Lovers in Paradise

Si Mitch ay isang dalagang ina. Maraming beses na syang nasawi sa pag-ibig. Makailang beses na rin syang malapit nang ikasal But in the end, parati syang naiiwan nang dahil sa third-party. Never nyang inisip na magkakaroon pa sya ng isang makakasama sa habambuhay dahil sa mga kasawiang naranasan sa buhay. Pero may nakilala syang isang lalaki sa Maynila, si Joseph. Kaklase nya daw to sa Kindergarten. Pero di na nya maalala. Nagkapalagayan sila ng loob at kalaunan nga ay naging sila. Nararamdaman naman nyang mahal na mahal sya ng lalaki pero di nya alam kung ano ang nararamdaman nya para kay Joseph. Mabuting tao si Joseph. Maginoo, masipag at matalino. Ipinapadama naman ni Mitch sa kanya ang kanyang appreciation sa mga ginawang kabutihan ng lalaki. Pero ang di nya lang kaya ay ang mahalin ng lubusan si Joseph. Hindi naman nya alam kung bakit. Wala din naman syang ibang napupusuan. Isang araw ay nagpropose na ng kasal ang lalaki. She doesn't know what to do. Di nya alam kung ano ang sasabihin nya. Ayaw naman nyang masaktan si Joseph. Mahigit 3 years na rin silang magnobyo. At ni minsan sa 3 taon na iyon ay di sya sinaktan ni Joseph. But she is not yet prepared for a lifetime commitment. She decided to have a vacation. Tour around the world ang drama nya para makalimutan ang lahat ng problema. Gusto nyang mapagisa para magmuni-muni.
    Sa barko, may nakabangga syang isang lalaki. "Ay, sorry!", sabi ng lalaki. Biglang may spark na naramdaman si Mitch na kakaiba. Natulala sya nang minasdan nya ang lalaki. "Miss, OK ka lang ba?". "Ha?Ah, oo. Oo naman!", sagot ni Mitch. ""I'm Lawrence"."I'm Mitch". Sabay nag-shake hands sila. Simula noon ay hindi na maalis sa isip ni Mitch si Lawrence. Minsan ay inaabangan pa nya ito sa lobby at sa dining hall. Minsan ay nagkasabay pa silang kumain. "Hi Lawrence, can I sit here?". "Oh, sure!", ani Lawrence. Mahaba haba din ang kanilang kwentuhan. Nalaman ni Mitch na may asawa't anak si Lawrence. Taga Pasig lang pala sya. Nasa barko ngayon para sa isang mahalagang business meeting. Ang dami pa ng sinabi ni Lawrence pero di na naintindihan ni Mitch ang iba pa nyang sinabi. Ang paulit ulit na bumabagabag sa kanyang isip ay ang sinabi ni Lawrence, "I have a beautiful wife and daughter". Di nya alam kung bakit pero medyo may kirot, may sakit. Lumipas ang ilang sandali pa ay nagpaalam na si Lawrence. Di naman magawa ni Mitch na bumalik sa kanyang kwarto. Hindi sya makatulog. Alam nyang hindi dapat. Pero talagang masakit. Sobrang sakit. Naglakad lakad sya. Umiiyak. Hindi nya alam kung saan sya patungo. nang biglang tumunog na lang ang alarm ng barko. Parang may sumabog sa basement ng barko. Hindi na alam ni Mitch kung saan sya tatakbo. mabilis na lumulubog ang barko. Mitch ran for her life. Nang biglang may isang lalaking humila sa kanya, si Lawrence. Dala dala ni Lawrence ang isang life vest at plastic container. Sabay silang tumalon. Isang araw silang nagpalutang lutang sa karagatang pasipiko. Medyo hilo na si Mitch kaya yakap yakap na lamang sya ni Lawrence. Hanggang nakarating sila sa isang pulo na animoy wala pang nakakadiskobre. Karga karga ni Lawrence si Mitch na tuluyan nang nawalan na ng malay. Gabi na nang nagising si Mitch. May bonfire na ginawa si Lawrence pare mainitan si Mitch. "San na tayo?", tanong ni Mitch. "That I don't know. Sa tingin ko wala pang tao sa lugar na ito. Wala tayong pwedeng mapagtanungan." Biglang umiyak si Mitch. "Tahan na. Makakalabas din tayo sa islang to. Have faith. We'll make it together". Lumiwanag ang mukha ni Mitch. Ang last phrase na sinabi ni Lawrence ay paulit ulit nyang naririnig sa kanyang isip. Bigla nyang niyakap ang lalaki. "Salamat sa'yo. Now I feel safe. Now I feel good". "kumuha nga pala ako ng mga prutas. Baka nagugutom ka na", ani Lawrence. "Para kang Boy Scout,ah. Hehehehehe!" "Sanay na ako sa buhay na ganito. Minsan din akong nagtrabaho bilang sundalo. Kasama to sa aming mga trainings. Yun nga lang nung nadestino kami ng Mindanao, hindi ko kinaya kaya ako tumigil. Ayaw din kasi ng misis kong maging sundalo ako. Sa Mindanao ko rin sya nakilala. Isa syang doctor sa pinakamalaking ospital doon". Napanghihinaan talaga ng loob si Mitch sa tuwing nagkukuwento si Lawrence tungkol sa kanyang pamilya. Ayaw nya nang marinig ang kahit anung kwento patungkol sa pamilyang naiwan ng lalaki. "Let's stop this conversation. Pagod na 'ko. Gusto ko munang magpahinga. Hindi madali ang ating pinagdaanan. Salamat nga pala sa pagkakaligtas mo sa'kin." ani Mitch sabay higa. "Aren't you gonna eat?". "No thanks! Wala pa akong ganang kumain".
