Posts

Showing posts with the label Poem

King Cobra

Image
Malupit. Mabangis. Ganyan ang aking paglalarawan sa'yo pumapatay ka ng walang puso Katok, katok. Tumutunog ang pintuan. Natatakot ako baka ikaw na naman 'yan. Nakakatakot. May nabiktima ka na naman Sa kabilang baryo ng aming bayan " Anak!" Tawag ng aking ama. Binuksan ko ang pinto't nakita ka. Nanlamig. Walang kibo. Sa aking kinatatayuan ako'y napako. Kawaawa ang aking ama. Tinuklaw mo sya. Ako'y humingi ng tulong At sama-sama ka naming pinatay. Sana wala nang katulad mo. Sana wala nang mamatay. Nagluluksa. Kami na naman ay nagluluksa, Pumanaw ang aking ama. Pinatay mo sya! King Cobra!

Sulat

R odrigo mahal ko, ako ay pakinggan. Ang ating mga pangako, 'wag mong kalilimutan Tayo ay mananatili pa ring nagmamahalan Kahit tayo'y magkalayo, ito pa rin ay aasahan. I rog kong Conchita ako sana'y patawarin Kung aking nasasaktan ang puso mo't damdamin Ika'y minamahal ito lagi'y iisipin. Ang makasama ka ang tangi kong dalangin. C onchita mahal ko pakakatandaan lang Hindi na magmamaliw ang aking pagmamahal Ilang taon man at bagyo ang dumaan Pag-ibig ko'y sa'yo lang wag mong kalilimutan. H irap man ako dito sa ibang bansa Larawan mo lang ang nagbibigay sigla Nais na kitang muli kong makasama Nais kong malaman mong minamahal kita. A yaw ko man ay walang magagawa Kailangang lumayo upang buhayin ka Alam kong nahihirapan ka aking sinta Ngunit sandali na lama't muling magkakasama. R odrigo kong mahal ako'y maghihintay Kahit umabot pa sa kabilang buhay Nais ko ngayon ay mahawakan ang 'yong kamay At makasama ka sa'yon...

Ikalawang Lalaki

Mahal nya ako't mahal ko rin sya Malalim na ang pagsasama naming dalawa Mahirap paghiwalayin kahit ng tadhana Unos sa aming pag-ibig ay balewala. Ngunit nang dumating ang isa pang lalaki Ang aking pag-ibig sa asawa ko'y napawi Mahal ko man sya'y mas matimbang ang isa Matinding pagmamahal ang sa ngayo'y nadarama. Hindi ko alam kung paano sasabihin Itong tinatago kong damdamin Alam kong magdaramdam ang aking asawa Sapagkat ngayo'y may mahal na akong iba. Ngunit hindi ko mapigil ang aking damdamin 'Pag nakikita ko sya at sya'y naglalambing Namimiss ko sya kapag ako'y napalayo 'Pag sya'y nagtatampo, agad ko syang sinusuyo. Pero sa tingin ko dapat malaman ng aking asawa Itong damdamin ko sa isa pa. Hindi naman mali ang mahalin aming anak. Tiyak ko asawa ko ri'y magagalak.

Call Center

Hindi madali ang aking trabaho Araw-araw kausap ko'y mga kano. Paminsan minsan ay di nagkakaintindihan Pa'no kasi, ayaw akong pakinggan. Minsan sinasabi nilang ako'y mali Nais nila tama sila parati. Ayaw nilang sila'y napapahiya. Ang mga kano minsan ay isip bata. Ang ibang tao ay sinasabi. Ang trabaho ko ay madali. May kausap lang sa telepono. At parati lamang nakaupo. Hindi ganoon mga kababayan Minsan kami ri'y nahihirapan. Nireresolba ang problema ng kano At ang wikang Ingles, aba'y di biro. Akala ng iba'y malaki ang aming sahod Ito'y dahil kami ay labis na kumakayod Bagama't nakaupo, utak nami'y tumatakbo Kaya hindi madali itong aming trabaho. Sa Call Center, iba-iba ang uri ng tao Mayama't mahirap, lahat magkasundo Dito ka makakahanap ng maraming kaibigan Na hindi alintana kung ano ang 'yong pinagmulan. Masarap at mahirap ang buhay sa Call Center Araw-araw ang kaharap mo'y computer. Ang kausap sa t...

Araw ng mga Puso

Araw na naman ng mga puso May naaalala na naman Ang dating pag-ibig kong Hindi ko makalimutan. Araw na naman ng mga puso't Ikaw ang laging nasa isip Akin ngayong napagtanto Ano kaya kung ikaw ang pinili? Araw na naman ng mga puso Ikaw uli'y nagparamdam Akala ko, ako'y nilimot mo Ngunit ako pa rin pala'y mahal. Ngunit ang lahat ay tapos na May kapiling na akong iba Hiling ko na lang ay ligaya Para sa ating dalawa.

Kung Kailang Wala Ka Na

Kung kailang wala kana Saka hinahanap kita Nakaraa'y aking naaalala Talagang mahal pala kita. Binalak ko na magbalik At suyuin kitang muli Ngunit ako na pala'y huli Mahal mo na'y ibang babae. Tinangka kong lapitan ka At sabihing mahal kita Pero nakita kong masaya ka na Ngayong kapiling mo'y iba. Bagama't ako'y nasasaktan Ika'y aking kakalimutan Ang ating mga nakaraan Ay magiging alaala na lang.

Kalungkutan

Madilim, Maitim na ulap sa kalangitan, Naglalarawan ng labis kong kalungkutan Habang naglalakad sa malakas na buhos ng ulan, Nadarama ko ang lamig sa buong katawan. Mabango't magandang rosas sa hardin, Binalot mo ng tinik ang aking damdamin Sinaksak mo ng punyal ang aking puso, Dahil dito puso ko'y labis na nagdurugo. Mabangis na tagistis ng tubig sa ilog, Pinaglalayo mo kami ng aking irog, Dahil dito ang puso ko'y nalulunod, Sa lakas ng agos, damdamin ko'y naaanod. Malakas, malupit na ihip ng hangin, Iyong nilipad ang aking damdamin, Dahil dito ang puso ko'y naglalakbay, Sinong kukuha na may butihing kamay?