Love of my Life 6

Nagkasundo na sina Mitch at Erica na pansamantalang babantayan ng ginang ang ama't ina ng dalaga. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon nilang pareho kapag nagkita na sila?

Umuwi na si Erica sa kanila. Si Mitch naman ay naghahanda na ng mga dadalhin kinabukasan sa ospital. Bumili din sya ng mga prutas para dalhin sa mga ito.

Kinabukasan. Nakaalis na si Ryan upang pumatungo sa skwelahan. Bagama't maaga pa'y lumakad na sya dahil alam nyang traffic sa Buendia kapag naabutan sya ng 7 am. Si Mitch naman ay dala-dala na ang mga prutas na ibibigay sa mga magulang ni Erica. Lumakad na sya patungong Makati Med. Iniisip ni Mitch kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Erica kapag nakita sya at nalamang sya ang ina ng kasintahan ng dalaga. Iniisip nya kung magiging magkasundo kaya sila o baka maliitin lang sya ng mga ito. Pero dahil mabait ang pagkakakilala nya kay Erica, malamang ay mababait din ang mga magulang nito.

Nasa lobby na ng ospital si Mitch. Namangha sya sa ganda ng ospital. Bagama't matagal tagal na sila sa Makati ay ngayon lamang sya nakatungtong dito. Papaano kasi'y sa PGH lang sila nagpapaospital kapag nagkakasakit.

Sa sobrang laki ng ospital ay hindi na alam kung saan sya pupunta. Tinext nya si Erica kung anong room naroon ang mga magulang.

"Si daddy ay nasa room 203 at si mommy ay nasa room 204."

Nagtanong agad si Mitch sa information desk kung saan papunta ang room 203 at 204. Inisa isa ni Mitch ang mga kwarto hangga't narating nya nga ang room 203. Kumatok sya ngunit wala namang naririnig na sagot. Sinilip nya ang maliit na clear glass sa pinto. Walang tao. Pumasok na lamang sya at kinatok ang banyo upang malaman kung nandoon ba ang hinahanap.

" Hello, may tao ba dyan?"

" Nurse ikaw ba yan?"

" Ay hindi po. Pinapunta po ako ni Erica dito para pansamantala munang magbantay sa inyo."

" Ah, ok. Umupo ka muna at matatapos na akong maligo."

" Ok. Dinalhan nga pala kita ng mga prutas. Ilalagay ko na lang sa mesa,ha"

" Salamat"

Lumipas ang ilang sandali ay natapos na si Lawrence sa paliligo. Lumabas sya at nakita ang isang babaeng nagbabasa ng magazine. Alam nyang kilala nya ito.

" Mitch?"

Nagulat si Mitch sa nakita. Si Lawrence. Ang lalaking minsan nyang minahal ng lubusan. Matagal na rin syang walang balita dito. At ngayo'y nagkita na sila. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon. Ilang sandali din silang nagkatitigan. Tahimik lamang ang paligid. Pareho silang kinakabahan.

" Kamusta ka na?" tanong ni Mitch.

Hindi lamang sumagot si Lawrence. Ayaw nyang may mapagusapan sila.

" Hindi ko akalaing ikaw ang madadatnan ko dito. Ikaw...ikaw ba ang ama ni Erica?"

" Oo. At hindi ko gusto 'to. Ayokong magkaroon pa ng ugnayan sa'yo"

Nasaktan si Mitch sa narinig. Para bang nandidiri pa si Lawrence sa kanya.

" Kung makapagsalita ka'y parang nandidiri ka pa sa akin. Hindi ko naman alam na ikaw ang ama ni Erica. At anong magagawa ko kung sya pala ang kasintahan ng anak ko!"

" May magagawa ka! Ayoko ang anak mo para sa anak ko! Minsan mo nang muntikang masira ang pamilya ko. Layuan mo na ako!"

" Hindi ko 'to ginusto at hindi ko naman sinasadyang mainvolve ulit sa'yo. Hindi ko naman mapipilit ang mga bata sa kung anong gusto nila "

" Kung ayaw mong gumawa ng paraan, ako na ang gagawa ng paraan para paglayuin sila"

" Ano bang problema? Wala naman silang kinalaman sa kasalanan natin noon!"

" Natin? Ha! Nagpapatawa ka ba? Kasalanan mo lang 'yon. Dinamay mo lang ako!"

" Ha! Ngayo'y nagmamalinis ka? Pagkatapos ng nangyari sa atin sa isla, hindi na kita ginambala pa hanggang ikaw na ang lumapit sa akin. Kung may naging kasalanan man ako, 'yon lang ay dahil minahal kita. Naging kahati kita sa kasalanang iyon Lawrence. 'Wag kang magmalinis. Hindi bagay sa'yo."

Nagtangkang umalis si Mitch. Hindi nya matanggap ang sinabi ni Lawrence. Pinapalabas kasi nito na naging kasalanan lang ni Mitch ang lahat ng nangyari. Hinawakan ni Lawrence ang kanyang braso.

" Tulungan mo akong paglayuin ang mga bata. Bibigyan kita ng malaking halaga "

" Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera mo!"

Pumakawala si Mitch sa mahigpit na pagkakahawak ni Lawrence. Lumabas sya sa kwarto nito. Sumilip lamang sya sa Room 204. Kinukurot ang kanyang damdamin sa nakita. Naka oxygen pa ang walang malay na si Lucy. Napaiyak si Mitch. Naalala nya ang nagawang kasalanan sa ginang. Alam nyang malaki ang pagkakamaling nagawa nya sa pamilya nito. Paano kaya magrereact si Lucy kapag nalaman nyang ang taong minsang nagkamali sa kanya ay sya pang magulang ng kasintahan ng kanyang anak? Marami ang naglalaro sa isip ni Mitch. Ilang sandali pa'y lumabas din si Lawrence sa kwarto dala-dala pa ang dextrose nito.

" Look at her. Nakakaawa sya"

Tahimik lamang si Mitch.

" Minsan na rin syang muntik nang mawala sa amin. Nang dahil sa ginawa natin sa kanya noon. Ayokong mangyari ulit sa kanya ngayon 'yon. Naisip mo ba kung anong magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang ikaw ang ina ni Ryan? Pakiusap, kung may kaunti ka pang konsensya sa katawan, tulungan mo akong paglayuin ang mga bata "

" Mahirap ang hinihiling mo. Dahil baka ang anak ko naman ang mawala sa akin. Hindi ko kaya. Sorry!"

Nakayuko si Mitch habang papalayo kay Lawrence. Umiiyak. Lumabas na lamang sya ng ospital na iyon.

Kinahapunan. Pagkatapos ng kanilang klase'y dumiretso sa bahay nina Ryan ang magkasintahan.

" Hi mom. Kamusta ang araw mo?" bati Ryan

Nakatitig si Mitch kay Erica.

" Ma?" pansin ni Ryan na tila ba tuliro ang ina.

" OK lang ako anak. Pumunta ako kanina sa ospital"

" Nagkita na ba kayo ni daddy? Siguradong natuwa iyon. Magkakilala daw kasi kayo. May larawan pa nga sya sa'yo tita,eh. Parang sa Subic yata 'yun"

Hindi makapaniwala si Mitch sa narinig. Hanggang ngayon pala ay tinatago pa rin ni Lawrence ang larawan nila.

" Totoo ba 'yon ma?" tanong ni Ryan.

" Ha? Ah, oo. Nagkamustahan lang kami ng sandali kanina. Umuwi naman kasi ako agad kasi sabi nya kaya naman daw nya"

" Baka nahiya lang si daddy. Teka nga pala tita, paano kayo nagkakilala ni daddy?"

" Ha? Ammmmm....hindi ko na masyadong maalala. Masyado nang matagal ang panahon na iyon"

Napilitan na lamang si Mitch na magsinungaling. Hindi nya alam kung papaano ipapaliwanag sa dalawa ang madilim nilang kahapon. O kung dapat pa bang sabihin ito sa kanila. Ang madilim na kahapong maglalayo sa kanilang dalawa. ngunit hindi maikakaila ng mga kilos ni Mitch ang kaba sa dibdib sa tuwing napaguusapan ito.

" May nakaraan ba kayo ng ama ni Erica?" nabigla si Mitch sa tanong ng anak.

" Ha? Bakit mo naman naitanong iyon? Magkaibigan lamang kami ni Lawrence. Naging sobrang malapit na magkaibigan na muntik nang ikamatay ni Lucy sa selos "

" Kung ano man ang naging pagkakamali ninyo, labas kami doon. Hindi po ako makakapayag na maapektuhan ang aming relasyon nang dahil lamang sa inyong nakaraan ", pahayag ni Ryan.

Napatitig lamang si Mitch sa dalawa sabay tumalikod. Nagkatinginan sina Erica at Ryan. Niyakap ng binata ang kasintahan.

" Ipaglalaban natin ang ating pag-big. Pangako, hindi kita pababayaan" ani Ryan.

" Ipaglalaban din kita Ryan. Kahit sino man ang humadlang "

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Salamat!

Love of my Life 10