Love of my Life
INTRODUCTION
Hindi inaasahan ni Ryan na mababago nya ang paniniwala ng isang spoiled brat.
Ang dating walang pakialam sa iba, naging sensitibo at malalahanin.
Tunay nga namang mahal nila ang isa't isa.
Pero talagang pinaglalayo lang sila ng tadhana.
Ano kaya ang mananaig?
Ang pusong labis na nagmamahal?
o ang madilim na kahapon na pilit nang kinakalimutan?
---------------------- o0O0o ---------------------
Mag fiFebruary 14, syempre pa "Araw na naman ng mga Puso". Malapit na rin ang kanilang Valentine's ball. Ngunit wala pa ring ka date itong si Erica. Dahil hindi pa nya sinasagot ang kahit isa sa mga masusugid nyang manliligaw. Mga anak mayaman at mga gwapo naman yong mga nanliligaw sa kanya, pero kahit anong gawin nya ay hindi nya magawang magustuhan ang kahit sino sa mga ito. Isang araw, may isang bagong salta sa school nila. Naintriga sya ng husto dahil pinag uusapan at pinagkakaguluhan ito ng mga babae sa kanilang klase.
" Girls, narinig nyo na ba ang tungkol sa bagong estudyante?", tanong ni Erica.
" Ay oo! I've seen him myself. At totoo ngang gwapo ang lalaking ito. At hindi lang yun, matalino pa!", ani Clarrice (kaibigan ni Erica).
" Kaya ba sya pinagkakaguluhan?", usisa ni Melanie.
" Huh! Talaga bang ganun sya kagwapo para pagkaguluhan?", tanong ni Ronna.
" Promise girls, gwapo talaga sya! Magkatabi lang kaya kami ng room.", pahayag ni Clarrice.
" Ok. Para maniwala kami sa'yo, dapat rin naming makita yang pinagmamalaki nyo!", ani Melanie.
" I'm sure pag nakita nya ako, isa na naman yan sa mga lalaking magkakandarapa sa'kin.", ani Erica.
" Ang kapal nito! I bet hindi ka nya mapapansin. Sa akin kaya sya panay tingin ng tingin." ani Clarrice.
" Whatever! Wala naman akong pakialam,eh. Kung yung iba nga tinuturn down ko, I know he'll not be my kind of guy." si Erica.
" Girl, baka kainin mo ang mga sinasabi mo". ani Ronna.
At nagkasundo nga silang silipin ang kanilang mysterious guy. Maaaring may mabigat na dahilan kung bakit sya ay naging usap usapan ng mga babae sa kanilang paaralan. Ayaw naman nilang magpahuli sa balita.
Lunchbreak. Pumunta sina Ronna, Erica at Melanie sa room ni Clarrice. Dahil nga magkatabi lang ang rooms nila ng lalaki.
" Girls!" excited na hiyaw ni Clarrice.
" Clarrice, wag ka ngang masyadong obvious. Nakakahiya!", ani Melanie.
" Ay, sorry! Naeexcite lang kasi ako. Madali lang naman syang hanapin,eh. Madalas lang kasi syang andito sa loob ng classroom.", ani Clarrice.
Bigalang dumating si Brandon, isa sa mga manliligaw ni Erica.
" Well, well, well. Sinasabi ko na nga ba't hahanapin mo rin ako.", tukso nya kay Erica.
" Brandon, hindi ikaw ang pinunta namin dito. At isa pa, masyado kang presko para sa kaibigan namin!", ani Melanie.
" At sino naman ang pinunta nyo dito?", tanong ni Brandon.
" Si Clarrice! Si Clarrice ang aming pinuntahan dito. Plano kasi naming dito na lang sa room nila kumain,eh.", paliwanag ni Erica.
" Ganoon ba Cutie..." Dahan-dahang nilapit ni Brandon ang kanyang sarili kay Erica. Naiilang naman si Erica kasi nga wala naman syang pagtingin sa lalaking ito. At isa pa, preskong presko itong si Brandon. Ang akala yata nya'y may gusto sa kanya ang lahat ng babae sa kanya. Hinihila naman ng mga kaibigan ni Erica si Brandon.
" Pwde ba wag kayong makialam! Baka nakakalimutan nyo kung sino ako?!", pagmamayabang ni Brandon. Si Brandon kasi ay pamangkin ng isa sa mga may ari ng eskwelahan.
" Hindi ibig sabihin na dahil malaki ang posisyon ng tiyahin mo dito ay pwde ka nang umasta ng ganyan!" ani Ronna.
" Inggit ka lang Ronna, eh. Kasi hindi ikaw ang type ko. Sino ba namang magkaka interes sa isang taghiyawat na tinubuan ng mukha!Wahahaha!", kutya ni Brandon.
" Anong akala mo? Ganun ka na talaga kagwapo? Ang kapal naman ng mukha mo! Para sabihin ko sa'yo, girlfriend mo lang ang bulag sa skwelahang ito!", si Erica.
" Bakit ba nagpapakipot ka pa?!" Hinawakan na ng mahigpit ni Brandon si Erica.
" Aray! Ano ba Brandon, nasasaktan ako!" sigaw ni Erica.
Nagkaroon ng kaguluhan sa labas ng room nina Clarrice. Lumabas naman ang isang binata para makiusisa sa mga nangyayari. At nakita nga nyang mapula na ang braso ni Erica na mahigpit na hinahawakan ni Brandon.
" Pare, mukhang nasasaktan na yata ang girlfriend mo. Baka pwde mo nang bitawan yan." anang lalaki.
" Hindi ko boyfriend to noh!", tugon ni Erica.
" Wag kang makialam dito,ha! Bagong salta ka lang dito kaya wag kang mag aasta na parang kung sino ka! Baka hindi mo ako nakikilala!" pagmamayabang ni Brandon.
" Kailangan pa ba kitang makilala para sitahin ka? Sa tingin ko naman andito tayo para mag aral at di para manggulo.", anang lalaki.
" Ang yabang mo, ha!" binitawan ni Brandon si Erica at bumaling sa lalaki. Ang hindi nya lang alam ay magaling ito sa iba't-ibang uri ng martial arts.
" Nagpapakitang gilas ka ba? Huh, isa ka lang sa mga taong hindi marunong lumaban kaya depensa lang ang ginagawa mo. Hinahamon kita! Nagpapasikat ka rin lang ay lubos lubusin mo na! Lumaban ka!", sigaw ni Brandon.
" Pwde ba Brandon tumigil ka na!", ani Erica.
" Tuturuan ko lang to ng leksyon. Hindi alam kung pano rumespeto,eh."
" Nakakatawa ka naman pare. Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang respeto? Hindi mo ba alam na dapat iginagalang ang mga babae? Parang hindi ka naman nagkaina!", anang lalaki.
Napahiya si Brandon. Kahit mayabang pala ito ay tinatablan din ng konsensya.
" Pagbibigyan kita ngayon kasi may mga babae sa paligid. Ayoko namang mapahiya ka." pagkasabi'y umalis na agad si Brandon.
Lumapit ang magkakabarkada sa lalaki at nakipagkilala.
" Salamat,ha." ani Erica.
" Girls, wag nyong hahayaang binabastos kayo. Dapat marunong kayong magtanggol ng sarili.", anang lalaki.
" Kaya nga kami naghahanap ng lalaking magtatanggol sa amin kasi mahina kami. Gusto naming may magtanggol sa amin. 'Yun naman talaga ang purpose ng mga lalaki,eh. Di ba?", sabi ni Ronna.
" Well, unfortunately, hindi lahat ng lalaki ay nagtatanggol. Kaya dapat kayo magsanay ng self defense.", anang lalaki.
" Kung may magtuturo lang, why not di ba girls?, ani Clarrice.
" Oo nga naman. Baka pwde mo kaming turuan, Mr......?", tanong ni Melanie.
" Ryan. Ryan Santiago." pakilala ng lalaki.
" Ammmm, Ryan baka naman pwde mo naman kaming maturuan ng mga the moves mo?", ani Melanie.
" Oh, I'd love to sana. Kaya lang kasi marami pa akong inaasikaso. Marami akong responsibilidad sa bahay at tsaka nag tatrabaho pa ako.", paliwanag ni Ryan.
" Ah, ganun ba? Sayang naman." ani Melanie.
Tahimik lang si Erica. Mukha syang nagulat sa lahat ng mga pangyayari. Hindi nya alam kung papaano sya magrereact. Hindi nya maikakailang may appeal si Ryan sa kanya. Gwapo ito. Matangkad at maginoo.
" Erica, OK ka lang? tulala ka yata?", usisa ni Ronna.
" I'm OK girls. Halina nga kayo! Ayokong magtagal sa lugar na ito. Maraming tao ang nagpapasikat." ani Erica.
" Erica, don't be so mean. Tinulungan ka na nga no'ng tao, ikaw pa tong mukhang agrabyado." ani Clarrice.
" Well, kung gusto nyo syang pagkaguluhan, maiwan ko na lang kayo!" tumalikod agad si Erica.
" Miss! Alam mo, hindi naman masamang magpacute. Wag ka lang obvious!" asar ni Ryan.
" Ang kapal mo rin,ha!" sabi ni Erica bago pa umalis ng tuluyan.
Kinabukasan. Nagkita muli ang magkakaibigan during their breaktime. At wala na silang ibang topic kundi si Ryan.
" Girls, I think mapapalitan ko na yung boyfriend ko. Hehehehe! Ang gwapo ni Ryan ano? Tapos ang talino pa. Tapos gentleman pa sya." ani Melanie.
" Naglalandi ka na naman Melanie! Dapat sa tulad nya ay ang mga katulad ko. " ani Ronna.
" Mga ilusyonada! Sa tingin nyo papatol yun sa inyo? At sa tingin nyo, sa gwapo nyang yun at sa mga katangian nyang taglay ay wala pa syang girlfriend?" ani Clarrice.
" Well, yun lang hindi natin natanong." si Ronna.
Napansin nilang parang malalim ang iniisip ni Erica.
" May problema ka ba girl?", tanong ni Clarrice.
" Ha? Ako? Wala! Ba't naman ako magkakaproblema?" depensa ni Erica.
" Well, kahapon ka pa ganyan. Nakilala mo lang si Ryan tulala ka na. Tinamaan ka ano?", asar ni Melanie.
" Huh! Girls, you know me right? Hindi pa ako tinatamaan.", ani Erica.
" Nagyon lang!" si Clarrice. Napaisip ulit si Erica.
" Si........ Ammm... Si Ryan ba, may tinanong tungkol sa akin?", tanong ni Erica.
" Hayon! E, di nahuli ka rin! Sabi ko na nga ba at drama mo lang lahat kahapon para kunwari pagusapan ka namin. But sorry girl, hindi sya nagpakita ng interes sayo! Hindi umepek ang pagpapacute mo!" si Ronna.
" Huh, curious lang naman ako,eh. Alam mo naman ang mga lalaki. Hindi sila agad nagpapakita ng affection. Siguro nahihiya pa sya. But I'm sure in a few days time, magtatanong sya sa inyo tungkol sa akin." ani Erica.
" Dream on girl!" si Clarrice.
Agad ay nagtungo sila sa gymnasium. Alam kasi nilang dito pumipirmi si Ryan. Pagkadating nila doon ay tila ba may concert ni Justin Bieber. Punong puno ang gymnasium kahit nagpapractise pa lamang ang varsity team nila ng baskeball. At nakakabingi ang hiyawan ng mga babae sa pangalan ni Ryan.
" Ganito ba talaga sya kasikat? tanong ni Melanie.
Ilang sandali pa'y lumapit si Jonathan sa kanila. Si Jonathan ang kasintahan ni Melanie.
" Babe, why are you here?", tanong ng binata.
" Sinamahan ko lang ang mga friends ko babe. May gusto kasi silang panoorin.", paliwanag ni Melanie.
" Come on! I'll give you seats. Puno na kasi ang mga benches. Hindi ko nga alam kung practise pa to oh finals na. Grabe talaga itong bago naming ka team. Magaling na, pinagkakaguluhan pa. I hope you're not one of those girls babe"
" Oh, no! Of course not! Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" ani Melanie.
" O, tama na yang kalandian nyong yan at pumunta na tayo sa mga upuan.", ani Clarrice.
Inggit na inggit ang halos lahat ng mga babae sa kanilang apat. Doon kasi sila sa silya ng mga players. Tuwang tuwa si Erica dahil malapit lang sya ngayon kay Ryan. Ayaw man nyang aminin pero alam nyang nahuhulog na sya kay Ryan. Who can resist his charm? Kay Ryan lang tameme si Erica. Alam nyang hindi lang basta crush ang nararamdaman nya para dito. It's something deeper than that. Ilang sandali pa sa kanilang pagpaparactise ay nagkaroon sila ng 15 minute break. Papalapit na si Ryan sa bench ng mga players. Kinakabahan na si Erica. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Papalapit na sya ng papalapit. Kumakabog naman ang dibdib ni Erica. Iaabot na sana ni Erica ang kanyang tuwalya nang biglang...
" Kuya! ", sigaw ng isang dalagitang babae.
" Oh, mahal! Buti't napadaan ka!" maligaya ang pagbati ni Ryan.
Mangiyak ngiyak na si Erica. "Ang bata naman ng girlfriend ni Ryan. Ito pala ang mga type nya." sabi nya sa kanyang isip.
Bigla ding natahimik ang lahat. Sa sobrang disappointment ng iba ay isa-isa silang umalis.
" Kuya, gusto ko kasi sanang ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Para naman makilala nila ang ipinagmamalaki kong mahal. Kasi naikukwento kita sa kanila." paliwanag ng dalagita.
" Siya ba Ryan?", tanong ni Ronna.
" Ah..(sabay ngiti at tumingin sa paligid. Napansin nya ang reaksyon ni Erica)....Wag kang magalala, kapatid ko to!", ibinaling nya ang tingin kay Erica.
" Hi ate, ako si Mikaela! Tinatawag nila akong mahal.", pakilala ng dalagita.
Nabigla si Erica. Hindi sya agad nakapagsalita. Hindi kasi nya alam kung ano ang magiging reaksyon. Napalunok laway sya bago nya nasabing...
" Ikinagagalak kitang makilala..aniya kay Mikaela (agad ay lumapit siya ng kaunti kay Ryan)..Wala naman akong pakialam,eh. Wala akong pakialam kung may girlfriend ka. Dahil hindi naman kasi kita type!", depensa ni Erica.
" Talaga? It shows (napangiti)..Hindi naman maling magkagusto. At wag kang mag alala, wala pas akong nobya." pagkasabi'y agad syang bumalik sa pagpapractise.
Parang nabunutan ng tinik si Erica.
" Ang gwapo ng kuya ko ano?", usisa ni Mikaela.
" Ha? Ammmm, may hitsura sya. Marami na ngang nagkakagusto sa kanya dito sa school namin,eh", ani Erica.
" May gusto ka rin ba kay Kuya?"
Nabigla ng husto si Erica. Hindi nya alam kung ano ang magiging sagot nya kay Mikaela.
" Hindi naman kita masisisi ate,eh. Dati pa man ay marami nang nagkakagusto sa kapatid kong iyan. Nagmana kasi siya sa tatay nya. Fil-Am yung tatay nya sabi ni Mommy. Kaya lang iniwan si Mommy noong panahong ipinagbubuntis nya si Kuya. Ang Daddy ko naman ang sumalo kay Mommy. Nagkaanak sila at ako yun. Sayang nga lang hindi yung tatay nya ang naging tatay ko. Mas maganda pa sana ako ngayon. Hehehehe!" Kwento ni Mikaela.
" Ba't wala pa syang girlfriend?", usisa ni Clarrice.
" Actually, may niligawan si Kuya. Masugid nya talagang niligawan yung babae. Araw-araw pinupuntahan nya sa kanila. Araw-araw nya itong sinusundo sa skwela. Mahal na mahal nya yung girl. Kaya lang, ang hindi nya alam may nagkakagusto din pala sa babaeng yun na drug lord. Isang araw nung pauwi na sila sa bahay nung babae, hinarangan sila ng itim na van. Walang plate number. Dinukot silang dalawa nung babae. Hindi na alam ni kuya kung saan sila dinala. Doon niya nasaksihan kung papaano binaboy ng husto ang babae. Wala syang magawa. Bugbog din ang kanyang katawan. Pinatakbo sila kinabukasan ng gabi noon tapos ay pinagbabaril. Napuruhan yung babae at namatay. Himala namang nabuhay si Kuya. Ang tagal nga nyang nakarecover,eh. Tatlong taon bago sya lumabas ulit sa mundo. Parati lamang syang nagkukulong sa kwarto noon. Nakatitig lang sa larawan ng babae. Iniisip na sana'y kaya pa nyang ibalik ang kahapon. Yung araw na dinukot sila, yun din yung araw na sinagot na sya. Nasaksihan ko ang lahat ng pasakit na naranasan ni Kuya. Minsan nga sinasabi nya sa akin na dapat daw ang hanapin kong lalaki ay yung kaya akong ipagtanggol. Simula noon nag-aral na si Kuya ng iba't-ibang uri ng Martial Arts. Para daw sa susunod na mananakit sa kanyang magiging girlfriend ay kaya na nya itong ipagtanggol. After a year, nagdecide syang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral." kwento ni Mikaela.
Napaluha ang mga babae habang nakikinig sila sa kwentong pag-ibig ni Ryan.
" Ang lungkot naman pala ng naging lovelife nya", ani Ronna.
" So hanggang ngayon hindi pa sya nagnonobya ulit?", tanong ni Erica.
" Interesado ka yata?", asar ni Melanie.
" Nagtatanong lang...", ani Erica.
" Hindi pa po. Pero sa tingin ko may mahahanap na sya. Andito lang sa paligid.", ngumiti si Mikaela.
Kinilig naman ang mga dalaga. Naalala ni Melanie na may pagsusulit pala sila sa English. Kaya't dali-dali silang umalis. Si Clarrice na lamang ang naiwan dahil sya lang ang hindi nila kaklase.
Sa Silid Aralan. Nagsisimula na ang pagsusulit nila. Nakabantay sa mga mag-aaral si Ginang Virginia Dela cruz na ubod ba naman ng taray.
" At saan na naman kayong tatlo galing?!", galit na tanong ni Ginang Dela Cruz.
" Sa gym po ma'am.", sagot ni Melanie.
" Nanood kayo ng Basketball practice?"
" Opo ma'am.", si Ronna.
Naibaling ni Ginang Dela Cruz ang tingin sa teachers' enemy number 1 na si Erica.
" Miss Augusto! Natitiyak kong ikaw na naman ang pasimuno nito! Ang landi mo talaga!"
Napahiya si Erica sa mga kaklase. Uminit ang kanyang ulo at hindi na nya mapigilan ang sarili.
" Wag mo akong itulad sa iyo matandang hukluban!" umiiyak na tugon ni Erica. "Kung inaakala mong kakayakayanin mo ako dahil teacher kita, puwes nagkakamali ka! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan dahil hindi ikaw ang nagpapakain at nagpapaaral sa akin. Guro lang kita gurang!"
" Tama na girl!" awat ng mga kaibigan ni Erica. Nahinto ang lahat. Nagkasigawan na sina Ginang Dela Cruz at Erica sa loob ng classroom. Dali daling tumawag si Ronna ng Prefect of Discipline para maawat na ang dalawang nagbabangayan. Kapwa silang ayaw magpatalo.
" At sino ka naman sa akala mo? Nag-aasta kang parang kung sino! Isa kang sakit sa ulo! Parati kang sanhi ng away!", si Ginang Dela Cruz.
" At akala mo naman perpekto ka? Hoy tanda! Ang hindi mo alam, maraming nangungutya sa'yo kapag nakatalikod ka! Wala ka namang silbi! Hindi naman tama ang mga ipinagtuturo mo sa amin. Ikaw lang yata ang English teacher na kilala ko na hindi marunong ng tamang pronunciation! Walang silbi! Boba!", ani Erica.
Muntik nang magsabunutan sina Ginang Dela Cruz at Erica. Buti na lamang at dumating si Ginoong Miranda. Agad silang pinapunta sa opisina nya.
Samantala. Giliw na giliw si Clarrice sa panonood kay Ryan.
" Ang galing naman pala ng kuya mong maglaro ano?" ani Clarrice.
" Ay totoo. Magaling kasi si Daddy sa basketball. Tinuturuan nya parati si Kuya noon."
" Mahal, ano ba ang tipong babae ni Kuya Ryan mo?"
" Basta ang naaalala ko lang kung bakit nya nagustuhan si Myrna ay dahil sa angking talino nito. At isa pa, sobrang hinhin noong babaeng yun. Hindi ko pa nga lang nakikita sa personal yun kaya hindi ko talaga masabi sa iyo kung ano talaga ang gusto nya. Minsan ko lang nakita yung picture nya."
" Kung apat na taon na syang nahinto sa pag-aaral, ilang taon na sya ngayon at ilang taon pa sya noong nangyari yung trahedya?"
" 25 years old na si Kuya ngayon. So mga 20 or 21 sya noon."
" You mean matanda na pala sya? Akala ko 18 to 20 pa sya. Hindi halata ang age nya,ha. Ang tagal nya naman yatang nahinto sa pag aaral. Ba't ngayon nya lamang ipinagpatuloy ang pag-aaral nya?"
" Eh kasi nga hindi pa sya makamove on. Dalawang taon pa syang hindi nag-aral pagktapos nyang mag high school kasi gusto nya munang magtrabaho para makapag-ipon."
Ilang sandali pa'y may lumapit kina Clarrice at Mikaela.
"Clarrice! Yung kaibigan mong si Erica, napaaway na naman!"
"Ha?" Agad namang tumakbo si Clarrice at sumunod naman si Mikaela sa kanya. Naabutan pa nilang nagbabangayan sina Ginang Dela Cruz at Erica sa Prefect of Discipline's Office.
" Ginoong Miranda hindi ko naman po kasalanan,eh. Ito po kasing si Ginang Dela Cruz sinabihan po akong malandi."
" Wag kang gumawa ng storya Miss Augusto! Saksi ang lahat sa mga pangyayari Ginoong Miranda. Kami po ay nagsusulit sa silid aralan. Nang bigla pong pumasok itong si Miss Augusto kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtatawanan po sila Ginoong Miranda at narinig ko pang kanilang pinanood ang kanilang hinahangaan doon sa basketbatt court. Sobrang ingay po nila at nakakastorbo na po sa klase."
"Hindi totoo yan! Ikaw matandang hukluban kung anu-anong kasinungalingan ang sinasabi mo! Guro ka pa naman sana pero isa kang sinungaling!"
" Tama na Miss Augusto!" awat ni Ginoong Miranda.
" Nakita nyo naman po ang hindi magandang pag-aasal ni Miss Augusto. Ang anghang ng mga salitang kanyang binitawan. Hindi ko matatanggap ang kanyang mga pangiinsulto. Walang respeto!"
" Kung gusto mong galangin ka, maging kagalang-galang ka! Ipakita mong dapat ka ngang igalang!"
" Miss Augusto! Hindi ko gusto ang pananalita mo. Ipatawag mo ang iyong mga magulang at nais ko silang makausap ng masinsinan hinggil sa bagay na ito."
" No! Hinding hindi ko tatawagin ang mommy at daddy ko. I don't want them to waste their precious time nang dahil lang sa hampas lupang teacher na ito!" sabay turo kay Ginang Dela Cruz.
" Talagang napaka walang modo mo talagang bata ka!" sigaw ni Ginang Dela Cruz at akmang susugurin si Erica.
" Ginang Dela Cruz, Erica tama na! Hindi ko mapapayagang bastusin mo ang isang guro ng paaralang ito sa opisina ko. Tatawagin mo ang mga magulang mo sa ayaw o sa gusto mo!" ani Ginoong Miranda.
" Hindi! Ayoko po! At hindi nyo ako mapipilit sa isang bagay na hindi ko gustong gawin. Marami pa namang skwelahan dito sa lungsod ang pwede kong pasukan. Tiyak namang hindi na ako magkakaroon ng gurong gurang na, lumalandi pa!", nagmamatigas pa rin si Erica.
" Sinabi nang tama na,eh. Tatawagan ko ang mommy mo mamaya. Tingnan ko lang kung hindi pa sya makakapunta", ani Ginoong Miranda.
Ilang sandali pa'y dumating sina Clarrice at Mikaela.
" Anong nangyari?" tanong ni Clarrice.
" Miss Clarrice Murillo, magkasama ba kayo ni Miss Erica kanina?" tanong ni Ginoong Miranda.
" Opo Sir. Nanood lang po kami ng basketball. Pinanood lang po namin yung kaibigan namin." paliwanag ni Clarrice.
" Kaibigan? O baka may nilalandi na naman itong si Erica?", ani Ginang Dela Cruz.
" Ginang Dela Cruz, malamang kaya ka hindi ginagalang ng estudyante mo dahil sa pananalita mo. Hindi ko pa alam ang ugat ng problema at ako pa'y nagiimbistiga. Kaya kung maaari sana ay tumahimik ka muna. Kung ano man ang kahihinatnan ng imbestigasyong ito, makakasiguro kayong may matatanggal sa paaralang ito. At sa pagiimbestiga ko, dapat meron kayong mga witnesses na magpapatunay na kayo ang nasa tama. Samantala, ikaw Erica ay hindi na makakapasok sa klase ni Ginang Dela Cruz. Iminumungkahi ko nang sa klase ka na lamang ni Ginang Mendoza pumasok. Sana naman ay maliwanag ang sinabi ko."
Walang imik ang dalawang nagbabangayan. Ilang sandali pa'y lumabas na ng Office of the Prefect Discipline sina Erica at mga kaibigan.
" Girl, bakit mo naman kasi inaway si Ginang Dela Cruz?" tanong ni Melanie.
" Melanie, alam mong hindi ko kasalanan ang nangyari. Nandon ka noong mangyari ang lahat. Ipapaliwanag ko na lang kay Mommy ang mga pangyayari", ani Erica.
Pagdating ni Erica sa bahay.
" Erica, tumawag sa akin si Raphael. Napaaway ka na naman daw?", tanong ng ina.
" Mommy, hindi ko po kasalanan. Alam ko namang may pagsusulit kami sa English kanina kaya kami nagmadaling bumalik sa classroom pagkatapos naming manood ng basketball practise. Pagkabalik namin sa room, medyo nahuli kami ng kaunti. Pero imbis na pasalihin kami sa pagsusulit, pinagsabihan ako ni Ginang Dela Cruz na naglalandi na naman daw ako. Biruin nyo Mommy, ang isang gurong katulad nya ay sinabi sa akin yon?"
"Sinabi nya yun sa'yo? Pupunta ako ng paaralan para personal kong makita kung paano sya palayasin."
"OK, one week from now Mom." sabay pumanhik na si Erica.
Samantala. Naabutan pa ni clarrice sina Mikaela at Ryan na naglalakad pauwi.
" Mikaela, Ryan halina kayo! Sumabay na lang kayo sa akin!" anyaya ng dalaga.
" 'Wag na. Nakakahiya naman sa'yo" sagot ni Ryan.
"Kuya, wag na tayong mahiya. Napapagod na akong maglakad, eh" ani Mikaela.
Napangiti na lamang si Ryan at pumatungo na silang dalawa ni Mikaela sa kotse ni Clarrice.
" Saan ba kayo umuuwi? Ipapahatid ko na lang kayo", ani Clarrice.
" Ay, wag na. Maaabala ka pa. Ibaba mo na lang kami sa kanto at doon na kami sasakay ng jeep", si Ryan.
" Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo? Pagjijeepin mo lang yan?"
" OK lang ate. Sanay na naman kami ni Kuya,eh", ani Mikaela.
" Hindi ba kayo sinusundo ng parents nyo?"
" Hindi naman kasi kami ganoon kayaman Clarrice. Nakapasok nga lang ako sa unibersidad na yan dahil sa scholarship ko sa pagiging varsity player. Kaya nga ako nagtatrabaho para naman makatulong din ako sa nanay ko"
" Saan ka ba nagtatrabaho?"
" Sa Starbucks. Service crew ako doon. 3 months na"
" Ang sipag mo naman pala"
Ngumiti lamang si Ryan. " Dito na lang kami", aniya. Bumaba na lamang sila sa kanto upang sumakay ng jeep.
"Bye!" paalam ni Clarrie.
" Sige, salamat!" Pagkatapos ay umalis na si Clarrice.
" Kuya, type mo ba si ate Clarrice?"
" Bakit mo naman naitanong yan?"
" Wala lang. Kasi kuya parati syang nagtatanong tungkol sa'yo"
" Marami namang taong nagtatanong ng tungkol sa akin mahal. 'Wag mong lalagyan ng malisya"
Pumara na sila ng jeep at umuwi.
Kinabukasan. Nagkita sa hallway sina Ginang Dela Cruz at Erica.
" Maghanda kana dahil mapapaalis ka na sa school na 'to! " banta ni Ginang Dela Cruz.
" Tingnan na lang natin kung sino'ng maaalis. Isa ka lang langaw na nakapatong sa kalabaw. Habang ako ay lawin na matayog nang lumilipad"
Masama ang tingin ni Ginang Dela Cruz kay Erica. Ang hindi mawari ni Erica ay kung bakit pinag-iinitan talaga sya ni Ginang Dela Cruz. Hindi ito ang unang pagkakataon na inaway ni Ginang Dela Cruz si Erica. Noon pa'y ginagawan na nya ito ng storya upang mapahiya sa klase. Pinagtimpian na ito ni Erica noon. Pero sa pagkakataong ito, tila napuno na ang dalaga sa pang-aapi ng guro.
" Girl!" tinawag sya ni Clarrice.
" O, bakit?"
" Baka nakakalimutan mong magkaklase na tayo. Halika na! Baka mahuli na naman tayo't mapagalitan na naman."
Naalala ni Erica na parte ng kasunduan nila ni Ginoong Miranda ang pagpasok ni Erica sa klase ni Clarrice. Sa tingin nya, ito ay makabubuti. Dahil si Ryan ay nasa kabilang klase lang.
Sa loob ng classroom.
" Dito na lang tayo umupo malapit sa bintana. Madalas kasi dumaan si Ryan dito", ani Clarrice.
Ngunit hindi lumabas si Ryan na ipinagtataka ng husto ni Clarrice dahil madalas nya itong nakikitang lumalabas.
Pagkatapos ng kanilang klase. Lumabas sina Erica at Clarrice upang tingnan si Ryan. At doon nga ay nakita nila kung bakit hindi nakalabas ang binata. Kasama nya pala si Nadine na nagpapaturo sa kanya sa Trigo. Napataas kilay silang dalawa. Alam kasi nilang nagkukunwari lang si Nadine para makuha ang atensyon ni Ryan. Hindi napigilan ni Clarrice na lumapit sa dalawa.
" Ahem! Mukhang abala ka yata Ryan", usisa ni Clarrice.
" Obvious naman, di ba? 'Bat nagtatanong ka pa?" si Nadine.
" Ikaw ba ang kinakausap ko?" Clarrice.
" Girls, please! (nagkaroon ng sandaling katahimikan) Nagpaturo lang si Nadine sa akin Clarrice. Wala naman sigurong masama kung tuturuan ko ang aking kaklase, di ba?" ani Ryan.
" Bakit kailangan mong magpaliwanag sa kanya Ryan, kayo na ba?" tanong ni Nadine.
" Hindi. Pero may mahal na akong iba. Kaya tigilan nyo na ang pag aaway nang dahil sa akin. Kasi tapat ako sa aking minamahal"
Natigilan ang tatlo. Umalis si Nadine sa sobrang disappointment. Kitang kita naman ni Ryan ang namumulang mata ni Erica.
" Sino naman ang maswerteng babaeng 'yan Ryan?" tanong ni Clarrice.
" Malalaman nyo na. Sya ang makakadate ko sa Valentine's ball " sabi ni Ryan bago lumabas ng classroom.
Labis na nalungkot ang dalawang dalaga. Ang pinagpapantasyahan nilang lalaki ay may mahal na palang iba. Sabik na sabik na sila sa araw ng Valentine's ball. Dahil doon nila makikilala ang babaeng nagpatibok muli sa minsan nang nabigong puso ni Ryan.
bitin.. continuation please.. =)
ReplyDeleteang ganda ng pagkakagawa...ipopost ko ito sa aking FB page....LOVERSONLINE@NET.....gusto kong ishare sa mga members...more power and God bless!!
ReplyDelete