King Cobra



Malupit.
Mabangis.
Ganyan ang aking paglalarawan sa'yo
pumapatay ka ng walang puso
Katok, katok.
Tumutunog ang pintuan.
Natatakot ako baka ikaw na naman 'yan.
Nakakatakot.
May nabiktima ka na naman
Sa kabilang baryo ng aming bayan

" Anak!"
Tawag ng aking ama.
Binuksan ko ang pinto't nakita ka.
Nanlamig.
Walang kibo.
Sa aking kinatatayuan ako'y napako.
Kawaawa ang aking ama.
Tinuklaw mo sya.
Ako'y humingi ng tulong
At sama-sama ka naming pinatay.

Sana wala nang katulad mo.
Sana wala nang mamatay.
Nagluluksa.
Kami na naman ay nagluluksa,
Pumanaw ang aking ama.
Pinatay mo sya!
King Cobra!

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise