Love of my Life 2
Papalapit na ang Valentine's ball. Sobrang naeexcite na ang lahat. Kanya kanya nang pili ng makakapareha. Ito ang pinakakaabangan nilang event ng taon. Lahat ng kaibigan ni Erica ay may Kapareha na maliban na lamang sa kanya. Sapagkat wala syang ibang gustong makapareha kundi si Ryan. Dalawang araw na lang mula ngayon ay malalaman na nya ang iniibig ng binata.
Sa paaralan. Muling nagkasama ang magkakaibigan. Pinag-uusapan nila ang magiging date nila ngayong Valentine's ball.
" Sino bang makakadate mo Ronna?", tanong ni Melanie.
" Si Rex. 'Yong medyo pogi din sa 4th year"
" Ikaw naman Clarrice?" tanong ulit ng dalaga.
" Si Sam ang magiging kadate ko. Gusto ko sana si Ryan kaya lang hindi naman nya ako niyayaya. Baka kasi hindi ako 'yong babaeng iniibig nya. Sabi nya kasi sa amin ang magiging kadate nya ngayong valendtine's ball ay ang babaeng kanyang minamahal".
" Ah, ganon ba? Eh, ikaw Erica? May kadate ka na ba? Sino ba ang sinagot mo?" si Melanie.
" Wala. Ayoko kasing may magkasamaan pa ng loob kaya wala akong sinagot. Wala akong magiging kadate sa ball".
" Malungkot ka yata, girl", taka ni Clarrice.
" Masama lang kasi ang pakiramdam ko. Next week na kasi 'yong magiging hatol sa amin ni Ginang Dela Cruz"
" 'Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang nasa tama,eh. Kapag nagimbestiga sila, tutulungan ka naman namin,eh", ani Ronna.
" Salamat girls"
Pero ang totoo, hindi iyon ang ikinababahala ni Erica. Nababahala sya sa kung sino ang babaeng minamahal ng lalaking napupusuan.
Papunta na sina Clarrice at Erica sa silid aralan. Nakita nila sina Nadine at Ryan na magkasama sa lobby. Ngumingiti si Ryan. Masayang masaya si Nadine. " Baka sya ang mahal ni Ryan. Baka sya ang yayayain nya sa ball" ito ang mga naglalaro sa utak ni Erica. Nanghihina sya kapag naiisip nyang may mahal nang iba si Ryan. Hindi naman sya dating ganito. Isa syang taong matibay ang loob. Walang pakialam sa loob ng iba. Walang nais gawin kundi makuha lahat ng gusto. Pero kay Ryan iba sya. Nanghihina sya sa binata.
" Erica!" ani Clarrice na napapansin nang tulala ang kaibigan.
" Ha? bakit?"
" Anong bakit? Bakit ka ba tulala? Hindi ka naman dating ganyan, ah. Kung dahil yan sa problema mo kay Ginang Dela Cruz, wag ka na kasing mag-alala. At saka alam mo naman na ikaw talaga ang parating kinakampihan ng mga staff at namamahala dito, di ba?"
" Ah, oo. Bilis na. Pumasok na tayo"
Nag iba na talaga ang kilos ni Erica. Masyado na syang sensitibo sa mga bagay.
Pagkatapos ng kanilang klase ay dali dali nang umuwi si Erica. Ni hindi na nagpaalam sa mga kaibigan. At isang araw bago ang Valentine's ball, hindi pumasok ang dalaga na pinagtakhan ng kanyang mga kaibigan at ng mga taong nakakakilala sa kanya. Ang mga kaibigan nya ay tumatawag sa kanila ngunit hindi naman ito sumasagot. Wala naman syang kinukontak na kahit na sino. Nag alala na ang lahat. Pero nang araw na iyon ay nasa bahay lamang si Erica. Nag-iisip. Nagmumuni-muni. She can't believe that this is actually happening to her.
" Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. I can't imagine na ang katulad lang nya ang magpapagulo sa isip ko. Aghhhhh...Nakakainis!"
"Ring...ring...ring!!!" tumutunog na naman ang cellphone ni Erica. Nang tingnan nya, si Clarrice na naman. Pang ilang tawag na ito ni Clarrice ngunit ayaw pa rin nyang sagutin.
" Ayokong tanungin nila ako kung bakit hindi ako pumasok. Mahirap magpaliwanag. Hindi ko alam kung ano ang magiging palusot ko. mas mabuti na ang ganito. Hindi na lang siguro ako dadalo sa ball. Wala naman akong makakadate. At maiinggit lang ako. Maiinis lang sa date ni Ryan. Hay" sabi ni Erica sa sarili.
Maghapon ngang nagkulong si Erica sa kwarto. Ang palusot nya sa kanyang yaya ay masama ang kanyang pakiramdam at nais nyang magpahinga. Nang tanungin naman sya kung gusto nyang ipatawag ang doctor, ayaw naman nya. Natutulog na noon si Erica nang biglang...
"Ring...ring...ring!!" tumutunog na naman ang kanyang cellphone.
" Gabing-gabi na. Sino na naman kaya ito"
Nang tingnan ni Erica ang screen, hindi nakaphonebook ang number. Takang-taka talaga sya kung sino kaya ang tumatawag sa kanya sa dis oras na ng gabi. Hindi nya sinagot. Ngunit ilang sandali pa'y tumunog na naman ang cellphone ni Erica. Sa isip nya ay hindi sya titigilan nito hangga't hindi nya sinasagot kaya sinagot na lamang nya ang tawag.
" Hello, sino 'to?"
" Hi, Erica. Kamusta ka na? Hindi ka kasi pumasok kanina. Hindi mo rin sinasagot ang tawag nina Clarrice kaya nag aalala ako sa'yo"
" OK lang ako. Sino nga 'to?" medyo naiinis na si Erica.
" Ah, sorry. Si Ryan 'to" pagkarinig ni Erica'y parang lumulutang sya sa hangin. Kausap nya ngayon sa telepono ang lalaking mahal nya. Ang lalaking naging dahilan ng pagliban nya sa klase. Tulala pa si Erica. Hindi pa sya makapaniwala.
" Hello? Erica, andyan ka pa ba?"
" Ahmm, oo. Bakit ka nga pala napatawag?"
" Para mangamusta" medyo nadisappoint si Erica sa naging sagot. She was hoping for something more.
" At gusto kasi sana kitang yayain sa ball. Yan ay kung wala ka pang date"
Hindi agad nakapagsalita si Erica. Tila ba may naririnig syang bells. Ang gaan ng kanyang pakiramdam.
" Ayaw mo ba?"
" Gusto! " excited na sagot ng dalaga.
" I mean, oo pwde mo akong magiging date bukas" medyo nahihiya pa si Erica. Naipakita nya yatang excited sya. Puno talaga ng saya ang dalaga. tila ba may naririnig syang love song.
" Nice. Salamat, ha. Wag ka sanang mahuhuli bukas"
" Maaasahan mo yan"
" OK bye. Goodnight!"
" Bye, sweet dreams!" pagkababa ng telepono ay nagtatatalon sa tuwa si Erica.
"Wahahaha!! Ako ang mahal nya! Ako ang mahal nya! Oh my God! Ano kaya ang magandang susuotin sa ball? Dapat maaga akong magising tomorrow. Dapat maganda ako. Ito na talaga ang pinakamasayang araw ko sa mundo! Wohoo!". Dahil sa lakas ng hiyaw ni Erica ay nagising ang kanyang Mommy.
" Erica, are you OK there?" tanong ng ina.
" OK na OK po ako Mommy. Goodnight po! Sige na Mom, maaga pa tayong gigising tomorrow!" Nagtaka si Ginang Augusto sa kinikilos ng anak. Kani kanina lamang ay matamlay ito. Pero ngayon ay sobrang sigla.
Kinaumagahan. Maagang gumising si Erica. Naligo ng maaga. Sumabay pa sya sa kanyang mga magulang mag agahan.
" Maganda yata ang gising mo ngayon anak", puna ng ama.
" Opo. Kasi po Valentine's ball na po ngayon. Magsa shopping po ako."
" Would you like me to go with you anak? Wala naman akong gagawin ngayon,eh " tanong ng ina.
" Oh that would be great! Sige Mommy. Pumunta tayo sa Greenbelt. Bibili ako ng bagong gown"
" OK"
Sa mall. Tuwang tuwa ang mag-ina sa pamimili ng mga gowns.
" Gusto ko yong elegante ako. I should stand out this evening. Kasi ito ang pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko." sabi ni Erica sa sales agent
" Oh, mukha yatang espesyal ang gabing ito. Ngayon lang kita nakitang ganyan kaexcited. Ang mga nakaraang ball ay paranag pangkaraniwang araw lamang para sa'yo. Ano bang espesyal sa ball na ito?"
" Hindi ano Mom. Sino"
" Ah, ok. So who's the lucky guy?"
" Hindi nyo pa po siya kilala Mom. But one of these days, ipapakilala ko po sya sa inyo"
" Bagong boyfriend?"
" Nope. Not yet" Napangiti si Erica.
Pagkatapos mamili ay nagtungo sila sa parlor. Nagpaayos pa si Erica. Nakauwi sila nang bandang alas sais na ng gabi.
Sa bahay. Naghahanda na si Erica para sa ball. Ilang sandali lamang ay kumakatok ang kanyang yaya sa labas ng kwarto.
" Andyan na yaya. Papalabas na po ako"
" Bilisan mo dyan kasi may naghihintay sa'yo sa baba"
Napaisip si Erica kung sino kaya ang naghihintay sa kanya. Hindi naman posibleng ang kanyang mga kaibigan dahil alam nyang didiretso na ang mga iyon sa hotel na pagdarausan ng kanilang ball. Ilang sandali pa'y bumaba na si Erica. At laking gulat na lamang nya na malaman kung sino ang naghihintay sa kanya.
" Ang ganda mo, Erica" bati ni Ryan.
" Salamat."
Papalabas na ng bahay sina Ryan at Erica nang dumating ang Daddy ng dalaga kaya't hindi na sila nabigyan ng pagkakataong magkakilala pa.
Pagkadating nila sa hotel. Nagmukhang prinsipe at prinsesa sina Ryan at Erica nang dumating. Gulat na gulat ang lahat lalo na ang mga kaibigan ni Erica.
" Oh, my God! Girl, ang ganda mo!" bati ni Clarrice.
" Salamat", tugon ni Erica.
" You mean, sya ang babaeng mahal mo Ryan? I was expecting you'd like someone like me. Hindi ko alam na mababaw lang pala ang taste mo", asar ni Nadine.
" Nadine. Give us a break. It's none of your business kung may magustuhan man akong iba. Hindi ko gusto ang mga kagaya mo".
Sa inis ni Nadine ay lumipat sya ng upuan.
" So, sya ba ang gusto mong babae Ryan?" tanong ni Melanie.
Ngiti lamang ang tanging naisagot ng binata.
" Hindi ako makapaniwala. Alam mo bang..." pinatid ni Erica si Ronna. "Aray!"
" Ano naman ang naging drama mo Erica at bakit ka naman lumiban sa klase?" tanong ni Melanie.
" Kasi masama ang pakiramdam ko"
" Asus! If I know. Dinamdam mo yung sinabi ni Ryan na may mahal na sya." asar ni Clarrice.
" Talaga? So anong nararamdaman mo ngayong ikaw pala ang date ko?" tanong ni Ryan sa dalaga. Namula ng husto si Erica. Hindi sya handa sa confrontation ni Ryan.
" Loko lang. Hindi mo naman kailangang sagutin, eh"
Ilang sandali pa'y nagsimula na ang sayawan. Niyaya ni Ryan si Erica na sumayaw sa love song na kinanta ng kanilang schoolmate. "Destiny"
Habang nasa dance floor.
" Erica, I know I've known you for a short period of time. Bago lang din ako sa paaralan nyo. Alam ko din namang marami ang nanliligaw sa'yo"
" Pwde ba 'wag ka nang magpaligoy ligoy pa. Ano ba talagang gusto mong sabihin?"
" Mahal na yata kita. Will you be my girl?"
Naluha si Erica sa sobrang saya. Niyakap nya si Ryan sabay sabing..." Of course!"
Nainggit ang lahat na nakasaksi sa mga tagpong iyon. Naghiyawan ang lahat. May nagtaas ng kanilang kilay. Masaya ang mga kaibigan ni Erica para sa kanya. Mabilis man ang mga pangyayari, alam nilang mahal ni Erica si Ryan. Pero hanggang kailan kaya ang kaligayahang ito? Maaari kayang magustuhan si Ryan ng pamilya ni Erica gayong ito'y hindi mayaman?
waaahhh kilig.. continuation please.. :) i can't wait.. :)
ReplyDelete