Posts

Love of my Life 10

Kinagabihan. Pagkauwi ni Lawrence sa bahay ay nagtataka ito kung bakit may kaunting handaan sa kanilang bahay. Nakita nya kung gaano nag-ayos si Erica at Lucy. " May okasyon ba?", tanong nito. " Oo, mahalaga ang okasyon na ito at mahahalaga ang ating mga bisita", sagot ni Lucy. " Bakit hindi nyo agad sinabi nang maaga sana ako nakauwi. Mag-aayos lang muna ako. Teka, sino bang magiging bisita natin?" " Basta. Sige na, mag-ayos ka na" Pumanhik na lamang si Lawrence at nag-ayos. Ilang sandali lamang ay tumunog ang doorbell nina Erica. " Magandang gabi po", bati ni Ryan sa ina ni Erica. Agad namang lumapit si Erica sa kasintahan at niyakap ito. " Miss na miss kita", ani Erica. Nakita ni Lucy kung gaano kasaya ang pinakamamahal nyang anak. " Tama na yan. Pumasok na muna kayo dito't kumain na muna tayo." ani Lucy. " Magandang gabi", bati ni Joseph. Ilang sandali lamang ay bumaba na si La...

Love of my Life 9

Nabigla si Lucy sa narinig. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Mangiyak ngiyak sya noong sinabi nyang," makakaalis ka na" " Mom", tinangkang pigilan ni Erica ang kasintahan sa pag alis. Ngunit niyakap na lamang sya nito at ang sabi'y," bigyan na muna natin ng panahong makapag isip ang mommy mo. Hindi madali ang ating sitwasyon. Basta tatandaan mo na lamang na mahal na mahal kita. At ikaw ang muling bumuhay sa minsan nang patay kong puso". Pagkasabi'y umalis na si Ryan. Napaiyak si Erica. " Mom, akala ko ba gusto mo sya para sa akin? Bakit nyo po sya pinalayas?" Hindi lamang sumagot si Lucy. Ang tanging tugon nito ay ang mga luhang unti-unting tumutulo sa kanyang mga mata. " Go to your room Erica. At hinding-hindi ka na makikipagkita sa lalaking iyon", ani Lawrence. " You both are so unfair! Hindi namin kasalanan ang mga nangyari noon. Hindi kami ang dapat ninyong parusahan ng ganito! Hindi kami!...

Love of my Life 8

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap nila ng kanyang ama ay inisip ni Ryan ang magandang hakbang upang mapalapit sa mga magulang ni Erica. Iniisip niya kung papaano kaya sya matatanggap ng mga magulang ni Erica gayong anak sya ng taong malaki ang pagkakasala sa kanilang pamilya. Ngunit isa lamang ang alam nya. Mahal nya si Erica at ipagalaban nya ito. Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nagpaparamdam si Ryan sa dalaga. Kaya't nilalason ng kanyang ama ang kanyang isip. " Tigilan mo na ang pagchecheck ng cellphone mo. Hindi na tatawag 'yon. Hindi ka naman talaga nya mahal,eh. Tingnan mo ngayon, hindi man lang sya nagpakita sa'yo sa panahong kailangan mo sya" Napaluha si Erica. " 'Wag mo nang sayangin ang luha mo sa isang walang kwentang lalaki. Ginamit ka lamang nya. Nagmana kasi sya sa kanyang ina, manggagamit" Napaisip si Erica. Ginagamit nga lang kaya sya ng kasintahan? Hindi nya naman ito masyadong nakikila ng lubusan pero ang alam nya ...

