Love of my Life 3
Natapos na ang gabi. Ito na ang pinakamahalaga at pinakamasayang bagay na nangyari kay Erica. Sa wakas ay natagpuan nya na ang tunay na pag-ibig. Hanggang sa bahay ay panay ngiti si Erica. Nabago na ang dating supladang dalaga. Parati na lamang nakatutok si Erica sa kanyang cellphone. Naghihintay na naman sya sa tawag ni Ryan. Nangako kasi itong tatawag ulit dahil yayayain ang dalagang kumain sa labas. Ito ang magiging unang date nila. " Ring...ring...ring!!!" sa wakas ay tumunog na ang cellphone ni Erica. " Hello", agad nya itong sinagot. " Erica, si Ryan 'to" " Ryan. Tuloy ba tayo mamaya?" " Tumawag nga ako para sabihing hindi tayo matutuloy sa ating pupuntahan. May importante kasi akong sasadyain mamaya, eh" Nang marinig ito'y nanlumo si Erica. Malungkot man sya'y kailangan nyang tanggapin. Baka naman kasi ganoon kaimportante ang pupuntahan ni Ryan kaya't hindi na sila matutuloy sa kanilang dinner date. " OK la...