Posts

Showing posts from February, 2011

Love of my Life 3

Natapos na ang gabi. Ito na ang pinakamahalaga at pinakamasayang bagay na nangyari kay Erica. Sa wakas ay natagpuan nya na ang tunay na pag-ibig. Hanggang sa bahay ay panay ngiti si Erica. Nabago na ang dating supladang dalaga. Parati na lamang nakatutok si Erica sa kanyang cellphone. Naghihintay na naman sya sa tawag ni Ryan. Nangako kasi itong tatawag ulit dahil yayayain ang dalagang kumain sa labas. Ito ang magiging unang date nila. " Ring...ring...ring!!!"   sa wakas ay tumunog na ang cellphone ni Erica. " Hello", agad nya itong sinagot. " Erica, si Ryan 'to" " Ryan. Tuloy ba tayo mamaya?" " Tumawag nga ako para sabihing hindi tayo matutuloy sa ating pupuntahan. May importante kasi akong sasadyain mamaya, eh" Nang marinig ito'y nanlumo si Erica. Malungkot man sya'y kailangan nyang tanggapin. Baka naman kasi ganoon kaimportante ang pupuntahan ni Ryan kaya't hindi na sila matutuloy sa kanilang dinner date. " OK la

Sulat

R odrigo mahal ko, ako ay pakinggan. Ang ating mga pangako, 'wag mong kalilimutan Tayo ay mananatili pa ring nagmamahalan Kahit tayo'y magkalayo, ito pa rin ay aasahan. I rog kong Conchita ako sana'y patawarin Kung aking nasasaktan ang puso mo't damdamin Ika'y minamahal ito lagi'y iisipin. Ang makasama ka ang tangi kong dalangin. C onchita mahal ko pakakatandaan lang Hindi na magmamaliw ang aking pagmamahal Ilang taon man at bagyo ang dumaan Pag-ibig ko'y sa'yo lang wag mong kalilimutan. H irap man ako dito sa ibang bansa Larawan mo lang ang nagbibigay sigla Nais na kitang muli kong makasama Nais kong malaman mong minamahal kita. A yaw ko man ay walang magagawa Kailangang lumayo upang buhayin ka Alam kong nahihirapan ka aking sinta Ngunit sandali na lama't muling magkakasama. R odrigo kong mahal ako'y maghihintay Kahit umabot pa sa kabilang buhay Nais ko ngayon ay mahawakan ang 'yong kamay At makasama ka sa'yon

Love of my Life 2

Papalapit na ang Valentine's ball. Sobrang naeexcite na ang lahat. Kanya kanya nang pili ng makakapareha. Ito ang pinakakaabangan nilang event ng taon. Lahat ng kaibigan ni Erica ay may Kapareha na maliban na lamang sa kanya. Sapagkat wala syang ibang gustong makapareha kundi si Ryan. Dalawang araw na lang mula ngayon ay malalaman na nya ang iniibig ng binata. Sa paaralan. Muling nagkasama ang magkakaibigan. Pinag-uusapan nila ang magiging date nila ngayong Valentine's ball. " Sino bang makakadate mo Ronna?", tanong ni Melanie. " Si Rex. 'Yong medyo pogi din sa 4th year" " Ikaw naman Clarrice?" tanong ulit ng dalaga. " Si Sam ang magiging kadate ko. Gusto ko sana si Ryan kaya lang hindi naman nya ako niyayaya. Baka kasi hindi ako 'yong babaeng iniibig nya. Sabi nya kasi sa amin ang magiging kadate nya ngayong valendtine's ball ay ang babaeng kanyang minamahal". " Ah, ganon ba? Eh, ikaw Erica? May kadate ka na ba? Sino ba

My Songs, My Life 1

" Pakisabi Na Lang " " Narinig mo na ba ang balita?" ito ang pambungad na tanong ni Cristine kay Kris sa pagpasok nila sa skwela. " Ano naman?", si Kris. " May nakatirang gwapong guy kina Mariver. Parati nga kaming nandon para dalawin sya. Matagal tagal na rin sya dyan. Hindi mo ba sya napapansin?" usisa ulit ni Cristine. " Hay, naku! Baka kung ano na namang hitsura ng gwapo nyong yan, ha.", ani Kris. " Itanong mo kay Marjorie. Hindi ba Marjorie gwapo si Philip" " Ah, oo", ani Marjorie. " Ewan ko na lang. Kailangan ko munang makita iyang ipinagmamalaki nyo. Kasi iba ang taste ko sa taste nyo. Baka kung pangit para sa akin yang gwapo nyo." Ito ang pinag-uusapan ng tatlong magkaklase. Usap-usapan na kasi sa kanilang lugar ang pagdating ng isang hearthrob na pinagkakaguluhan sa kalye ng mga dalaga't dalagita. Nasa ikalawang taon pa lamang sa Mataas na Paaralan ng Carmen sina Kris, Cris

