My Songs, My Life 1
" Pakisabi Na Lang "
" Narinig mo na ba ang balita?" ito ang pambungad na tanong ni Cristine kay Kris sa pagpasok nila sa skwela.
" Ano naman?", si Kris.
" May nakatirang gwapong guy kina Mariver. Parati nga kaming nandon para dalawin sya. Matagal tagal na rin sya dyan. Hindi mo ba sya napapansin?" usisa ulit ni Cristine.
" Hay, naku! Baka kung ano na namang hitsura ng gwapo nyong yan, ha.", ani Kris.
" Itanong mo kay Marjorie. Hindi ba Marjorie gwapo si Philip"
" Ah, oo", ani Marjorie.
" Ewan ko na lang. Kailangan ko munang makita iyang ipinagmamalaki nyo. Kasi iba ang taste ko sa taste nyo. Baka kung pangit para sa akin yang gwapo nyo."
Ito ang pinag-uusapan ng tatlong magkaklase. Usap-usapan na kasi sa kanilang lugar ang pagdating ng isang hearthrob na pinagkakaguluhan sa kalye ng mga dalaga't dalagita. Nasa ikalawang taon pa lamang sa Mataas na Paaralan ng Carmen sina Kris, Cristine at Marjorie. Hindi sila ganoon ka close pero magkakapitbahay at magkaklase sila.
" Abangan mo mamayang hapon. Dumadaan kasi sya pagka alas tres na ng hapon." ani Cristine.
" Ok, baka madisappoint lang ako,ha", ani Kris.
" I'm sure magugustuhan mo rin sya. Promise!" si Cristine.
Kinahapunan, pagkauwi ni Kris sa bahay. Ginawa nya ang mga usual na nyang ginagawa. Naghugas ng plato pagkatapos ay binuksan ang TV para panoorin na naman ang paborito nyang palabas sa hapon. Bigla nyang naalala ang sinabi ng kaklase. Ilang sandali pa'y lumabas sya ng bahay para abangan ang sinasabi nilang "hearthrob". Sa isip ni Kris, malamang ito 'yong lalaking crush ni May Flor na nakatira din kina Mariver na hindi naman nya type. Medyo nagtagal na si Kris sa labas at wala pa syang nakitang gwapong lalaki na dumadaan sa kanila kaya pumasok na lamang sya.
Sa paaralan.
" Akala ko ba dadaan 'yong ipinagmamalaki nyong gwapo. maghapon na yata akong nakaabang sa labas kahapon pero wala naman akong nakita", ani Kris.
" Hindi ko nga rin sya napansing lumabas kahapon,eh", si Cristine.
" Pansinin mo, parati syang nakabike. Red ang kulay ng bike nya. One length ang buhok. Kutis porselana. Flawless ang mukha", paglalarawan ni Cristine.
" Hindi naman kaya bakla 'yan? Mas maganda pa yata sa akin 'yan,eh"
" Tange! Lalaking lalaki ito ano. Basta ganoon lang talaga sya kagwapo. Abangan mo ulit mamayang hapon."
Muli ay nag abang si Kris kay Philip kinahapunan. Makaraan ang ilang sandali ay may dumaan kina Kris na binatang naka bisikleta. Tulad nga ng paglalarawan ni Cristine, pula ang kulay ng bisikleta, one length ang buhok at maputi. At tunay ngang may angking kagwapuhan ang lalaki. Kinilig si Kris sa kanyang nakita.
Sa school. Agad ibinalita ni Kris sa kanyang mga kaklase na nakita na nya ang sinasabi nilang lalaking nakatira kina Mariver.
" Gwapo pala talaga sya ano?", ani Kris.
" Sabi ko sa'yo, eh. Gwapo talaga sya", ani Cristine.
" Kelan pa sya dyan?", tanong ni Kris.
" Pitong buwan na kaya sya dyan.", ani Marjorie.
" Talaga? Bakit hindi ko man lang sya nakita?", si Kris.
" Puro ka lang kasi TV,eh. Hindi ka lumalabas ng bahay. Wala kang social life", ani Marjorie.
" Kung gusto mo, sumama ka sa amin. Every afternoon kasi pumupunta kami sa bahay nina Mariver. Kami nina Jessa, Marjorie, Felly.", ani Cristine.
" Ano namang ginagawa nyo sa kanila?"
" "Dumadalaw lang."
" Ayoko. Nakakahiya naman kung ako pa dumalaw sa kanya. Gusto ko, sya ang dumalaw sa akin""
" At feeling mo naman maganda ka para dalawin nya?"
" Hindi nga ako ganoon kaganda pero di hamak naman na mas maganda ako sa'yo, noh! "
Ilang araw din ang lumipas ay medyo naging mailap na si Kris kay Cristine. Dahil sa sinabi nito sa kanya ay tila ba nawalan sya ng kompyansa sa kanyang sarili. Ngunit kahit ganoon na lang ang pagkutya ng ibang tao sa kanya ay hindi sya nawalan ng pag-asang mapapansin din sya ng hinahangaan.
Isang araw, nagkita sila ng kaibigan nyang si Jennifer nang papauwi na sya sa kanila. Si Jennifer ay nagkaton namang nakatira rin sa bahay na tinutuluyan ni Philip.
" Kamusta ka na Kris? ", bati ni Jennifer.
" Ok lang naman ako. Ikaw?"
" May assignment kami sa Science. May Periodic table of Elements ka ba? "
" Ah, meron. Nasa bahay. Kunin mo na lang mamaya."
Bigla na lamang nyang naisip si Philip.
" Kilala mo si Philip?" tanong ni Kris.
" Oo naman. Magkasama kami sa bahay,eh. Bakit? Isa ka ba sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya?"
" Medyo. Mabait ba sya?"
" Sobra! Sobrang bait ng taong iyon. Masarap nga syang kasama,eh"

Comments
Post a Comment