Love of my Life 9

Nabigla si Lucy sa narinig. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Mangiyak ngiyak sya noong sinabi nyang," makakaalis ka na"

" Mom", tinangkang pigilan ni Erica ang kasintahan sa pag alis. Ngunit niyakap na lamang sya nito at ang sabi'y," bigyan na muna natin ng panahong makapag isip ang mommy mo. Hindi madali ang ating sitwasyon. Basta tatandaan mo na lamang na mahal na mahal kita. At ikaw ang muling bumuhay sa minsan nang patay kong puso".

Pagkasabi'y umalis na si Ryan. Napaiyak si Erica.

" Mom, akala ko ba gusto mo sya para sa akin? Bakit nyo po sya pinalayas?"

Hindi lamang sumagot si Lucy. Ang tanging tugon nito ay ang mga luhang unti-unting tumutulo sa kanyang mga mata.

" Go to your room Erica. At hinding-hindi ka na makikipagkita sa lalaking iyon", ani Lawrence.

" You both are so unfair! Hindi namin kasalanan ang mga nangyari noon. Hindi kami ang dapat ninyong parusahan ng ganito! Hindi kami!", tumakbo si Erica sa kanyang kwarto at umiiyak.

Napaiyak din si Lucy. Agad namang hinimas ni Lawrence ang likod ng asawa at inutusan ang katulong na kunin ang gamot ni Lucy.

Hindi pa rin kumikibo si Lucy. Labis syang nabigla sa kanyang mga nalaman. Gusto nya si Ryan para sa kanyang anak. Ngunit hindi nya gusto ang ina nito. Tama din ang kanyang anak. Kung ano man ang naging pagkakasala ng ina ni Ryan ay labas na sila dito. Wala silang kasalanan, wala silang kasalanan, wala silang kasalanan. Paulit-ulit itong iniisip ni Lucy. Ngunit tila ba pinagaagawan sya ng galit at paguunawa. May hinagpis din sya sa kanyang asawa na nilihim sa kanya ito. Ang kanyang asawa na syang may kasalanan ng lahat. Ang kanyang asawang minsan na rin syang sinaktan.

" Papasok na ako sa kwarto.", ani Lucy.

" Sasamahan na kita", akma nyang aalalayan ang asawa.

"' Wag na. Kaya ko ang sarili ko"

" Baka kung mapano ka...ayokong may masamang mangyari sa iyo"

" Kung totoo mang ayaw mong may masamang mangyari sa akin, e di sana ay sinabi mo na sa akin ang buong katotohanan. Nilinlang mo na naman ako. Ang this time, hindi lang ako ang nasaktan. Because of your selfishness, marami kaming sinaktan mo"

Marahang umakyat si Lucy. Nagpaiwan si Lawrence sa living room. Nagmukmok. Ngayon ay galit na naman ang kanyang asawa sa kanya.

Ilang araw din ang lumipas ay hindi na lumalabas ng kanyang kwarto si Erica. Umiiyak at hindi na kumakain. Wala naman syang makausap o makatext dahil nasa labas ang kanyang cellphone at ayaw nyang lumabas. Ayaw nyang makita ang mga taong nanakit sa kanya. Ang mga taong pilit silang pinaglalayo.

Samantalang si Ryan ay parati na lamang tulala. Natatakot na si Mitch na maaring bumalik ito sa pagkukulong sa kwarto tulad ng nangyari noon. At kahit anong pilit nyang kausapin ang anak ay hindi ito sumasagot. Tanging sa kanyang ama at kanyang kapatid lamang kumikibo si Ryan. Ngunit si Mitch ay tila multo sa buhay ni Ryan.

Masakit ito para sa isang inang labis na nagmamahal sa anak. Ngunit alam nyang malaki din ang naging kasalanan nya. Nang dahil sa kanyang nagawa noon ay malaking kalungkutan ang naidulot nya sa kanyang anak ngayon. Kaya umisip si Mitch ng paraan upang magkaayos na ng tuluyan ang kani-kanilang pamilya at matupad na ang pangarap ng anak. Ang mapangasawa si Erica.

Tandang tanda pa ni Mitch ang telepono ng bahay nina Erica. Agad nyang tinawagan ito.

" Ring!Ring!" tumutunog ang telepono nina Lucy.

Sinagot agad ito ng katulong. Tinanong ng babae kung nasaan si Lucy.

" Ma'am Lucy, kayo po ang hinahanap"

" Akin na. Hello?"

" Hello, Lucy. Kamusta?"

" Mabuti naman ako. Sino po ba ito?"

" Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa inyo. Lalong lalo na sa iyo. Pero sana patawarin mo na ako ng tuluyan. Mahal na mahal ni Ryan ang anak mo. Kung ano man ang aking nagawa noon, kung maaari lamang sana ay kalimutan na lamang natin iyon."

" Mitch?"

" Ako nga."

Agad na binaba ni Lucy ang telepono. Nanghihina na naman si Lucy. Narinig na naman nya ang boses ng babaeng minsang sumira sa pagsasama nilang dalawa ng kanyang asawa. Pero napaisip ulit sya. Tama ang mga sinabi ni Mitch. Matagal na ang kasalanang iyon at dapat nang kalimutan. Muli ay tumunog ang kanyang telepono. Pagkakuha'y hindi agad sumagot si Lucy. Hanggang narinig nya ang boses sa kabilang linya. Umiiyak.

" Lucy, parang awa mo na. Patawarin mo na ako. Kung gusto mo akong parusahan, ako lang ang parusahan mo, 'wag ang mga bata"

" Kung magsalita ka'y parang ako pa ang masama."

" Hindi ganoon ang ibig kong maramdaman mo"

" Kung gusto mo, magkita tayo. Pumunta ka dito at isama mo ang asawa mo at si Ryan".

" Talaga? Kailan?"

" Mamayang gabi. May pag-uusapan tayo"

" Asahan mong darating kami"

Samantala. Nakadungaw si Erica sa bintana. Dalawang araw na silang hindi nagkakausap ni Ryan. Dalawang malungkot na araw na rin syang nakakulong, umiiyak at hindi kumakain.

" Erica, anak!"

Hindi sumasagot si Erica.

" Anak tulungan mo naman akong maghanda ng pagkain."

Wala pa ring naririnig si Lucy sa kwarto.

" Anak, patawarin mo na ako. May bisita tayo mamaya na siguradong ikatutuwa mo"

Ilang sandali lamang ay may mga yabag na papalapit sa pintuan. Binuksan ni Erica ang pinto.

" Sino mommy?"

Mailalarawan kay Erica ang pagnanais. Pagnanais na sana ang isagot ng kanyang ina ay ang sagot na gusto nyang marinig.

" Mag-ayos ka. Kailangan maganda ka mamaya kapag dumating na sina Ryan at mga magulang nya".

Napaiyak si Erica. At sa pagkakataong ito, dahil sa labis na tuwa.

" Salamat mommy."

" Patawarin mo ako anak. Tama ka. Hindi kayo ang dapat na magdusa sa nagawang kasalanan sa akin ng iyong ama at ang ina ni Ryan. At isa pa, matagal na naman iyon."

" Ito na po ang pinakamaligayang araw ng buhay ko. Sandali lang mommy at magaayos lang ako ng kwarto. Susunod po ako sa inyo sa baba. Tutulungan ko po kayo sa paghahanda."

Sa kabilang dako naman. Dahan dahang lumapit si Mitch sa kanyang anak na noo'y naglilinis ng kanyang kwarto.

" Maaari ba kitang makausap?" tanong ni Mitch.

Hindi lamang kumibo ang binata.

" Naiintindihan kita. Alam ko kung bakit ganyan na lamang ang pagkamuhi mo sa akin. Hindi naman kita masisisi. Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Erica."

Tila walang naririnig si Ryan. Tila hangin lamang ang kanyang ina na noo'y katabi lamang nya ngunit hindi nya pinapansin.

" Sana samahan mo ako mamaya. Inimbitahan kasi ako ng mommy ni Erica, si Lucy. Nabanggit din nya kasing isama ko kayo ng iyong ama."

Natigilan si Ryan sa kanyang ginagawa. Napatingin na lamang sya sa kanyang ina.

" 'Yan ay kung gusto mong sumama", ani Mitch.

Napangiti si Ryan. Hindi man ito sumagot ay alam ni Mitch na masaya ang kanyang anak. Alam nyang nagpapasalamat ito ng husto sa kanya.

Comments

  1. salamat po ..ang ganda talaga ano kaya mangyayari....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Call Center

Love of my Life

Lovers in Paradise