Ikalawang Lalaki

Mahal nya ako't mahal ko rin sya Malalim na ang pagsasama naming dalawa Mahirap paghiwalayin kahit ng tadhana Unos sa aming pag-ibig ay balewala. Ngunit nang dumating ang isa pang lalaki Ang aking pag-ibig sa asawa ko'y napawi Mahal ko man sya'y mas matimbang ang isa Matinding pagmamahal ang sa ngayo'y nadarama. Hindi ko alam kung paano sasabihin Itong tinatago kong damdamin Alam kong magdaramdam ang aking asawa Sapagkat ngayo'y may mahal na akong iba. Ngunit hindi ko mapigil ang aking damdamin 'Pag nakikita ko sya at sya'y naglalambing Namimiss ko sya kapag ako'y napalayo 'Pag sya'y nagtatampo, agad ko syang sinusuyo. Pero sa tingin ko dapat malaman ng aking asawa Itong damdamin ko sa isa pa. Hindi naman mali ang mahalin aming anak. Tiyak ko asawa ko ri'y magagalak.

Call Center

Hindi madali ang aking trabaho Araw-araw kausap ko'y mga kano. Paminsan minsan ay di nagkakaintindihan Pa'no kasi, ayaw akong pakinggan. Minsan sinasabi nilang ako'y mali Nais nila tama sila parati. Ayaw nilang sila'y napapahiya. Ang mga kano minsan ay isip bata. Ang ibang tao ay sinasabi. Ang trabaho ko ay madali. May kausap lang sa telepono. At parati lamang nakaupo. Hindi ganoon mga kababayan Minsan kami ri'y nahihirapan. Nireresolba ang problema ng kano At ang wikang Ingles, aba'y di biro. Akala ng iba'y malaki ang aming sahod Ito'y dahil kami ay labis na kumakayod Bagama't nakaupo, utak nami'y tumatakbo Kaya hindi madali itong aming trabaho. Sa Call Center, iba-iba ang uri ng tao Mayama't mahirap, lahat magkasundo Dito ka makakahanap ng maraming kaibigan Na hindi alintana kung ano ang 'yong pinagmulan. Masarap at mahirap ang buhay sa Call Center Araw-araw ang kaharap mo'y computer. Ang kausap sa t

Araw ng mga Puso

Araw na naman ng mga puso May naaalala na naman Ang dating pag-ibig kong Hindi ko makalimutan. Araw na naman ng mga puso't Ikaw ang laging nasa isip Akin ngayong napagtanto Ano kaya kung ikaw ang pinili? Araw na naman ng mga puso Ikaw uli'y nagparamdam Akala ko, ako'y nilimot mo Ngunit ako pa rin pala'y mahal. Ngunit ang lahat ay tapos na May kapiling na akong iba Hiling ko na lang ay ligaya Para sa ating dalawa.

Kung Kailang Wala Ka Na

Kung kailang wala kana Saka hinahanap kita Nakaraa'y aking naaalala Talagang mahal pala kita. Binalak ko na magbalik At suyuin kitang muli Ngunit ako na pala'y huli Mahal mo na'y ibang babae. Tinangka kong lapitan ka At sabihing mahal kita Pero nakita kong masaya ka na Ngayong kapiling mo'y iba. Bagama't ako'y nasasaktan Ika'y aking kakalimutan Ang ating mga nakaraan Ay magiging alaala na lang.

Kalungkutan

Madilim, Maitim na ulap sa kalangitan, Naglalarawan ng labis kong kalungkutan Habang naglalakad sa malakas na buhos ng ulan, Nadarama ko ang lamig sa buong katawan. Mabango't magandang rosas sa hardin, Binalot mo ng tinik ang aking damdamin Sinaksak mo ng punyal ang aking puso, Dahil dito puso ko'y labis na nagdurugo. Mabangis na tagistis ng tubig sa ilog, Pinaglalayo mo kami ng aking irog, Dahil dito ang puso ko'y nalulunod, Sa lakas ng agos, damdamin ko'y naaanod. Malakas, malupit na ihip ng hangin, Iyong nilipad ang aking damdamin, Dahil dito ang puso ko'y naglalakbay, Sinong kukuha na may butihing kamay?

Love of my Life

INTRODUCTION Hindi inaasahan ni Ryan na mababago nya ang paniniwala ng isang spoiled brat. Ang dating walang pakialam sa iba, naging sensitibo at malalahanin. Tunay nga namang mahal nila ang isa't isa. Pero talagang pinaglalayo lang sila ng tadhana. Ano kaya ang mananaig? Ang pusong labis na nagmamahal?  o ang madilim na kahapon na pilit nang kinakalimutan? ---------------------- o0O0o --------------------- Mag fiFebruary 14, syempre pa "Araw na naman ng mga Puso". Malapit na rin ang kanilang Valentine's ball. Ngunit wala pa ring ka date itong si Erica. Dahil hindi pa nya sinasagot ang kahit isa sa mga masusugid nyang manliligaw. Mga anak mayaman at mga gwapo naman yong mga nanliligaw sa kanya, pero kahit anong gawin nya ay hindi nya magawang magustuhan ang kahit sino sa mga ito. Isang araw, may isang bagong salta sa school nila. Naintriga sya ng husto dahil pinag uusapan at pinagkakaguluhan ito ng mga babae sa kanilang klase. " Girls, narinig nyo na ba ang tung