Samantala. Balitang balita na sa Pilipinas ang nangyaring disgrasya ng isang barkon sa Karagatan ng Pasipiko. Biglang kinabahan si Joseph. Alam nyang ito ang barkong sinakyan ni Mitch. Nung ipinakita sa TV ang mga pangalan ng mga nasawi, malaki ang kanyang pasasalamat na wala doon ang pangalan ng kanyang kasintahan. Pero wala din ang pangalan ni Mitch sa mga nakaligtas. May sampo pang hindi nakikita at pilit pang pinaghahanap ng mga utoridad. Pabalik balik si Joseph sa opisina ng National Coast guard para makibalita kung ano na ang nangyari sa mga nawawala. Kasa kasama nya ang mag aanim na taong gulang na anak ni Mitch. At nakilala din nya si Lucy, nagpakilalang asawa ng isang Lawrence Augusto. "Sino ang hinahanap mo?", tanong ng binata. "Ang aking asawa, si Lawrence. Papunta syang Korea para sa isang business meeting. Pinili nyang mag barko na lang kasi may kasama syang takot sa eroplano. Ang alam ko patay na yong kasama nya,eh. Kaya nga ako natatakot. Baka kung ano nang nangyari sa kanya. Papano na ang aming 1 taong anak? Ayokong maaga syang maulila sa ama. Ikaw, sinong hinahanap mo?", sagot ni Lucy. "Ang aking fiance. Si Mitch Santiago. Balak ko na syang pakasalan sa susunod na taon. Ang sabi nya gusto muna nyang mapagisa kaya sya pumuntang Korea. Nais nya munang pagisipan kung ako na ba ang lalaking gusto nyang makasama habambuhay. kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana di ko na lang sya inalok ng kasal. Paano na ako at ang anak nya? Pero umaasa pa rin akong buhay pa sya. nararamdaman ko. Dapat ikaw rin ay hindi mawalan ng pagasa. Be strong! para sa sarili mo at mga anak mo."
-->

Sa Isla. Maagang nagising si Lawrence para mangalap ng makakain. Si Mitch naman ay nakatulala lang. Nagiisip. "Bakit kaya nangyari ito? Nakataon lang ba na magkasama kami ngayon sa isla? Nangyari kaya ito para makilala ko pa syang mabuti? Pero bakit? May asawa't anak sya. Makaligtas man kami sa islang ito, sa aming paguwi ay may uuwian syang pamilya." Ito ang mga tanong na nasa isip ni Mitch. "Malalim yata ang iniisip mo,ha", ani Lawrence. "It's not important. marami lang talagang bumabagabag sa isip ko ngayon." " like what? Baka makatulong ako". "I'm sure matutulungan mo ako. Pero alam ko ring pipiliin mong wag na lang akong tulungan.Dyan ka muna, maliligo lang muna ako. Medyo nanlalagkit na ako,eh." Napaisip ng husto si Lawrence. Hindi nya lubusang maintindihan ang sinabi ni Mitch.
Ilang araw pa ang lumipas ay unti unting napalapit ang loob nila sa isa't isa. Nang mga araw na iyon, naenjoy nila ang isla. Mayaman sa prutas at pagkaing dagat ang isla kaya't di sila nakaranas ng gutom. Madalas silang pumupunta sa gubat upang kumuha ng kahoy at pagkain gayundin ng tubig. Nakagawa na rin sila ng barong barong na kanila matutulugan sa pagsapit ng gabi. Sa mga sandaling sila ay magkasama, nakakalimutan nila ang gulo sa syudad at nasisiyahan sila sa ganda ng paraiso. Isang gabi ay sobrang gininaw si Mitch. Dahil walang anumang kumot na pwedeng gamitin, niyakap ni Lawrence ang dalaga upang mabawasan ang lamig. Buong gabi silang magkayakap.
