Ang Teyara
Introduction Noon, ang mundo ay karugtong lamang ng Magnus - mahiwagang paraiso. Ang Magnus ay pinamamahalaan ng pinakamakapangyarihang nilalang, ang Teyara. Ang Teyara ay magiliw na nilalang; mapagmahal at mapagkumbaba. Bagaman siya ang pinakamakapangharihan sa lahat, hindi niya solong inangkin ang lahat sapagkat sa puso niya, ang Magnus at ang iba pang apat na mundo ( Earth, Charion, Chrysalis, at Elverum) ay para sa lahat. Ngunit iba ang pananaw ng mga Alinyo (mga mamamayan ng Charion). Para sa kanilang pinunong si Harum, ang lahat na may buhay at may kapakikinabangan ay pag-aari ng kanilang angkan. Nang dahil sa sa kagustuhan nilang mamuno sa lahat, binalak nilang patayin ang Teyara. Siya man ay makapangyarihan, ang Teyara ay hindi kailanman gagawa ng paraan upang ikapahamak ng ibang nilalang kaya't hindi ito lalaban. Ngunit ito ay hindi mapapahintulutan ng mga Xenus, ang magigiting na mandirigma ng Magnus at tagabantay ng Teyara. Subalit ang lakas nila, kahit pa ipagsama-...