Love of my Life 7

Sabay na dumalaw sina Ryan at Erica ang mga magulang ng dalaga. " Magandang hapon po dad", nagmano si Erica sa ama. Nakatitig si Lawrence kay Ryan. " Anak, hayaan mo muna kaming makapag-usap ni Ryan " Napatingin si Erica kay Ryan. " Bakit po dad? May problema ba?" " May sasabihin lang ako sa kanya. Sandali lang ito" " Hindi. Ayokong kausapin mo sya na wala ako. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin mo " Hindi inakala ni Lawrence na masasabi iyon ng kanyang anak. Hindi man ganoon kabait si Erica ay hindi rin naman ito sumusuway sa kanya. " Kailan mo pa natutunan 'yan, ha? Iyan ba ang natutunan mo sa lalaking ito?" itinuro pa ni Lawrence ang binata. " Erica, sundin mo na lang ang daddy mo para walang gulo. Puntahan mo na muna ang iyong ina", ani Ryan. " Ayoko. Sinabi ko na sa'yong ipaglalaban kita kahit kanino....Dad, kung tungkol ito sa inyo ni Tita Mitch, labas na kami doon" Hi...

Love of my Life 6

Nagkasundo na sina Mitch at Erica na pansamantalang babantayan ng ginang ang ama't ina ng dalaga. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon nilang pareho kapag nagkita na sila? Umuwi na si Erica sa kanila. Si Mitch naman ay naghahanda na ng mga dadalhin kinabukasan sa ospital. Bumili din sya ng mga prutas para dalhin sa mga ito. Kinabukasan. Nakaalis na si Ryan upang pumatungo sa skwelahan. Bagama't maaga pa'y lumakad na sya dahil alam nyang traffic sa Buendia kapag naabutan sya ng 7 am. Si Mitch naman ay dala-dala na ang mga prutas na ibibigay sa mga magulang ni Erica. Lumakad na sya patungong Makati Med. Iniisip ni Mitch kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Erica kapag nakita sya at nalamang sya ang ina ng kasintahan ng dalaga. Iniisip nya kung magiging magkasundo kaya sila o baka maliitin lang sya ng mga ito. Pero dahil mabait ang pagkakakilala nya kay Erica, malamang ay mababait din ang mga magulang nito. Nasa lobby na ng ospital si Mitch. Namangha s...

King Cobra

Image
Malupit. Mabangis. Ganyan ang aking paglalarawan sa'yo pumapatay ka ng walang puso Katok, katok. Tumutunog ang pintuan. Natatakot ako baka ikaw na naman 'yan. Nakakatakot. May nabiktima ka na naman Sa kabilang baryo ng aming bayan " Anak!" Tawag ng aking ama. Binuksan ko ang pinto't nakita ka. Nanlamig. Walang kibo. Sa aking kinatatayuan ako'y napako. Kawaawa ang aking ama. Tinuklaw mo sya. Ako'y humingi ng tulong At sama-sama ka naming pinatay. Sana wala nang katulad mo. Sana wala nang mamatay. Nagluluksa. Kami na naman ay nagluluksa, Pumanaw ang aking ama. Pinatay mo sya! King Cobra!

Love of my Life 5

Kinuha ni Lawrence kay Erica ang larawan ni Mitch. " Lalakad na ako anak. Akin na yang picture ni Mitch" " Ipapakita ko po kay Mommy" " 'Wag na!" bigla nitong sigaw. Nagtaka si Erica. " Bakit parang balisa ka Dad? Bakit ayaw mong ipakita kay mommy ang larawan ni Tita Mitch?" " 'Wag mo na lang banggitin sa mommy mo ito,ha" " Bakit nga dad?" " Baby, alalahanin mong mag butas sa puso ang mommy mo. Minsan na syang muntikan nang mawala sa atin. Minsan na syang nagkaroon ng taning sa buhay. Ayokong ito pa ang dahilan upang matuluyan sya. Akin na" Mag pagaalangan man ay ibinigay ni Erica ang larawan. Subalit takang-taka talaga sya sa sinabi ng ama. Totoong muntik nang mamatay si Lucy. Dati pa ma'y tinaningan na ng doktor ang kanyang buhay. Inakala ng lahat na mamamatay si Lucy labing limang taon na ang nakaraan. Ngunit may milagrong nagsalba sa kanyang buhay. Naging deboto na si Lucy ng Black Naz...