Love of my Life 10

Kinagabihan. Pagkauwi ni Lawrence sa bahay ay nagtataka ito kung bakit may kaunting handaan sa kanilang bahay. Nakita nya kung gaano nag-ayos si Erica at Lucy.

" May okasyon ba?", tanong nito.

" Oo, mahalaga ang okasyon na ito at mahahalaga ang ating mga bisita", sagot ni Lucy.

" Bakit hindi nyo agad sinabi nang maaga sana ako nakauwi. Mag-aayos lang muna ako. Teka, sino bang magiging bisita natin?"

" Basta. Sige na, mag-ayos ka na"

Pumanhik na lamang si Lawrence at nag-ayos. Ilang sandali lamang ay tumunog ang doorbell nina Erica.

" Magandang gabi po", bati ni Ryan sa ina ni Erica. Agad namang lumapit si Erica sa kasintahan at niyakap ito.

" Miss na miss kita", ani Erica.

Nakita ni Lucy kung gaano kasaya ang pinakamamahal nyang anak.

" Tama na yan. Pumasok na muna kayo dito't kumain na muna tayo." ani Lucy.

" Magandang gabi", bati ni Joseph.

Ilang sandali lamang ay bumaba na si Lawrence. Laking gulat nya nang makita ang mga taong nasa dining room nila.

" Kayo?"

" Oo, dad. Sila. Bakit?"

" Inimbitahan ko sila dito para mapag-usapan na ang plano nilang pagpapakasal.", ani Lucy.

" Lucy, nahihibang ka na ba?"

" Nakapagdesisyon na ako. Si Ryan ang lalaking mahal ng anak ko at sya ang lalaking gusto nyang makasama. Wala tayong karapatang agawin ang kaligayahang iyon sa kanya. Lalong lalo na kung nang dahil lang sa naging kasalanan nyo."

Yumuko na lamang si Mitch.

" Naparito kami Lawrence para tuluyan nang maayos ang gusot sa ating pamilya. At dahil gusto na ng anak kong hingin ang kamay ng inyong anak", paliwanag ni Joseph.

Napatingin silang lahat kay Lawrence. Hinihintay nila ang magiging reaksyon nito.

" Permiso ko lang ba ang hinihintay nyo?"

" Opo sana. Mahal na mahal ko po ang inyong anak at malinis po ang hangarin ko sa kanya."

" Ngunit hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral. Mabibigyan mo kaya ng magandang buhay ang anak ko?"

" Lawrence, bibigyan ko naman sila ng bagong negosyo. Alam ko namang masipag na bata itong si Ryan. I'm sure naman hindi nya pababayaan ang ating anak"

" Desidido na ba talaga kayong dalawa?"

" Opo!" sabay na sagot ng magkasintahan.

" OK lang ba talaga sa'yo mahal?"

" Nasabi ko na sa iyo. Kung ito ang makakapagpaligaya sa anak ko, then so be it".

" Kung ganoon pala'y wala na akong magagagawa kundi ang pumayag"

Labis ang tuwa nina Ryan at Erica. Sa wakas ay pumayag na rin ang ama ng dalaga.

" So paano? Kumain na tayo. Pagkatapos ay pag-uusapan na natin ang lahat tungkol sa kanilang magiging kasal"

Masayang nagsalo-salo ang lahat. Ito na ang matagal na nilang hinihintay. Para kay Mitch, labis ang kanyang tuwa na napatawad na rin sya ng tuluyan ni Lucy.

" Maraming salamat.", aniya kay Lucy.

" Pabayaan mo na ang nakaraan. Ika nga nila, 'past is past'. Ang mahalaga ngayon ay masaya ang ating mga anak."

December 8, 2011. Naghihintay na sa simbahan si Ryan. Nanginginig. Excited. Hindi nya maipaliwanag kung gaano sya kasabik sa araw na ito. Ang araw na ikakasal sya sa babaeng pinakamamahal nya. Ilang sandali lamang ay dumating na sina Erica. Larawan sya ng isang masayang bride. Napakaganda nya sa kanyang traheng gawa pa ni Lino Brocka. Kakikitaan ng ngiti ang lahat ng tao. Maaliwalas ang panahon. Tamang tama lamang dahil ang reception ng kanilang kasal ay sa tabing dagat sa Zambales.

Nagsimula na ang seremonyas. Masaya ang lahat ng tao at inaabangan nila ang bawat sandali. Lalong lalo na nang sinabi nila sa isa't isa ang "I will always be yours, forever. You're the only love of my life"

Comments

  1. wow ..bitin ako..katapusan na po ba ito?

    ReplyDelete
  2. sana hindi mangyari sa totoong buhay ko to..not again!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Call Center

Salamat!