Kinaumagahan. Nagusap ng masinsinan sina Mitch at Lawrence.
" Kapag nakalabas tayo dito, sisiguraduhin kong mas pasisiyahin ko pa ang pamilya ko. lalo na ang aking asawa. Alam kong nahihirapan na sya ngayon." ani Lawrence.
" Nagsisisi ka ba?"
" Ano naman ang dapat kong pagsisihan?"
" Ang makasama ako dito sa isla."
" Bakit mo naman nasabi yon? Alam mo Mitch, wala akong pinagsisisihan. May purpose ang Diyos kung bakit ito nangyari."
" Ano naman? Bakit pa tayo kailangang magsama dito kung..." natigilan si Mitch.
" Kung ano? Anong ibig mong sabihin?"
" Kung, kung itatrap lang tayo sa islang to".
" Hehehe! Ayaw mo nun? We get to know each other!"
" What for?"
" To build a good friendship. Naisip ko nga,eh. Siguro kung pareho tayong single, magkakatuluyan tayo. Hahaha! Silly thought of mine. Pag ganito talagang nabobored tayo kung anu-ano na lang ang ating naiisip."
" Tama ka nga. Nakakatawang isipin pero pinagtatagpo talaga ang mga taong hindi dapat pinagtagpo. Masasaktan lang tayo. (nagbuntong hininga) Sana noon pa kita nakilala. Nung panahong pareho pa tayong malaya."
" What exactly are you trying to say? Nagkakagusto ka ba sa'kin?"
" Manhid ka ba o tanga? Sinabi ko na nga sa'yo ang totoo, tinatanong mo pa! Nahulog na ang loob ko sa'yo mula pa nung una kitang makita. Hindi ko pa ito naramdaman sa nobyo ko. Siguro ito ang dahilan kung bakit ayoko pang magpakasal. Siguro.."
" Mitch, kung ano man yan, alam kong hindi yan seryoso. Infatuated ka lang sa'kin. Sa gwapo ko ba namang ito siguradong marami ang nagkakagusto. Hehehehe! Kidding aside, alam mo ang sitwasyon ko. Alam mong may asawa't anak na ako. Alam mo namang di na pwede."
" Alam ko Lawrence at tanggap ko yun. hiling ko lang sa'yo, hayaan mong mahalin kita kahit sandali lang. Kahit dito lang sa isla. Pagkatapos nitong lahat, kung makauwi man tayo, hahayaan na kita. Papalayain na kita."
Napabuntong hininga na lang si Lawrence sabay yakap kay Mitch. "Salamat", sabi ni Mitch.
Makaraan ang ilang araw, patuloy ang search and rescue operations ng Philippine National Coast Guard sa paghahanap sa tatlo pang nawawalang pasahero ng lumubog na barko. Dahil mapera ang pamilya ng asawa ni Lawrence, naghire din sila ng private team na maghahanap sa kanyang asawa. Nakiusap na rin si Joseph na kung maari ay sumama sya sa paghahanap dahil hahanapin din nya si Mitch. Pumayag naman si Lucy.
Habang sa isla naman. Ipinakita at ipinadama ni Mitch ang kanyang pagmamahal kay Lawrence. Alagang alaga nya ito. Madalas silang magkayakap lang. Bawat sandali ay hindi pinalampas ni Mitch. Sapagkat alam nyang kahit anong oras ay maaaring matapos ang maliligayang araw nila sa isla. Madalas syang nasa tabi lang ni Lawrence. Pinapatawa nya ito sa mga panahong malalim ang iniisip. Paminsan minsan din ay naghahabulan sila sa tabing dagat. Parang mga batang naglalaro sa ilalim ng sikat ng araw. Parang walang problema. parang solo nila ang mundo.
Hanggang isang araw. May namataan si Joseph na usok sa isang isla. Sinabi nya sa pilotong puntahan ang nasabing isla para magbakasakali. Malakas ang kutob nyang andon ang kanyang kasintahan. Dali dali namang pinalapag ang piloto ang helicopter. Namataan nila ang isang babaeng may dalang ilang piraso ng kahoy.
" Mitch!" nananabik na sigaw ni Joseph. Agad nyang niyakap ang kasintahan.
" Joseph?", ani Mitch.
" I'm so glad I finally found you. I was so worried. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka. Patawarin mo ako. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo munang magpakasal."
Biglang dumating si Lawrence. Kitang kita nya si Joseph na yakap yakap si Mitch.
" Sino sya Mitch?", tanong ni Lawrence.
" Pare, ako nga pala si Joseph. Joseph Castillo. Boyfriend ni Mitch. Ikaw?"
