Wag Kang Magmamahal sa Isang Sugatang Puso


Apat na taon
Apat na taon mo siyang minahal...
Inalagaan, iningatan at pinaglingkuran.
Apat na taon...
Apat na taon ka na rin niyang nililinlang
Ang akala'y ikaw lang pero may iba rin syang mahal.
Apat na taon...
Apat na taon akong naghintay...
Nag-abang, umasa kahit tila walang saysay.
Subalit sa ikaapat na taon...
Nahuli mo siya, may kasama syang iba...
Lumabas sa isang inn habang naglalakad ka sa may Ermita.
Sa ikaapat na taon...
Inamin niyang may iba siya at sabi nya,
"Maghanap ka na rin ng iba".
Sa ikaapat na taon...
Nalugmok ka at nalumbay
Ninais mo na lamang mamatay.
Sa ikaapat na taon...
Natapos na ang aking paghihintay
Sa iyong kalungkutan, ako ang 'yong karamay.
Isang taon...
Isang taon akong nagtiis...
Madama ko lamang ang pag-ibig mong walang kasintamis.
Isang taon...
Isang taon akong umasa
Nagpakagaga para lang makapiling ka
Palagi kitang kasama
Maghapon, magdamag laging kapiling ka
Isang araw sabi mo'y, "Gusto kita"
Tinanong ko kung tayo na
Umiling at yumuko ka
Sabay sabing,"Hindi ko pa kaya".
Isang taon...
Sa loob ng isang taon, pinagtiisan ko
Dahil ang tanging nais ko'y pag-ibig mo.
Pero nasasaktan na'ko
Dahil sa loob ng isang taon
Siya pa rin ang mahal mo.
Kaya napagtanto ko...
Wag kang magmamahal sa isang sugatang puso
Dahil di mo malalaman kung totoo ang pagsuyo

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise