Posts

Showing posts from 2016

Paano ba Mag-move on Kung Hindi Naging Mag-ON?

INTRODUCTION          Si Lea ay isang simpleng dalaga lamang. Walang arte sa katawan, walang arte sa damit at minsan ay asal-kanto pa magsalita. Isa siyang babaeng maton. Akala ng iba, wala syang pangarap sa buhay, at ayaw nyang mag-asawa dahil sa kanyang "sense of style". Ang hindi nila alam, marami syang pangarap sa buhay. Madalas makikita mo si Lea na nangangarap ng gising: nakatulala at minsa'y nakanga-nga lang habang nagi-imagine ng mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.            Dahil sa kanyang pananamit, pananalita at pagkilos, si Lea ay hindi siniseryoso. Minsang napagkatuwaan at nasaktan. Inakala niyang merong "sila", pag-aari na pala ng iba. Sa sinapit na pagkabigo, si Lea ay lumuwas ng Maynila upang magtapos ng pag-aaral sa kursong BSCA (Bachelor of Science in Customs Administration). Ipinangako ni Lea na hindi na siya kailan man mahuhulog sa isang malabong usapan. Sa ikalawang pagkakataon, tumibok ang pusong...

Ang Teyara

Introduction Noon, ang mundo ay karugtong lamang ng Magnus - mahiwagang paraiso. Ang Magnus ay pinamamahalaan ng pinakamakapangyarihang nilalang, ang Teyara. Ang Teyara ay magiliw na nilalang; mapagmahal at mapagkumbaba. Bagaman siya ang pinakamakapangharihan sa lahat, hindi niya solong inangkin ang lahat sapagkat sa puso niya, ang Magnus at ang iba pang apat na mundo ( Earth, Charion, Chrysalis, at Elverum) ay para sa lahat. Ngunit iba ang pananaw ng mga Alinyo (mga mamamayan ng Charion). Para sa kanilang pinunong si Harum, ang lahat na may buhay at may kapakikinabangan ay pag-aari ng kanilang angkan. Nang dahil sa  sa kagustuhan nilang mamuno sa lahat, binalak nilang patayin ang Teyara. Siya man ay makapangyarihan, ang Teyara ay hindi kailanman gagawa ng paraan upang ikapahamak ng ibang nilalang kaya't hindi ito lalaban. Ngunit ito ay hindi mapapahintulutan ng mga Xenus, ang magigiting na mandirigma ng Magnus at tagabantay ng Teyara. Subalit ang lakas nila, kahit pa ipagsama-...