" Lawrence Augusto ang pangalan ko."
" Ikaw pala si Lawrence. What a coincidence! Pinapahanap ka ng asawa mong si Lucy. Nakisabay lang ako kasi hinahanap ko rin si Mitch. Halina kayo at naghihintay na sila sa'tin!"
Sa loob ng helicopter. Tahimik lang sina Lawrence at Mitch. Medyo naiiyak pa si Mitch. Alam nyang ito na ang katapusan ng kanyang mga ilusyon. alam nyang kailangan nya nang kalimutan ang kung ano mang namagitan sa kanila ni Lawrence sa isla. Binasag ni Joseph ang katahimikan.
" Pa'no nga pala kayo napadpad ni Mitch sa isla?"
" Nagpatangay lang kami sa alon. Ni hindi nga namin alam kung nasaan kami,eh."
" Ok ka lang ba mahal ko? Nagaalala na kami ni Ryan sa'yo. Hinahanap ka na ng anak mo. Magiisang buwan ka ring nawawala,eh."
" Ganun ba? OK lang naman ako. Marami namang mapagkukunan ng pagkain sa isla kaya hindi ako nagutom. Kamusta si Ryan?"
" OK lang sya mahal. 'Wag kang magalala.Pare, salamat nga pala sa pagaalaga mo sa kasintahan ko."
" Wala yun."
At muling tumahimik ang lahat. Dumating sila sa Laguna, kung saan nakatira ang pamilya ni Lawrence. Doon naghihintay si Lucy at ang kanilang anak na si Erica. Dalidaling tumakbo si Lucy kay Lawrence.
" Honey, I was so worried! Are you OK?"
" I'm fine. Kamusta kayo ni Erica?"
" We're Ok and we missed you a lot! By the way Joseph, sya ba ang GF mo?"
" Yeah, this is Mitch, my girlfriend."
" Hi, nice to meet you!",ani Lucy. "Same here", tugon ni Mitch.
Pagkatapos ay nagpaalam na sina Joseph at Mitch. Umalis si Mitch na may namumuong luha sa mata. Ito na nga ba ang huling araw ng kanilang pagkikita?

Habang nasa kotse sina Mitch at Joseph, hindi maiwasang mapuna ng binata ang tahimik lang na kasintahan.
" May problema ka ba?", tanong ni Joseph.
" Ha? Ah, wala. Pagod lang talaga ako."
" I know you've went through a lot lately. Naiintindihan ko. Pero sana lagi mo lang tatandaan na andito lang ako kapag kailangan mo. (Hinawakan nya ang kamay ng dalaga) Mahal na mahal kita Mitch. At kaya kong gawin ang lahat para sa'yo."
Walang naisagot si Mitch. Ang tanging tugon nya ay ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakokonsensya sya dahil alam nya kung gaano kabuti si Joseph at kung gaano sya kamahal nito. Pero sadyang hindi nya kayang suklian ng tunay na pagmamahal ang binata. Nang nakarating na si Mitch sa kanilang bahay, agad syang sinalubong at niyakap ng kanyang nangungulilang anak. Habang pinagmamasdan nya ito ay naalala nya ang magagandang bagay na ginawa ni Joseph sa kanilang mag-ina. Anak ni Mitch si Ryan sa dati nyang kasintahan na akala nya'y makakatuluyan nya. Kaya lang noong anim na buwang buntis si Mitch ay iniwan siya ng lalaki dahil sa isang waitress. Noong naging sila na ni Joseph, and binata na ang tumayong ama ni Ryan. Actually, si Ryan lang ang natatanging dahilan kung bakit tumagal ang relasyon nila ni Joseph. Now that Lawrence is in the picture, mas naguguluhan na si Mitch. Alam nyang inakala na ni Ryan na si Joseph ang kanyang ama pero alam nyang ang tulad ni Lawrence ang kailangan nya.
" Mommy, miss na miss na po kita! Buti na lang po hinanap kayo ni daddy." ani Ryan. Ngumiti lang si Mitch.
" Ryan, pagod pa ang mommy mo. hayaan na muna natin syang makapagpahinga,ok?", si Joseph. "OK".
Sa kwarto ni Mitch. Wala na syang ibang maisip kundi si Lawrence. Iniisip nya kung kelan nya muling makikita ang lalaki. O kung magkikita pa kaya sila. Hindi sya mapakali. " Kung bakit kasi nakita pa kami ni Joseph. Sana maligaya pa kami ngayon. Sana hindi na ako nasasaktan ngayon", isip ni Mitch.
Kinabukasan. Hinang hina pa rin ang loob ni Mitch. Sobrang namimiss nya si Lawrence. Until now, nasa gunita pa rin nya ang mga alaala nilang dalawa sa isla. Hanggang ngayon ay inaasam pa rin nyang maulit ang mga sandaling iyon. Mga sandaling nagpabago ng kanyang buhay. Mga sandali ng panandaliang kaligayahan. Kung kailangan pa nyang makaranas ng ganoong karanasan sa barko para lamang makasamang muli si Lawrence ay handa nyang danasin ulit. Pero wala na syang magagawa. Tapos na ang lahat. At isa pa, loyal si Lawrence sa kanyang asawa. Ramdam nya iyon. Ang nangyari sa isla ay dahil gusto lamang ni Lawrence na mapasaya ang kanyang tagahanga. Wala nang iba. Bago pa tuluyang mabaliw si Mitch, naisip nyang i-divert na lang ang atensyon nya sa ibang bagay. Kinuha nya ang laptop at nag access ng Facebook. Sa notifications, may isa syang friend request. And guess what, inadd sya ni Lawrence as a friend. Sobrang saya ni Mitch. Hindi nya akalaing mageeffort pa si Lawrence na hanapin ang kanyang pangalan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kahit konti lang ay meron syang puwang sa puso nung lalaki. Pagka-accept nya sa friend request ng lalaki ay agad nyang ibinigay ang kanyang contact number para may other means of communication sila ni Lawrence aside from FB. Isang araw nga ay nagtext si Lawrence sa kanya. Nagyayayang magkita sila sa Greenbelt. Hindi na nagdalawang isip si Mitch. Agad syang pumayag at nakipagkita nga kay Lawrence.
" How are you?", tanong ni Lawrence.
" Heto. Trying to move on. Ikaw?"
" Hindi ko alam. Alam ko Ok lang ako,eh. But I don't know why I feel so empty. Hindi ko nga alam kung bakit gustong gusto kitang makita ulit. Hindi ko alam kung nahuhulog na rin ako sa'yo. Tatapatin na kita, hindi ko gusto to. Ayokong mawasak ang pamilya ko. Gusto kitang makalimutan pero tulungan mo ako. Sabihin mo naman sa akin kung paano."
" Hindi kita matutulungan dahil kahit ako hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung papano ko babalewalain ang mga nangyari sa'tin. hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa isla."
" Namiss kita." Biglang niyakap ni Lawrence si Mitch.
" Handa ako sa kahit anong posibleng mangyari Lawrence. Kung kailangan akong maging kerida ay gagawin ko. kung talagang hindi mo sya kayang pakawalan, Kaya kong maghintay."
" Pero pano na si Joseph?"
" Hindi ko mahal si Joseph. At kahit anong gawin ko, hindi ko sya kayang mahalin. Mahirap diktahan ang puso. Mahigit 3 taon na rin kaming magkasama pero wala talaga akong ni katiting na pagtingin sa kanya."
Noon nagsimula ang bawal na relasyon nina Lawrence at Mitch. Madalas ay nagkikita sila sa panahong walang pasok si Mitch. O di kaya'y business meeting ang palusot ni Lawrence. Minsan ay pumuslit sila patungong Batangas. Sila lamang dalawa. Overnight stay sa mga hotel o resort. Kadalasang palusot ni Mitch kay Joseph ay pinapapunta sya ng kanyang kamag-anak. Pero kalaunan ay nagduda na si Joseph. Dati rati naman ay ayaw na ayaw ni Mitch na pumupunta sa probinsya. Lalong lalo na sa bahay ng kanyang Tita sa Bicol. Kaya isang araw ay sinundan nya ito nung minsang magpaalam si Mitch na pupuntang Bicol. Nakita nyang pumasok si Mitch sa Star Mall. Maya maya pa'y napansin nyang papalabas na ito mula sa mall kasama ang isang lalaki. And he thinks that the man is a bit familiar. Sinundan nya ito hanggang sa makarating sila sa Subic. Doon pala talaga ang tungo ni Mitch. Nag check in sila sa Bayfront Hotel. Sa pagbaba pa lamang ni Mitch at ng lalaki sa sasakyan, para nang pinapatay sa sakit si Joseph. Hindi nya akalaing magagawa sa kanya ni Mitch ito. Sa kabila ng sobra-sobrang pagmamahal. hindi nya alam kung saan sya nagkulang. Bumalik si Joseph ng Maynila. Habang si Lawrence at Mitch naman ay nageenjoy together.
Kinabukasan. Nakauwi na ng bahay si Mitch.
" Kamusta si Tita Rita?", tanong ni Joseph.
" Oh, Joseph ikaw pala. Well, ok naman sya. Kinukumusta ka rin nya. Bakit hindi daw kita isinama. Sinabi ko nalang na may trabaho ka."
" Mahal mo ba ako Mitch?"
" What's the relevance? Bakit mo ba tinatanong yan?"
" Ba't di mo kayang sagutin?" Napalunok na lang ng laway si Mitch.
" Sana naaalala mo pa ang pakiramdam ng taong pinaglaruan. Para hindi mo yun magawa sa iba". Pagkasabi'y umalis na si Joseph. Dama ni Mitch ang bigat ng kalooban ni Joseph habang papalabas ng bahay.
Samantala. Patungo si Joseph sa Pasig, sa bahay nina Lawrence. nagbabakasakaling andun si Lawrence at nais nya sanang kausapin. Pero ang tanging nadatnan nya ay si Lucy.
" Oh, Joseph, ikaw pala. What can I do for you?"
" Andito ba si Lawrence?"
" oh, he's not here yet. Ang sabi nya sa akin ay papunta syang Laguna. Kahapon pa nga yun,eh. Hindi ko alam kung sa  bahay ba sya natulog or sa apartelle. Business meeting kasi,eh. Anong kailangan mo sa kanya?"
" I think you need to know."
" Know what?" medyo worried nang tanong ni Lucy.
" Your husband and my girlfriend are going out. Sinundan ko sila kahapon, they went to Subic. Nagcheck in sila sa Bayfront Hotel. Sa tingin ko madalas na nila itong ginagawa. Iba na talaga ang ikinikilos ni Mitch ngayon. Bi wala na nga syang panahon sa akin,eh. o kahit sa anak nya."
Natahimik lang si Lucy. She doesn't know what to say. Napaiyak na lang sya sa balitang narinig.
" I know it's hard for you. Nahihirapan din ako", ani Joseph.
" Hindi ko masisisi si Lawrence kung sakaling patulan nya ang girlfriend mo."
" What do you mean?"
" May malubha akong karamdaman Joseph and any time from now, maaari akong mamatay. Namana ko ito sa aking ina. Matagal ko nang sinasabi kay Lawrence na maghanap na lang ng iba dahil alam kong hindi na magtatagal ang buhay ko. Patawarin mo ako kung pati ikaw ay nasasaktan."
" Ok lang sa'yo to?"
" Wala naman akong magagawa! Anong laban ko? Kung matagal na pala itong relasyon nila, malamang malalim na rin to. Kung ikaw nga ay walang nagawa, anong magagawa ko? Sabihin mo, anong pwede kong gawin?!"
" Sorry. I shouldn't have told you about it. Aalis na ako. Salamat sa time".
Humahagolgol pa si Lucy nang iniwan ni Joseph. Ilang sandali pa'y dumating si Lawrence.
" Honey, why are you crying?"
" Tapatin mo ako Lawrence, do you have someone new?"
" Honey, sinong may sabi sa'yo nyan. you know I can't..."
" What I know is that I can't live long enough. Kaya sana bigyan mo ako ng magagandang alaala. Gust ko kapag kaharap ko na ang Diyos ay maipagmalaki naman kita. Sana masabi ko sa Diyos na naging mabuti kang asawa at ama. Pero bakit ganito? Ba't mo nagawa sa'kin to?"
" Hoey, what are you talking about?"
" Please! For God's sake, wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo! Maging lalaki ka naman! Kagagaling ni Joseph kanina dito, remember Joseph? Siya ang boyfriend ng kalaguyo mo. He said he saw you and Mitch na nagcheck in sa Bayfront Hotel sa Subic. Ang akala ko ba ay papunta kang Laguna? Laguna na ba ang tawag sa Subic ngayon?"
" Hon, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya."
" My God! Gising ka naman siguro nung mga panahong niloloko mo ako. Hindi ka naman siguro nasisiraan ng bait. Panong hindi mo sinadya? Mamili ka, kami ng anak mo o siya?"
Napagtanto ni Lawrence lahat ng sinabi ng kanyang asawa. Mali ang kanilang nagawa ni Mitch. At dapat nya na itong putulin. Ang kung ano mang nangyari sa isla ay mananatili na lamang na alaala. Niyakap ni Lawrence ang asawa. "Patawarin mo ako. Hayaan mo, puputulin ko na ang kahibangang ito. I won't break your heart again"
" Aasahan ko yan, Lawrence. You know what I can do." ani Lucy.
" Alam ko mahal. Alam ko.."
Samantala. Nasa isip isip pa rin ni Mitch lahat ng bagay na nagawa nila ni Lawrence sa Subic. Lahat ng kulitan, lambingan at iba pang mahahalagang sandali. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali sa buhay ni Mitch. Sa wakas ay naramdaman na nya ang ligayang walang humpay. Walang katulad. Ang mga sandaling iyon ay tumatak sa isip maging sa puso ni Mitch. Ilang sandali pa ay dumating si Joseph.
