Posts

Showing posts from March, 2011

Love of my Life 8

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap nila ng kanyang ama ay inisip ni Ryan ang magandang hakbang upang mapalapit sa mga magulang ni Erica. Iniisip niya kung papaano kaya sya matatanggap ng mga magulang ni Erica gayong anak sya ng taong malaki ang pagkakasala sa kanilang pamilya. Ngunit isa lamang ang alam nya. Mahal nya si Erica at ipagalaban nya ito. Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nagpaparamdam si Ryan sa dalaga. Kaya't nilalason ng kanyang ama ang kanyang isip. " Tigilan mo na ang pagchecheck ng cellphone mo. Hindi na tatawag 'yon. Hindi ka naman talaga nya mahal,eh. Tingnan mo ngayon, hindi man lang sya nagpakita sa'yo sa panahong kailangan mo sya" Napaluha si Erica. " 'Wag mo nang sayangin ang luha mo sa isang walang kwentang lalaki. Ginamit ka lamang nya. Nagmana kasi sya sa kanyang ina, manggagamit" Napaisip si Erica. Ginagamit nga lang kaya sya ng kasintahan? Hindi nya naman ito masyadong nakikila ng lubusan pero ang alam nya

Love of my Life 7

Sabay na dumalaw sina Ryan at Erica ang mga magulang ng dalaga. " Magandang hapon po dad", nagmano si Erica sa ama. Nakatitig si Lawrence kay Ryan. " Anak, hayaan mo muna kaming makapag-usap ni Ryan " Napatingin si Erica kay Ryan. " Bakit po dad? May problema ba?" " May sasabihin lang ako sa kanya. Sandali lang ito" " Hindi. Ayokong kausapin mo sya na wala ako. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin mo " Hindi inakala ni Lawrence na masasabi iyon ng kanyang anak. Hindi man ganoon kabait si Erica ay hindi rin naman ito sumusuway sa kanya. " Kailan mo pa natutunan 'yan, ha? Iyan ba ang natutunan mo sa lalaking ito?" itinuro pa ni Lawrence ang binata. " Erica, sundin mo na lang ang daddy mo para walang gulo. Puntahan mo na muna ang iyong ina", ani Ryan. " Ayoko. Sinabi ko na sa'yong ipaglalaban kita kahit kanino....Dad, kung tungkol ito sa inyo ni Tita Mitch, labas na kami doon" Hi

Love of my Life 6

Nagkasundo na sina Mitch at Erica na pansamantalang babantayan ng ginang ang ama't ina ng dalaga. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon nilang pareho kapag nagkita na sila? Umuwi na si Erica sa kanila. Si Mitch naman ay naghahanda na ng mga dadalhin kinabukasan sa ospital. Bumili din sya ng mga prutas para dalhin sa mga ito. Kinabukasan. Nakaalis na si Ryan upang pumatungo sa skwelahan. Bagama't maaga pa'y lumakad na sya dahil alam nyang traffic sa Buendia kapag naabutan sya ng 7 am. Si Mitch naman ay dala-dala na ang mga prutas na ibibigay sa mga magulang ni Erica. Lumakad na sya patungong Makati Med. Iniisip ni Mitch kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Erica kapag nakita sya at nalamang sya ang ina ng kasintahan ng dalaga. Iniisip nya kung magiging magkasundo kaya sila o baka maliitin lang sya ng mga ito. Pero dahil mabait ang pagkakakilala nya kay Erica, malamang ay mababait din ang mga magulang nito. Nasa lobby na ng ospital si Mitch. Namangha s

King Cobra

Image
Malupit. Mabangis. Ganyan ang aking paglalarawan sa'yo pumapatay ka ng walang puso Katok, katok. Tumutunog ang pintuan. Natatakot ako baka ikaw na naman 'yan. Nakakatakot. May nabiktima ka na naman Sa kabilang baryo ng aming bayan " Anak!" Tawag ng aking ama. Binuksan ko ang pinto't nakita ka. Nanlamig. Walang kibo. Sa aking kinatatayuan ako'y napako. Kawaawa ang aking ama. Tinuklaw mo sya. Ako'y humingi ng tulong At sama-sama ka naming pinatay. Sana wala nang katulad mo. Sana wala nang mamatay. Nagluluksa. Kami na naman ay nagluluksa, Pumanaw ang aking ama. Pinatay mo sya! King Cobra!

Love of my Life 5

Kinuha ni Lawrence kay Erica ang larawan ni Mitch. " Lalakad na ako anak. Akin na yang picture ni Mitch" " Ipapakita ko po kay Mommy" " 'Wag na!" bigla nitong sigaw. Nagtaka si Erica. " Bakit parang balisa ka Dad? Bakit ayaw mong ipakita kay mommy ang larawan ni Tita Mitch?" " 'Wag mo na lang banggitin sa mommy mo ito,ha" " Bakit nga dad?" " Baby, alalahanin mong mag butas sa puso ang mommy mo. Minsan na syang muntikan nang mawala sa atin. Minsan na syang nagkaroon ng taning sa buhay. Ayokong ito pa ang dahilan upang matuluyan sya. Akin na" Mag pagaalangan man ay ibinigay ni Erica ang larawan. Subalit takang-taka talaga sya sa sinabi ng ama. Totoong muntik nang mamatay si Lucy. Dati pa ma'y tinaningan na ng doktor ang kanyang buhay. Inakala ng lahat na mamamatay si Lucy labing limang taon na ang nakaraan. Ngunit may milagrong nagsalba sa kanyang buhay. Naging deboto na si Lucy ng Black Naz

Love of my Life 4

Pagkatapos ng hearing ay naging magkasundo na sina Ginang Dela Cruz at Erica. Ngunit ayaw na ni Erica na bumalik pa sa klase ni Ginang Dela Cruz dahil mas gusto nyang malapit lang kay Ryan ang kanilang silid kaya patuloy pa rin syang papasok sa klase ni Miss Smithson. " Mabuti't napatawad mo si Ginang Dela Cruz", ani Ryan. " Naiintindihan ko kasi sya Ryan. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng magmahal". " I'm glad. May pagbabago ka na Erica", ani Ginoong Miranda nang sumabay papalabas ng opisina nya. " Tama ka Rafael. Marami na ngang pagbabago sa anak ko. And I'm proud." pagsang-ayon ni Lucy. Breaktime. Hinintay ni Ryan si Erica sa labas ng silid aralan nito. " Ryan!" tawag ni Erica. " Hi Erica! Hi Clarrice!" " Are you waiting for me?" excited si Erica. " Yeah, I was hoping that we could eat together". anyaya ni Ryan. " Sure!" sabay lingon kay Clarrice. " Alone