency kasi. Hindi pa nga ako nakakauwi sa amin mula pa kagabi,eh."
" Ano bang nangyari?" tanong ni Mitch.
" Naaksidente po kasi ang aking ama. Akala po namin ni mommy na grabe ang kanyang kalagayan kasi nasa ER sya ng Makati Med. Hindi pa man kami nakakarating sa ospital hinimatay na si Mommy kasi naninikip yung dibdib nya. Nang dinalaw ko si daddy, sugat lang pala sa kaliwa nyang braso ang natamo. Hayon, huli na nang nalaman ko. Hinimatay na si mommy at di pa sya nagigising. Nakaoxygen pa nga sya ngayon,eh. Sabi naman ng doktor, stable naman ang vital signs nya", kwento ni Erica.
"Kawawa naman ang mommy mo Erica", ani Mitch.
" Kaya nga po,eh. At hindi ako nakapasok kanina kasi walang ibang magbabantay sa kanila. Hindi ko alam kung kailan ako makakapasok nito"
" Kung gusto mo ako na lang muna ang magbabantay sa kanila. Tutal wala naman akong masyadong ginagawa dito sa bahay tapos ang lapit pa ng Makati Med."
" Talaga po Tita?"
" Oo, nga. 'Wag kang magalala, akong bahala sa kanila"

Comments
Post a Comment