" Oh, Joseph! San ka galing?"
Nakatitig lang si Joseph sa kanya. Titig na parang nanunumbat.
" May problema ka ba?", tanong ni Mitch.
" Hindi ako ang may problema. Tayo. tayo ang may problema!"
" What do you mean?"
" Mitch, saan ba ako nagkulang? Sabihin mo at pupunan ko. Mitch, ano pa ba ang gusto mo at gagawin ko." Umiiyak lang si Mitch. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay sobrang sakit ang naramdaman ni Joseph. At alam na alam nyang sya ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon.
" Sagutin mo ako Mitch. 'Wag mo ako gawing tanga!!!" Humagulgol na ng husto si Mitch. May puot at hinanakit ang mga salitang binitawan ni Joseph. Mga salitang sobrang nanuot sa kanyang dibdib. Pero hindi nya masisisi ang lalaki. Marami syang nagawang pagkakamali. Umiiyak pa rin sya ng husto. Lumapit na ng husto si Joseph. Hinawakan ang kanyang mga balikat. Lumuluha.
" Mitch, Ikaw na ang naging buhay ko. Kung mawawala ka, baka mamatay na ako. Mitch, sabihin mo naman sa akin kung saan ako nagkulang?" Niyakap ni Joseph ng husto si Mitch. Yakap na parang ayaw nya na itong pakawalan. "Mahal na mahal kita Mitch!"
Napansin ni Ryan na nag-uusap sina Mitch at Joseph. Nakita nya ang dalwang na pawang umiiyak.
" Mom, dad..What's wrong?", tanong ng bata.
" Nothing's wrong, ijo. Mom and I are just talking".
" But why are you crying?"
" We are discussing important things. Go to your room." Sumunod naman si Ryan sa sinabi ng ama-amahan. Kahit ang kanyang murang isip ay alam na may hindi mabuting nangyayari.
Nagpatuloy ang pag-uusap nina Mitch at Joseph.
" Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin ng harapan? Bakit ayaw mong ipaliwanag na lang?"
Walang ibang tugon si Mitch kundi hagulgol lamang. Sobrang nasasaktan sya dahil alam nya kung paano nya nasaktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya. Napaupo si Joseph sa sofa. Umiiyak. Lumuhod si Mitch sa kanyang harapan.
"Patawarin mo ako, Joseph" ani Mitch. Ang boses nya'y pilit na lumalabas sa kanyang bibig. Parang bulong lamang. Pinipilit nyang lumabas ng malinaw ang mga salitang iyon ngunit hindi nya magawa.
" Patawad Joseph. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako...."
Makailang ulit itong sinabi ni Mitch. Gusto ni Joseph magalit ng husto sa kasintahan pero sadyang mas matimbang ang kanyang pagmamahal dito kaysa sa bigat ng kasalanang nagawa. Dahan-dahan nyang inangat si Mitch at pinatabi sa kanya. Hinawakan ang mukha ng dalaga sabay sabing, " napatawad na kita bago ka pa man nagkasala." Agad agad ay niyakap ni Mitch si Joseph. Sobrang saya nya nang marinig ang mga katagang binitawan ng lalaki. Hindi nya alam kung bakit ngunit tila sa mga sandaling sila ay di nagkasundo, may kaunting takot na naramdaman si Mitch. takot na baka mawala ang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Taong siguradong aalagaan sya habambuhay. Gayon na lamang ang laking pasalamat ni Mitch na kahit kaunting galit ay di kakikitaan si Joseph. Mahal sya nito. At ang pagmamahal na iyon ang muling nagbuklod sa malapit nang mawasak na pagsasama.
Ilang araw pa ang lumipas. Nagtatrabaho pa si Mitch Byernes ng hapon, around 4:00 PM. Biglang may dumating na delivery para sa kanya.
" Magandang araw po maam! Kayo po ba si Miss Mitch Santiago?"
" Oo ako nga. Bakit po?"
" May deliveries po para sa inyo. Pakipirmahan na lang po dito." pagkapirma ni Mitch at isa isang lumabas ang mga ibat-ibang klase ng bulaklak na syang ipinadala para sa kanya. May iba't-ibang kulay ng roses, may chrysanthemum at sun flower pa. Ang huling lumabas ay isang gabundok na tulips na dala-dala pa ng isang lalaki. Nagtataka si Mitch kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak at kung sino ang lalaki sa likod ng mga tulips. Ang mga kasamahan naman ni Mitch ay naghiyawan sa tuwa at kilig. Kinakabahan si Mitch habang papalapit na ang lalaki. Bigla itong lumuhod sabay abot sa pulang box. Pagkatanggal sa gabundok na tulips, napaiyak si Mitch sa kanyang nakita.
