Love of my Life 4

Pagkatapos ng hearing ay naging magkasundo na sina Ginang Dela Cruz at Erica. Ngunit ayaw na ni Erica na bumalik pa sa klase ni Ginang Dela Cruz dahil mas gusto nyang malapit lang kay Ryan ang kanilang silid kaya patuloy pa rin syang papasok sa klase ni Miss Smithson.

" Mabuti't napatawad mo si Ginang Dela Cruz", ani Ryan.

" Naiintindihan ko kasi sya Ryan. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng magmahal".

" I'm glad. May pagbabago ka na Erica", ani Ginoong Miranda nang sumabay papalabas ng opisina nya.

" Tama ka Rafael. Marami na ngang pagbabago sa anak ko. And I'm proud." pagsang-ayon ni Lucy.

Breaktime. Hinintay ni Ryan si Erica sa labas ng silid aralan nito.

" Ryan!" tawag ni Erica.

" Hi Erica! Hi Clarrice!"

" Are you waiting for me?" excited si Erica.

" Yeah, I was hoping that we could eat together". anyaya ni Ryan.

" Sure!" sabay lingon kay Clarrice.

" Alone. May sasabihin kasi sana ako sa'yo", ani Ryan.

" Kasi....may..." palingon lingon si Erica kay Clarrice.

" Sige na girl. Ayaw naming kami pa ang maging dahilan kung bakit hindi kayo maging close ng boyfriend mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila"

" Salamat girl", makikita ang saya sa mukha ni Erica.

Naglakad na sina Erica at Ryan patungo sa canteen nila..

" Ano namang sasabihin mo at kailangan pa talagang tayong dalawa lang?", tanong ni Erica.

" I would like to introduce you to my parents kasi. Siguradong matutuwa ang mga iyon kapag nakilala ka nila."

" Ha? Ang bilis naman yata"

" Ang bilis mo nga akong sinagot,eh. Ganoon talaga siguro ang relasyon natin, mabilis ang takbo" Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Maya-maya pa'y madamdamin ang pahayag ni Ryan sa dalaga.

" Ang bilis ng mga pangyayari. Bigla ka na lang dumating sa buhay ko. Bigla na lang naging tayo. Natatakot lang ako"

" Na ano?"

Nakatitig pa si Ryan kay Erica, " na bigla ka ring mawala sa buhay ko".

Napaluha si Erica. " Hindi mangyayari iyon. Pangako", si Erica.

Samantala. Hindi mawala sa isip ni Lawrence ang apelyido ni Ryan. Santiago. Kilala nya kaya ito? O baka kapangalan lang talaga sila. Kailangan nyang malaman ang lahat ng tungkol kay Ryan. Maya maya pa'y may taong pumasok sa opisina nya.

" Magandang umaga po Sir. Ako po yung tinawagan ni Temyo", anang lalaki.

" Magaling ka ba?", tanong ni Lawrence.

" Opo. Sa katunayan po ay maganda ang record ko sa mga naging customer ko."

May kinuhang larawan si Lawrence sa ilalim ng mesa. Larawan ng isang babaeng nakasuot ng puting damit. Makikita pa ang magagandang tanawin ng Subic. At ang babae ay larawan ng kagandahan at kasiyahan.

" Nais kong hanapin mo ang babaeng ito. Ang pangalan nya'y Mitch Santiago. Ang huli kong balita sa kanya ay nasa Pangasinan sila ng kanyang asawang si Joseph."

" Anong impormasyon ang kailangan nyo Sir?"

" Lahat. Lahat ng tungkol sa kanya. Sa bago nyang buhay. Nais kong malaman kung may anak ba sya at gusto kong makita kung meron man."

" Masusunod po"

Pagkatapos ay umalis na ang lalaki.

Dumating na si Erica. Hinatid sya ni Ryan. Ilang sandali pa'y dumating din si Lawrence.

" Magandang hapon po", bati ni Ryan sa mga magulang ni Erica.

" Mukhang napapadalas ang dalaw mo dito, hijo. Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo sa inyo?" tanong ni Lawrence.

" Hindi po. Alam naman po nilang dito ang punta ko parati. Sa katunayan nga po ay ipapakilala ko na sya sa mga magulang ko bukas. Yan po ay kung papayag po kayo."

" Aba'y bakit hindi? Hindi ba honey?" tugon ni Lucy.

" Ammmm. Pagiisipan ko na muna." ani Lawrence. Medyo disappointed si Erica.

" O sya sige na nga. Pinagtutulungan nyo na ako,eh", ani Lawrence.

" Talaga dad?! Payag ka? Yes!" ani Erica.

" Erica...", panay senyas ang ina ni Erica sa dalaga na nagpapahiwatig na hindi sya dapat umasta ng ganoon. Dapat ay maging mahinhin ito. Yan ang parating itinuturo sa kanya ng kanyang ina.

" Ay, sorry"

" Sige po, mauna na po ako." ani Ryan.

" OK. Magiingat ka,ha!", ani Lucy.

" Sige po. Salamat".

" Ihahatid ko lang po sya sa labas", ani Erica.

Kinabukasan. Pagkauwi mula sa eskwela ay dumiretso sina Ryan at Erica sa bahay ng binata.

" Kuya!" bati ni Mikaela.

" Mahal! si Mommy nasa loob ba?" si Ryan.

" Ay, opo. Sinong kasama mo kuya?" usisa ni Mikaela.

" Hindi mo ba sya naaalala? Si Erica. Ang bago kong kasintahan", pakilala ni Ryan sabay hila sa kasintahan.

" Ah, namumukhaan ko lang po sya kuya. Ikinagagalak kitang makilala ate Erica."

" Ganoon din ako"

Ilang sandali pa'y pumasok na sila. Nandoon nga ang kanyang ina na noo'y naglilinis sa salas.

" Mano po. Mom, si Erica po. Kasintahan ko", pakilala ni Ryan.

" Magandang hapon po", namangha si Erica sa ganda ng ina ni Ryan. Walang kaduda-duda kung bakit ito'y gwapo. Maganda din ang kanyang ina.

" Ikinagagalak kitang makilala, hija. Sa wakas ay nagkaroon na ulit ng kasintahan itong aming Ryan."

" Nay naman. Baka isipin nyang hindi ako marunong manligaw."

Nagtawanan ang lahat. Masayang nagkwentuhan ang mag-iina at si Erica. Naging palagay ang loob ng mga ito sa dalaga maging si Erica ay palagay din ang loob sa mga ito. Maya maya'y dumating si Joseph.

" Dad!" tawag ng dalawang anak nito. Sabay nagmano sila.

" Magandang gabi po", bati ni Erica.

" Wala nang mas gaganda pa sa gabi dahil may maganda kaming bisita. Sino sya anak? Kasintahan mo?" tanong ni Joseph.

" Opo Dad"

" Magaling ka talaga pumili. Teka nga pala. May namataan akong aaligid aligid sa bahay na ito na isang lalaki. May inaasahan pa ba kayong ibang bisita?"

" Wala naman po", ani Ryan.

" Erica hija, kung maaari lamang ay dito ka na magpalipas ng gabi. Delikado. May nag aabang yatang panganib sa labas. Ayaw na naming maulit pa ang nangyari dati"

" Pero hindi po kasi ako nakapag paalam ng maayos. Baka po pagalitan ako ng aking ama. OK lang si Mommy kasi sigurado naman akong sasang-ayon lang iyon"

" Kung ganoon ay tatawagan namin ang iyong ama at kami na bahalang magpaalam sa kanya"

" O sige po. Kung yan talaga ang gusto nyo". Agad ibinigay ni Erica ang numero ng ama. Agad naman itong tinawagan ng ina ni Ryan.

" Ring...Ring!!!" tunog ng cellphone ni Lawrence.

" Sino kaya itong tumatawag" hindi nakaregister sa phonebook ni Lawrence ang numerong tumatawag.

" Hello, sino to?"

" Hi, ito po si Michelle Castillo, ina ni Ryan. Ipagpapaalam sana namin si Erica na kung maaaring dito na muna sya magpalipas ng gabi. Mangyari kasing may namataan ang aking asawang umaaligid sa amin. Baka mas maging delikado kung pauuwiin pa namin si Erica".

" Ah, o sige. Basta maaga lang syang umuwi bukas."

" O sige salamat po."

Natapos na ang kanilang usapan. Nabunutan ng tinik si Lawrence. Michelle Castillo ang ina ni Ryan. Hindi maaaring sya ang babaeng minsan nang sumira sa masaya nilang pagsasama ni Lucy. Bago umuwi si Lawrence ay inilagay nya sa bulsa ng kanyang jacket ang larawan ni Mitch.

Sumapit na ang umaga. Dali-daling umalis si Erica sa bahay nina Ryan. Ayaw nyang umalis ang ama nang hindi pa sya dumadating sa kanilang bahay dahil siguradong sasabunin sya nito.

Pagkadating sa bahay.

" Good morning dad!" sabay halik sa noo ng ama. " Si mommy?" tanong ni Erica.

" Nasa kwarto pa. Buti nama't maaga ka".

" Alam ko kasi kung anong kahahantungan ko kapag hindi kita naabutan dito"

Napangiti si Lawrence.

" Mauna na muna ako, hija. Hindi ko na mahihintay ang iyong ina. Alam mo naman iyon tila mantika kung matulog"

Pagkatayo ng ama ay may nahulog mula sa bulsa nito.

" Dad, ano ito?" agad pinulot ni Erica ang larawan ng isang babae.

Napatingin si Lawrence sa kanya. Namumutla.

" Dad, bakit may larawan ka ng ina ni Ryan?"

Nabigla si Lawrence sa narinig. Hindi sya makapaniwalang si Ryan nga ang anak ng babaeng iyon. Ang babaeng minsan nang sumira sa kanila.

" Dad, tatahimik ka lang ba?"

" Ha? Ammm...hindi ko akalaing ina ni Ryan ang kaibigan ko sa high school. Matagal na rin kaming hindi nagkikita nyan."

" Talaga po? WOW! Biruin nyo, magkakilala na pala kayo ni Tita Mitch. Hindi na kami mahihirapan pa"

Nanlamig ang buong katawan ni Lawrence. Nangyari nga ang kinatatakutan nito. Ngayon ay kailangan nyang gumawa ng paraan upang paglayuin ang dalawang nagmamahalan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Call Center

Salamat!

Love of my Life 10