Sugatan Pa Rin
Masakit pa pala. Ang akala ko'y naghilom na. Ngunit sa tuwing nararamdaman kong andyan ka, biglang naaalala ko ang kung anong naging meron sa ating dalawa. Hindi ko naman akalain, na sasaktan mo lang ang aking damdamin. Ang lubos akalain ko'y, ako'y iyong mahal, sa pag-iisip niyon, ako'y isang hangal. Alam nating hindi puwede pero pinilit ang hindi tama. Mahal n mahal kita, walang biro. Hindi ko ipinagkaila, sa'yo o sa kanino man. Ipinaglaban kita, at di ko alintana kung sino man ang masaktan. Meron kang iba, ganun din naman ako. Pero bago pa nagsimula ang lahat, alam na natin to. Sinabi mo pa, ayaw mo silang saktan. Ngunit sana inisip mo na yan, bago mo pa sinimulan. Binalaan naman kita, ngunit di ka nakinig. Kalandian pa rin na'tin ang lubos na nanaig. Ang dami kong sinaktan, makasama ka lamang. Ngunit wala kang ibang ginawa kundi ako'y iwan. Labis labis na sakit ang aking naramdaman. At pag naaalala ko'y, lumuluha pa rin ang mga mata. Sinasabi kong limot na kita at sinabi ko ring meron na akong iba. Ngunit kahit anong gawin, hindi ko kayang lokohin ang sarili. Pagkat hanggang ngayo'y, ikaw pa rin ang hinahanap. Hanggang ngayo'y nagtitiis, naghihirap at nasasaktan. Kahit ang nangyari saglit lang, tila di ko makalimutan. Sana'y sinabi mong lahat ng iyon para sa iyo'y laro lamang. Nang di na ako umasang ako ay iyong mahal. Hindi ko man naisin ay naiisip ka pa rin. Hindi ko na alam ang mga dapat kong gawin. Kaya ngayo'y lilisan kasabay ng 'sang pag-asa. Na sa aking paglayo ay malimutan na kita. Ngayon ako'y ganito, 'wag mo akong sisihin. Sapagkat ang aking puso, hanggang ngayon, ay sugatan pa rin.
Comments
Post a Comment