" Will you marry me?", tanong ni Joseph. Napaiyak ng husto si Mitch sa sobrang tuwa. Habang ang kanyang mga kasamahan naman ay nagpalakpakan. Ang iba sa kanila ay humihiyaw pa ng "sagutin mo na yan!" at ang iba ay " umOo ka na!". Kinuha ni Mitch ang pulang box at ang sabi'y "Yes, I will!". Agad na tumayo si Joseph. Labis na tuwa ang kanyang nadama noong marinig ang "OO" na pinakahihintay nya sa mahabang panahon. Agad nyang niyakap si Mitch ng sobrang higpit na tila ba wala nang pwedeng makakapagpahiwalay sa kanila.
Kinagabihan. Nagusap sina Mitch sa gaganaping kasalan nila sa susunod na ikaanim na buwan. Konti lang ang panahong natitira kaya maigi nila itong pinagpanuhan. Piling pili ang mga ninong at ninang nilang dalawa. Pawang mga taong naging malapit sa kanila simula noong nagsisimula pa lamang sila sa kanilang relasyon bilang magkasintahan. Piling pili din ang mga abay. Si Ryan ang gaganap na little groom. Nang malapit nang matapos ang kanilang ginagawang listahan, Joseph brought up the topic about Lawrence.
" Gusto mo ba syang imbitahan?" tanong ni Joseph.
" What for? Hindi naman natin sila naging ganoon kaclose. Wla din namang kwenta kung iimbitahan pa natin sila."
" Natatakot ka ba?"
" Wala na akong dapat ikatakot Joseph. Tpos na ang lahat sa amin ni Lawrence. At ayaw ko nang ano mang bagay na may kinalaman sa kanya. Nasasaktan lang ako kapag naiisip ko kung paano kita nasaktan. Sa kabila ng lahat ng iyong mga kabutihan at tunay na pagmamahal."
" O,tama na. Naiiyak ka na naman. Alam mo namang nanghihina ako kapag nakikita kitang umiiyak." pagkasabi'y niyakap nya si Mitch.
" Mitch, ang gusto ko lang naman sana ay magkaroon ng proper closure ang kung ano mang nangyari sa inyong dalawa."
" Ayoko Joseph. All I wanted now is to start all over again with you. gusto ko nang makalimutan ang dilim ng kahapon. All I want is to move on...with you."
Pagkaraan ng anim na buwan ay ikinasal na nga sina Mitch at Joseph. Kitang kita sa kanilang mukha ang tuwa at abot langit na pasasalamat. Sa wakas ay nagkatotoo na rin ang munting pangarap ni Joseph. Ang makasal sa pinakamamahal na babae na si Mitch. At sa wakas ay natagpuan na rin ni Mitch ang tunay na pag-ibig na bagama't dinaanan ng malalakas na hagupit ng pagsubok ay di pa rin sumusuko. Sa reception ay hindi mapigilan ni Mitch na ikwento ang lahat na pinagdaanan nilang dalawa.
" Gusto ko lang pong pasalamatan unang una ang Diyos na syang nagbuklod sa aming dalawa. Sa pagbibigay Nya sa akin ng taong tunay na namahal at patuloy pang magmamahal sa akin sa kabila ng lahat. Nais ko rin pong magpasalamat sa aking mahal na asawa. Joseph, salamat sa lahat lahat na nagawa mo para sa akin. Salamat at binigyan mo ng kasagutan ng matagal ko nang tinatanong sa Dyos. Ikaw ang natatanging lalaking handang magmahal sa kabila ng mga pagkakamali. Handa kang magpatawad. At tinanggap mo ang buo kong pagkatao. Pinunan mo lahat ng pagkukulang ko sa aking sarili, sa aking anak at maging sa'yo. You're the perfect husband. And I promise to be a perfect wife for you. I love you so much!" ani Mitch.
Lahat ng tao na dumalo ay mangiyakngiyak na rin sa pahayag ni Mitch. Makikita talaga sa kanya ang sincerity. At mula noon ay nagsama na sila ng matiwasay at maligaya. Kasama ang kanilang anak na si Ryan at nasundan pa ng isa makalipas lamang ang dalawang buwan, si Mikaella. Tulad ng pinangarap ni Mitch, nahanap na rin nya ang tunay na pag-ibig. Ito na kaya ang katapusan ng kabanata sa buhay ni Mitch? O simula pa lamang ng uusbong na pagmamahalan?
Abangan...Ü

Comments

  1. karugtong ba ito ng love of my life?

    ReplyDelete
  2. yan ang first actually...
    and there children were the main characters of love of my life... Ü

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Call Center

Salamat!

Love of my Life 10