Love of my Life 7
Sabay na dumalaw sina Ryan at Erica ang mga magulang ng dalaga.
" Magandang hapon po dad", nagmano si Erica sa ama.
Nakatitig si Lawrence kay Ryan.
" Anak, hayaan mo muna kaming makapag-usap ni Ryan "
Napatingin si Erica kay Ryan. " Bakit po dad? May problema ba?"
" May sasabihin lang ako sa kanya. Sandali lang ito"
" Hindi. Ayokong kausapin mo sya na wala ako. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin mo "
Hindi inakala ni Lawrence na masasabi iyon ng kanyang anak. Hindi man ganoon kabait si Erica ay hindi rin naman ito sumusuway sa kanya.
" Kailan mo pa natutunan 'yan, ha? Iyan ba ang natutunan mo sa lalaking ito?" itinuro pa ni Lawrence ang binata.
" Erica, sundin mo na lang ang daddy mo para walang gulo. Puntahan mo na muna ang iyong ina", ani Ryan.
" Ayoko. Sinabi ko na sa'yong ipaglalaban kita kahit kanino....Dad, kung tungkol ito sa inyo ni Tita Mitch, labas na kami doon"
Hindi iyon inaasahan ni Lawrence.
" Sinabi nya na ba sa inyo?"
" Opo. At wala kaming pakialam sa inyong nakaraan! We love each other, dad. And I can't let you ruin our relationship! "
" Kahit ang ina ng lalaking ito ang dahilan kung bakit ako nagkasala sa iyong ina?! At kung ang ina ng lalaking ito ang naging dahilan kung bakit muntik nang mawala ang iyong ina?! "
" Anong ibig nyong sabihin?" tanong ni Ryan. nagtataka ang dalawa sa sinabi ng ama ni Erica. Hindi nila lubusang maintindihan ang mga katagang iyon ni Lawrence.
" Akala ko sinabi na ni Mitch sa inyo?"
" Dad, ipaliwanag mo sa amin ang sinabi nyo."
" Nagkaroon kami ng relasyon ng ina ni Ryan habang dalawang buwang gulang ka pa lamang. Nagtungo ako sa Korea para sa isang business trip sakay ang isang luxury ship. Doon ko nakilala ang iyong ina Ryan (sabay tingin sa binata). Isa syang magandang dalaga at mapang akit. Nalunod ang barko. Napunta kami sa isang isla. Ilang araw din kaming nanirahan sa isalang iyon. Doon nya sinabi sa akin kung gaano nya ako kamahal. Dahil na rin sa pananabik ko sa aking asawa, hindi na ako nakatanggi sa kanya. Pumayag ako sa kanyang gusto. Hanggang nahanap kami ng kanyang kasintahan na si Joseph. Pinagutos kasi ng iyong ina (sabay tingin kay Erica) na hanapin ako at nakisabay si Joseph sa kanila upang hanapin si Mitch. Akala ko iyon na ang magiging katapusan ng aming relasyon. But I was wrong. Naulit pa ang aming pagkikita. Pumunta kami ng Subic. We made love. We were happy. I did not realize that I have hurt your mother so much, Erica."
Umiiyak si Erica habang naririnig ang kwento ng ama. Hindi sya makapaniwala. Sino ba naman kasi ang magaakalang sila pa ang magmamahalan. Sila pa ng anak ng babae ng kanyang ama noon. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Ang nais na lamang nya ngayon ay umiyak. Ang nais nya lamang ay ipaglaban ang pagmamahal kay Ryan, ngunit hindi alam kung paano at bakit. Hindi nya alam kung papaano ipaglalaban ang isang bagay na sa tingin nya'y talo na.
Sa sobrang hiya ni Ryan, dali-dali naman syang lumabas sa kwarto. Hindi nya lubos maisip na nagawa iyon ng kanyang ina. At ngayo'y nangangamba syang hindi na matutupad ang kanyang pangarap na makasama ang pinakamamahal na si Erica. Umuwi sya sa kanila upang kompirmahin sa ina kung tama ba ang kwentong narinig. Nang dumating sya ay dali-dali nya itong tinanong.
" Totoo ba?" nakatitig si Mitch sa kanya. Animo'y nagtatanong. " Totoo bang naging kerida ka ng ama ni Erica?" patuloy ni Ryan.
Napaiyak si Mitch. Hindi nya alam kung papaano ipapaliwanag sa anak ang mga nangyari.
" Ipapaliwanang ko sa'yo lahat, anak"
" Para ano pa? Bakit mo nagawa iyon? Inidolo pa naman kita. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na kung maghahanap man ako ng babaeng mamahalin at dadalhin sa dambana, hahanapin ko ang katulad mo. But tell me Mom, karapat dapat ka bang tularan? Karapat dapat ka bang maging idolo? Ha?"
Labis na umiyak si Mitch. Maya-maya pa'y dumating si Joseph.
" Anong nangyayari dito? Bakit umiiyak ang iyong ina?"
" Hindi nyo po alam ang kanyang nagawa Dad. Niloko nya tayo"
" Bakit nga? Bakit kailangan mong paiyakin ang ina mo ng ganito?"
" Nalaman ko po kasi na naging kerida pala sya ng ama ni Erica"
Hindi makapaniwala si Ryan sa reaksyon ng ama. Hindi ito nagulat at walang bahid ng pagkalito si Joseph.
" Ang ama ni Erica ay si Lawrence?"
" Opo. Bakit nyo po sya kilala?"
" Totoong minsang nagkamali ang iyong ina. Pero naudyok lang syang gawin iyon dahil natrap sila sa isang isla. Nalunod kasi ang barkong sinasakyan nito. Hindi pa kami kasal noon. "
" Bakit nyo agad natanggap?"
" Mahal ko ang iyong ina. at nakita nya ang pagmamahal na iyon. Sapat na sa akin ang magsisi sya sa kanyang nagawang pagkakamali. Ngayon ay matagal na kaming nagsasama't matibay pa rin ang aming relasyon. Kung ano man ang nangyari noon ay kalimutan mo na. Ang mahalaga'y nagbago sya. "
" Pero Dad, paano na kami ni Erica ngayon? Dahil sa nalaman namin, hindi ko alam kung paano pa kami magpapatuloy?"
" Mahal mo?"
" Opo"
" So what's the reason to stop everything? Ang pagkakamali noon ay hindi na muli pang mangyayari. Kung talagang nagmamahalan kayo, dapat nyong ipaglaban ang inyong pag-ibig. Hindi naman kayo dapat magpaapekto sa mga nangyari dahil wala naman kayong kinalaman doon"
Nahimasmasan si Ryan. Napagisip-isip nyang tama ang kanyang ama. Kung si Mitch nga ay nakaya nyang patawarin sa laki ng kasalanan nito sa kanilang pagmamahalan, sya pa kaya?

Comments
Post a Comment