Posts

Showing posts from June, 2012

M. U.

Galing akong probinsya. Napadpad sa Maynila upang maghanap ng mas magandang bukas at para din makalimutan ang dating bigong pag ibig na mahigit isang taon ko ding iniyakan. Nang matanto ko nang,  "tama nang maging tanga"  ay napagpasyahan kong magpakalayo-layo at tanggapin ang job offer ng isang BPO company sa Makati. Hindi ko alam kung ano ang buhay na mararanasan sa bagong lugar na aking magiging pansamantalang tirahan ngunit excited akong maranasan ang mabuhay na mag-isa. Ako ay nag-iisang ampon ng aking ama't ina. Oo, ampon ako. Hindi ko iyon ikinakahiya. Dahil sa tingin ko, mas maswerte pa ako sa mga tunay na anak ng kanilang mga magulang. Maraming biological children ang hindi nagawang igapang ng kanilang mga magulang. Pero ako, hirap man sila ay nagsumikap silang maitaguyod ang aking pag-aaral. Maibalik ko lang, hindi ko inaasahan ang magiging kahihinatnan ng pakikipagsapalaran kong iyon. Ang sinabi ko kina nanay at tatay na gusto kong maranasan ang mamuhay na...

Salamat!

Magandang Araw! Pagkalipas ng halos isang taong pananahimik, andito na naman ako. Mangungulit na naman. Gagawa ng estoryang maaring maging inspirasyon at kapupulutan ng araw. Masaya ako, dahil bagaman matagal ang aking pananahimik, paminsan minsan ay may mga tao pa ring dumadalaw sa aking blog. Sa ngayon, wala pa akong ibang masasabi kundi salamat. At sana ay abangan ninyo ang mga kwento at tula na akin pang gagawin. Maraming salamat sa masugid na sumusubaybay sa aking blog. Sa ating lahat, nawa'y parati tayong biyayaan ng Maykapal ng masagana at masayang buhay! Salamat, salamat!