Love of my Life 3

Natapos na ang gabi. Ito na ang pinakamahalaga at pinakamasayang bagay na nangyari kay Erica. Sa wakas ay natagpuan nya na ang tunay na pag-ibig. Hanggang sa bahay ay panay ngiti si Erica. Nabago na ang dating supladang dalaga.
Parati na lamang nakatutok si Erica sa kanyang cellphone. Naghihintay na naman sya sa tawag ni Ryan. Nangako kasi itong tatawag ulit dahil yayayain ang dalagang kumain sa labas. Ito ang magiging unang date nila.
"Ring...ring...ring!!!"  sa wakas ay tumunog na ang cellphone ni Erica.
" Hello", agad nya itong sinagot.
" Erica, si Ryan 'to"
" Ryan. Tuloy ba tayo mamaya?"
" Tumawag nga ako para sabihing hindi tayo matutuloy sa ating pupuntahan. May importante kasi akong sasadyain mamaya, eh"
Nang marinig ito'y nanlumo si Erica. Malungkot man sya'y kailangan nyang tanggapin. Baka naman kasi ganoon kaimportante ang pupuntahan ni Ryan kaya't hindi na sila matutuloy sa kanilang dinner date.
" OK lang. Naiintindihan kita"
" O sige. See you when I see you! Bye! "
" Bye!"














Hindi man lang narinig ni Erica ang I love you. Ito sana ang gusto nyang marinig mula sa bago nyang nobyo. Hindi nya masyadong naramdaman na may nobyo na sya ngayon. Parang "wala lang". Naging sila nga pero parang wala hindi naman. Naguguluhan si Erica. Akala nya'y magiging masaya sya. Pero lahat naman ay may tamang panahon. Baka hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Hapunan na. Bumaba na si Erica mula sa kanyang kwarto. Nagdinner sya kasama ang kanyang mga magulang.
" Is there something wrong dear?", tanong ng kanyang ina.
Pansin ng mga magulang ni Erica ang pananamlay nya.
" Wala naman po"
" Ah..kaya ka pala matamlay"
Tumahimik na lamang si Erica. Ilang sandali pa'y tumunog ang doorbell na agad namang nilapitan ng katulong. Pumasok ang katulong upang itanong sa mga amo kung kilala ba ang bisita.
" Ma'am may Ryan Santiago po sa labas. Hinahanap po so ma'am Erica"
Nabigla si Erica. " Papasukin mo", ani Erica
 Agad nyang inayos ang pagkakaupo. Halatang di mapakali ang dalaga.
" Are you OK?" tanong ng kanyang ama.
" Yeah. I'm fine" batid ng mga magulang na nagiba ang aura ni Erica.
" Ma'am, Sir heto na po sya" pagkatapos ay umalis na ang katulong.
May dalang bouquet si Ryan.
" Magandang gabi po Mr. and Mrs. Augusto. Narito po ako para kay Erica" bati nya sa mga magulang ng dalaga.
" Umupo ka hijo", anang ama ng dalaga.
" Salamat po"
" Kumain ka muna. Sabayan mo muna kami" anyaya ng ina. As a sign of respect sa mga magulang ng dalaga ay kumain ng kaunti si Ryan. Pagkatapos ng hapunan, nagtungo ang apat sa living room para mag-usap.
" Ano ang pinagparito mo hijo?" tanong ng ama.
" Andito po sana ako para pormal na ipagpaalam sa inyo ang inyong anak. Mangyari po kasi'y naging magnobyo na kami kagabi pero hindi ko man lang kayo natanong kung papayag ba kayo", diretsahang sagot ng binata. Naimpress ang ina ni Erica. Nagkatinginan sina Ryan at Erica ng sandali.
" Sinagot ka na naman ng anak ko, di ba? Eh, ano pang magagawa ko?" Napangiti si Ryan.
" Natutuwa ako sa'yo hijo. Ano ang totoo mong pangalan?" tanong ng ina ni Erica.
" Ryan po. Ryan Santiago"
Biglang kinabahan si Ginoong Augusto. Pamilyar ang apelyido ng binata.
" Nagagalak akong makilala ka Ryan. Ako si Mrs. Lucy Augusto. Ito naman ang asawa kong si Lawrence Augusto" nakipagkamay si Ryan sa ama ng dalaga.


