Araw ng mga Puso


Araw na naman ng mga puso
May naaalala na naman
Ang dating pag-ibig kong
Hindi ko makalimutan.

Araw na naman ng mga puso't
Ikaw ang laging nasa isip
Akin ngayong napagtanto
Ano kaya kung ikaw ang pinili?

Araw na naman ng mga puso
Ikaw uli'y nagparamdam
Akala ko, ako'y nilimot mo
Ngunit ako pa rin pala'y mahal.

Ngunit ang lahat ay tapos na
May kapiling na akong iba
Hiling ko na lang ay ligaya
Para sa ating dalawa.

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise