Kung Kailang Wala Ka Na


Kung kailang wala kana
Saka hinahanap kita
Nakaraa'y aking naaalala
Talagang mahal pala kita.

Binalak ko na magbalik
At suyuin kitang muli
Ngunit ako na pala'y huli
Mahal mo na'y ibang babae.

Tinangka kong lapitan ka
At sabihing mahal kita
Pero nakita kong masaya ka na
Ngayong kapiling mo'y iba.

Bagama't ako'y nasasaktan
Ika'y aking kakalimutan
Ang ating mga nakaraan
Ay magiging alaala na lang.

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise