Love of my Life 8
Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap nila ng kanyang ama ay inisip ni Ryan ang magandang hakbang upang mapalapit sa mga magulang ni Erica. Iniisip niya kung papaano kaya sya matatanggap ng mga magulang ni Erica gayong anak sya ng taong malaki ang pagkakasala sa kanilang pamilya. Ngunit isa lamang ang alam nya. Mahal nya si Erica at ipagalaban nya ito.
Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nagpaparamdam si Ryan sa dalaga. Kaya't nilalason ng kanyang ama ang kanyang isip.
" Tigilan mo na ang pagchecheck ng cellphone mo. Hindi na tatawag 'yon. Hindi ka naman talaga nya mahal,eh. Tingnan mo ngayon, hindi man lang sya nagpakita sa'yo sa panahong kailangan mo sya"
Napaluha si Erica.
" 'Wag mo nang sayangin ang luha mo sa isang walang kwentang lalaki. Ginamit ka lamang nya. Nagmana kasi sya sa kanyang ina, manggagamit"
Napaisip si Erica. Ginagamit nga lang kaya sya ng kasintahan? Hindi nya naman ito masyadong nakikila ng lubusan pero ang alam nya ay mabuti itong tao kaya't hindi maaaring manggamit ng kapwa.
" Anak, ang intindihin na lamang natin ngayon ay ang iyong ina. Mahina pa sya't kailangan nya tayong dalawa. 'Wag kang mag-alala't ililipat kita ng skwelahan para mailayo ka sa taong nanakit sa'yo"
Nakatitig si Erica sa ama.
" Kung nais mo akong ilayo sa taong nanakit sa akin, ibig sabihin lang noon ay gusto mo akong lumayo sa iyo. Dahil ikaw lang ang taong nanakit sa akin ng ganito dad. Dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa kanya sa aking harapan, hindi na sya nagpaparamdam sa akin! Ikaw ang nanakit sa akin dad!"
" Kung tunay mang mahal ka nya naipaglaban ka na sana nya. Pero nasaan sya ngayon? Mas inuuna pa nya ang kanyang pride. Mas mahalaga sa kanya ang kanyang pride kaysa sa iyo! Hindi ka nya mahal"
Humagulgol na si Erica. Mga ilang sandali pa'y gumalaw ang kanang kamay ni Lucy. Unti-unti na itong bumabalik ang kanyang ulirat. Dahan-dahang bumubuka ang mga mata nito. Sinusubukan nitong magsalita ngunit halos walang lumalabas sa kanyang bibig.
" Masyado ka pang mahina mahal. Magpahinga ka muna"
Ngunit hindi pa rin tumitigil si Lucy. Sinusubukan pa nyang tumayo. Nakatitig sya sa kanyang anak na umiiyak sa mga panahong iyon.
" Erica, lapitan mo ang iyong ina."
Dahan-dahang pinahid ni Erica ang mga luha at nakayakap sa ina. May kaunting luha na namuo sa mga mata ni Lucy. Tila ba nakikidalamhati sya sa anak.
" Erica, 'wag ka nang umiyak. Nasasaktan din ang iyong ina kapag nakikita kang umiiyak"
Napilitang tumahan si Erica.
" Ma, mahal na mahal ko po si Ryan at ayoko syang mawala sa akin. 'Wag nyo pong papayagang mawala sya sa akin"
Dahan-dahang tumango ang ina. Hinihimas ni Erica ang noo ng ina.
" Magpagaling po kayo kaagad Mom. Namimiss ko na po kayo"
Kakikitaan ng ngiti si Lucy. Niyakap naman sya ng anak.
Nang mga sandaling iyon ay kinakabahan na si Lawrence. Paano kapag nalaman ni Lucy ang totoong pagkatao ni Ryan? Baka ito na ang maging dahilan ng pagkasawi ng asawa at iyon ang iniiwasan nyang mangyari.
Ilang araw ding nasa ospital sina Erica at ilang araw na ding hindi sya pumapasok. Nagaalala man ay hindi magawang dalawin ni Ryan ang kasintahan sa ospital dahil alam nyang maselan pa rin ang kalagayan ng ina nito. Hindi din nya magawang tawagan o itext man lang si Erica dahil hindi pa nya alam kung ano ang sasabihin sa dalaga.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay nakalabas na ng ospital si Lucy. Medyo nanghihina pa ito pero ang sabi ng doktor ay kaya na nya ang kanyang sarili. Bagama't kailangan ng dobleng ingat dahil anumang oras ay maari itong maulit kapag nakadama ito ng sobrang kalungkutan o pagkabigla. Nakapgdesisyon na rin si Ryan na puntahan si Erica sa kanilang bahay. Baka kasi pag lalo pa nyang pinatagal ang hindi nila pagkakausap `y tuluyan na syang makalimutan ng kasintahan.
Sa bahay nina Erica.
" Mom, dahan-dahan ka lang po sa lahat ng gagawin nyo,ha."
" OK lang ako. 'Wag nga kayong mag-alala "
" Paanong hindi kami mag-aalala. Mahina ka pa", ani Lawrence.
" Honey, OK lang ako. 'Wag nyo akong alalahanin. Malakas pa ako sa kalabaw "
" Basta mom, be extra careful. Baka kung ano pang mangyari sa'yo"
Ilang sandali pa'y tumunog ang door bell. Agad naman itong pinuntahan ng katulong. Maya-maya'y pumasok si Ryan sa bahay na ikinabigla ni Lawrence.
" Lawrence ,hijo! Where have you been? Namiss talaga kita. Bakit hindi mo naman ako dinalaw. Magtatampo ako sa'yo nyan" ani Lucy.
" Sorry po tita. I had to think things over"
" What things?" tanong ni Lucy.
" Paupuin nyo muna't bigyan ng makakain. Kamusta ka na nga pala,hijo?" agad na nilihis ni Lawrence and usapan.
" Ok lang po ako tito. I've already decided na po."
Kinabahan si Erica sa mga susunod na salitang lalabas sa bibig ni Ryan. Baka iwan na sya ng binata. Ito ang labis nyang kinatatakutan. Naisip nyang baka dahil sa pagpapahiya ng ama ay nawalan na ng gana ang binata sa kanya.
" Gusto ko po sanang ma-engage kay Erica. I want to marry her next year kapag natapos ko na ang aking pag-aaral"
Nagulat si Lawrence sa narinig. " Baka naman masyado ka lang nagmamadali, hijo. Masyado pa kayong bata at hindi nyo pa masyadong kilala ang isa't-isa", aniya.
" Nakapagdesisyon na po ako tito. Sa simula pa lamang ay alam kong si Erica ang babaeng gugustuhin kong makasama habambuhay. Hindi ko po alintana ang nakaraan. Wala po akong pakialam sa kung sinong gustong humadlang. Mahal ko sya at handa ko syang pakasalan. Pero 'yon ay kung papayag sya."
Napaluha si Erica. Sobrang saya nya sa narinig.
" Of course Ryan. Pakakasalan kita at ipaglalaban kita kahit kanino man" sabay yakap sa nobyo.
Nakangiti lamang si Lucy habang pinagmamasdan ang dalawa. Kung anong tuwa naman ni Lucy sa nakikita ay ganoon din ang pangamba ni Lawrence.
" Kung ganoon ay papuntahin mo dito ang iyong mga magulang upang mapag-usapan na natin ang kasal", ani Lucy.
" Hindi! 'Wag muna. Masyado pang maaga. Ayokong magpakasal ka Erica. Lalo na sa lalaking ito. Hindi ko sya gusto para sa'yo!"
Napatingin si Erica sa ina. Tila ba naghahanap ito ng kakampi.
" Honey, mabuting tao si Ryan. At wala naman akong nakikitang mali kung sila na ang magkakatuluyan".
Nagyakapan lamang ang dalawang nagmamahalan. Alam nila parehong hindi magiging madali ang lahat. Parang langit at lupa ang kanilang pagitan at maging tadhana ay pilit silang pinaghihiwalay.
" Dad, mahal na mahal ko po si Ryan at hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa akin", ani Erica.
" Hindi! Hindi ako makakapayag!"
" Bakit ba tutol na tutol ka sa kanilang dalawa. Buong akala ko'y gusto mo si Ryan", tanong ni Lucy.
Natahimik si Lawrence. Nagtinginan na lamang sina Ryan at Lawrence. Sa isip ni Lucy, masyadong nakapagtataka ang reaksyon ng lahat. Tila ba meron silang sekretong tinatago.
" May dapat ba akong malaman?", tanong ni Lucy.
" Wala. Wala kang dapat malaman."
Umiyak si Lucy. Agad namang lumapit si Lawrence sa kanya.
" Pakiramdam ko ginagawa nyo akong tanga. Alam kong may tinatago kayo sa akin. Bakit hindi nyo pwedeng sabihin? Bakit ayaw mo kay Ryan? Sya ang gusto ng anak natin. Gusto ko rin sya para sa ating anak. Bakit Lawrence? Bakit? Nakikiusap ako sa'yo"
" Tahan na. Baka kung ano pang mangyari sa iyo. Kagagaling mo pa lang".
" Sabihin mo kasi sa akin ang totoo. Pakiusap, 'wag nyo naman akong gawing tanga."
Naaawa si Ryan sa ina ng kasintahan. Tama nga naman kasi. Mahirap sabihin kay Lucy kung ano ang totoo. Pero mahirap din kung patuloy nilang itatago ang katotohanan sa kanya.
" 'Wag na po kayong umiyak Tita. Sasabihin ko po sa inyo", ani Ryan.
" 'Wag kang makialam dito! Wala kang karapatan! Lumayas ka sa pamamahay ko!", galit na sigaw ni Lawrence.
" Please Lawrence. Tama na. Hayaan mo na sila at hayaan mong sabihin sa akin ni Ryan ang lahat".
" Hindi maaari. Pakiusap mahal. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Hindi ko kakayanin".
" Mas pinahihirapan mo ako sa ginagawa mo. Pakiusap"
Nagbuntong hininga na lamang si Lawrence. Mapilit si Lucy at sa tingin nya'y wala na syang magagawa kundi ipagtapat ang lahat. Nakatingin sya kay Ryan. Hudyat na ito na pinahihintulutan nya ang binatang ipagtapat ang lahat.
" Ihanda nyo po ang inyong sarili. At isipin nyo po na kung ano man ang mga nagyari noon ay nakalipas na. At sana napatawad nyo na ang mga taong minsang nanakit sa inyo", paalala ni Ryan.
" Anong ibig mong sabihin?" taka ni Lucy.
Umupo si Ryan sa tabi ni Lucy.
" Naaalala nyo po ba si Mitch Santiago?", tanong ni Ryan.
" Bakit hindi ko maaalala ang babaeng 'yon?", maririnig sa boses ni Lucy ang galit.
Yumuko si Ryan sabay sabing," sya po ang aking ina".

MA'M NASAAN NA YUNG KARUGTONG NITO..GUSTONG GUSTO KO PO ANG STORYA SANA MADUGTUNGAN MO NA
ReplyDeleteGOD BLESS
KARRENB