Unti-unti nang bumalik sa ala-ala ni Lawrence kung bakit pamilyar sa kanya ang apelyido ni Ryan. Kinakabahan sya at kitang-kita ito sa kanyang mukha.
" OK ka lang dad?" tanong ni Erica.
" Ah, wala. Kinakabahan lang kasi ako baka isa sa mga araw na ito iba ang ipapaalam mo" nagtawanan ang lahat.
Nagkaroon ng pagkakataon na sina Erica at Ryan ay magkasarilinan. Doon ay masinsin ang kanilang pag-uusap.
" Masaya ka ba?" tanong ng binata.
" Oo naman (natahimik bigla ang dalawa) Akala ko hindi tayo matutuloy"
" Ayoko kasing lumabas tayo na hindi pa alam ng mga magulang mo ang tungkol sa atin. At gusto ko rin kasi maakyat din kita ng dalaw dito sa inyo. Para maging pormal ang lahat. Baka kung ano pa kasing sabihin ng mga magulang mo tungkol sa bago mong nobyo"
Niyakap ni Erica ang nobyo.
" Salamat, ha", ani Erica
" Para saan?"
" Dahil pinasaya mo ako"
Nakita ni Lawrence ang mga pangyayari na noo'y nakadungaw lamang sa kanila. Naglalaro pa rin sa kanyang isipan kung ano ang koneksyon ng binata sa Santiagong kilala nya.
" Honey, hayaan mo na muna sila. Nakita mo naman kung gaano kagalang ng lalaki, di ba?" ani Lucy.
" Nag-aalala lang kasi ako. Mga bata pa sila. Baka maisipan agad ni Erica na mag-asawa. Nakita mo naman ang kanyang reaksyon sa lalaking ito. She was never like this before."
" Baby masyado ka lang over protective kay Erica. Don't worry. She's smart and I know that she can handle herself well. Alam nya kung hanggang saan ang kanilang hangganan. And don't worry, may tiwala ako sa kanyang nobyo. Matutuwa pa nga ako kung sya nga ang magiging asawa ng ating anak. And mind you, hindi na po sila mga bata. C'mon matulog na tayo."
Pinatay na nila ang ilaw ng kwarto.
" Mauna na ako Erica. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. Hindi nga pala kita masusundo kasi wala akong sasakyan" ani Ryan. Natawa si Erica.
" Ano ka ba? Kung gusto mo, ako na lang ang susundo sa'yo"
" 'Wag na. Ang pangit naman kung babae pa ang susundo sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko,eh."
" Teka nga pala, paano mong nakuha ang number ko at nalaman ang bahay namin?"
" Tinanong ko 'yong ex mo. Si John. Magkaibigan kasi kami."
" Hahahaha! Talaga? Ang mokong na 'yon. Kamusta na nga pala sya?"
" May asawa't anak na sya. Nasa America na sila ngayon."
" Paano mo naman sya nakilala? At bakit nya alam na magkakilala tayo?"
" O, isa-isa lang muna. Mahina ang kalaban. Sa Star Bucks. Ako kasi ang waiter nila noong kumain sila doon. Tapos naiwan ang kanyang wallet na may lamang pera at mahahalagang IDs. Isinauli ko sa kanilang bahay. Tinanong nya ako kung nag-aaral pa ba ako at saan. Sinabi ko nga na sa La Salle. Tinanong nya kung kilala kita. Umuo naman ako. Doon nya nabanggit na naging magkasintahan kayo. Sinabi ko rin sa kanya na gusto kita. Tinanong ko kung may contact number pa ba sya or address kung saan ka nakatira. Binigay naman nya"
" Talaga? I didn't know that he still has my contact information. We broke up a year ago kasi. Noong nalaman kong he's engaged. Ikinasal pala talaga sila."
" Mahal mo pa?"
" Heto naman. Seloso ka rin pala? Hahahaha!"
" Feeling mo lang 'yon. O sya sige na. Uuwi na ako. Bye!" sabay halik sa pisngi ng kasintahan.
" Bye! Ingat ka ha!"
Kinaumagahan. Papasok na sana sa school si Erica. Naihanda na lahat. Pati ang kotse ay nakaparada na sa labas. Pero naalala ni Erica na ngayon ang araw ng hearing nila ni Ginang Dela Cruz.

Bumalik muna sya sa loob ng bahay para tawagin ang kanyang ina. Alam nyang ipagtatanggol sya nito kaya isasama nya ang kanyang ina.

" Mom, naalala nyo po ba yung sinabi kong teacher na nagpahiya sa akin sa klase?"

" Oo, bakit?"

" Ngayon kasi yung hearing namin. Samahan nyo naman ako."

Pumayag naman si Lucy. Agad silang nagtungo sa paaralan at dumiretso sa opisina ng Prefect of Discipline.

Samantala. Nagtataka si Ryan kung bakit hindi pa pumapasok si Erica. Naghanda sya ng bulaklak para sa dalaga. Inaabangan nya ito sa room nila. Pero nang ilang sandali pa'y hindi pa rin mahagilap ang kasintahan kaya nagtanong na sya sa mga kaklase nito.

" Si Erica?"

" Nasa opisina siguro ng Prefect of Discipline. Ngayon kasi yata yung hearing nila." sabi ng kaklase ni Erica.

Maya-maya pa'y papalabas na si Clarrice.

" Clarrice, alam mo ba kung nasaan si Erica.?"

" Nasa opisina ni Ginoong Miranda. Pupuntahan ko nga,eh. Gusto mong sumama?" si Clarrice.

" Sige."

Habang naglalakad sila.

" Ano namang drama yan?" tinutukoy ni Clarrice ang bulaklak na hawak ng binata.

" Ah, ito ba? hehehe... Ibibigay ko sana kay Erica. "

" Ang sweet mo naman. Kung bakit kasi si Erica pa ang nagustuhan mo. Ako na lang sana." bulong ni Clarrice.

" May sinasabi ka ba?"

" Wala".

Papalapit na sila sa opisina. Naririnig na nila ang malakas na boses ni Ginang Dela Cruz na galit na galit.

" Ang batang ito ay parati na lamang nagbibigay ng sakit sa ulo sa mga guro sa paaralang ito. Ilan na ba kaming guro na kanyang naperwisyo?" pahayag ni Ginang Dela Cruz.

" Mawalang galang na po Ginang Dela Cruz pero sa pagkakaalam ko ay walang katuturan ang mga reklamo nila sa aking anak. Ang mga gurong iyon ay mga magulang ng mga babaeng iniwan ng kasintahan nila nang dahil sa aking anak. At sa pagkakaalam ko ang anak mo ay si Rebecca hindi po ba? Kilala ko si Rebecca. Minsan na syang naipakilala sa akin ni Erica. Sya ang estudyanteng dito nagaaral dati ngunit huminto dahil hiniwalayan ni Marc na dati'iy nanliligaw sa aking anak. Sa pagkakaalam ko, hiniwalayan sya ni Marc dahil gusto nyang ligawan si Erica, hindi po ba? Kamusta na nga pala si Rebecca madam?"

Hindi nakasagot si Ginang Dela Cruz. Totoo namang ito ang dahilan kung bakit may hinagpis sya kay Erica. Mahal na mahal kasi nito ang kanyang kaisa-isang anak sa na si Rebecca. Ang kanyang anak sa dati nitong kasintahan na hiniwalayan din sya pagkalamang buntis ito.

Ilang sandali pa'y pumasok na sina Clarrice at Ryan sa opisina.

" Wala kang pakialam sa anak ko. Problemahin mo ang anak mong malandi!"

Hindi matanggap ni Ryan ang narinig mula sa ginang. Bagaman ngayon lang sila nagkakilala ay alam nyang hindi ito ang klase ng babaeng tinutukoy ni Ginang Dela Cruz.

" Ipagpaumanhin nyo pero hindi po tama ang sinabi ninyo." ani Ryan

" At sino ka naman hijo?" tanong ni Ginoong Miranda.

" Ako po si Ryan. Kasintahan ni Erica"

" Nakita nyo na? May kasintahan na naman ang maldita." ani Ginang Dela Cruz

" Eh, ano ngayon sa'yo? Naiinggit ka?" si Erica

" Mga wala talaga kayong galang!" sigaw ni Ginang Dela Cruz na ng mga panahong iyon ay umiiyak na.

" Dapat po ba kayong igalang sa inaasta nyong iyan?" si Lucy.

Humagulgol si Ginang Dela Cruz.

" Muntikan nang magpakamatay ang anak ko. muntik na syang nawala sa akin. At yan ay dahil sa'yo Erica! Sana nalaman mo kung gaano nya kamahal si Marc. Naging magkaibigan kayo. Pero inagaw mo sa kanya ang lalaking mahal nya", ani Ginang Dela Cruz.

" Kaya po ba ganoon na lang ang galit nyo sa akin? Kahit po gustong gusto kong sagutin si Marc noon ay hindi ko sya sinagot dahil sa pagkakaibigan namin ni Rebecca. Alam ko rin kung gaano nya kamahal si Marc kaya kahit anong suyo ni Marc sa akin ay hindi ko talaga siya sinagot. Iginalang ko si Rebecca. Pero kayo po, kayo po ang walang galang."

Humagulgol na naman si Ginang Dela Cruz.

" Ito lang ba ay dahil dyan? Hindi ako makapaniwalang ganyan lang pala kababaw ang pinagmulan ng alitang ito. Ginang Dela Cruz, aasahan ko na ang resignation paper mo bukas. This hearing is over" pahayag ni Ginoong Miranda.

Umiiyak pa si Ginang Dela Cruz. Ngayon kasi'y mawawalan na sya ng trabaho at maaring hindi na makapagtrabaho ulit.

" Ginoong Miranda!" si Erica.

" Kung maari po sana'y 'wag nyo na lang pong patalsikin si Ginang Dela Cruz. OK na naman po sa akin na sa klase na lang nina Clarrice ako pumasok,eh."

Nabigla ang lahat lalo na sina Lucy at Clarrice. Alam nya kasing hindi ito karaniwang ginagawa ni Erica. Kahit kailan ay hindi pa sya nagpatawad. Nagkatinginan sila.

" Sigurado ka ba Erica?" tanong ni Ginoong Dela Cruz.

" Papayagan mong magpatuloy si Ginang Dela Cruz kahit naipahiya ka nya sa inyong klase? Sigurado ka ba anak?" ani Lucy

" Opo. Alam kong nagawa lang ni Ginang Dela Cruz iyon dahil sa pagmamahal nya sa kanyang anak. Kung maaalis sya dito, baka wala nang tumanggap sa kanya. Paano pa sila mabubuhay?"

" Salamat Erica. At sana tanggapin mo ang paumanhin ko." ani Ginang Dela Cruz.

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Salamat!

Love of my Life 10