Ikalawang Lalaki


Mahal nya ako't mahal ko rin sya
Malalim na ang pagsasama naming dalawa
Mahirap paghiwalayin kahit ng tadhana
Unos sa aming pag-ibig ay balewala.

Ngunit nang dumating ang isa pang lalaki
Ang aking pag-ibig sa asawa ko'y napawi
Mahal ko man sya'y mas matimbang ang isa
Matinding pagmamahal ang sa ngayo'y nadarama.

Hindi ko alam kung paano sasabihin
Itong tinatago kong damdamin
Alam kong magdaramdam ang aking asawa
Sapagkat ngayo'y may mahal na akong iba.

Ngunit hindi ko mapigil ang aking damdamin
'Pag nakikita ko sya at sya'y naglalambing
Namimiss ko sya kapag ako'y napalayo
'Pag sya'y nagtatampo, agad ko syang sinusuyo.

Pero sa tingin ko dapat malaman ng aking asawa
Itong damdamin ko sa isa pa.
Hindi naman mali ang mahalin aming anak.
Tiyak ko asawa ko ri'y magagalak.

Comments

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise