Call Center


Hindi madali ang aking trabaho
Araw-araw kausap ko'y mga kano.
Paminsan minsan ay di nagkakaintindihan
Pa'no kasi, ayaw akong pakinggan.

Minsan sinasabi nilang ako'y mali
Nais nila tama sila parati.
Ayaw nilang sila'y napapahiya.
Ang mga kano minsan ay isip bata.

Ang ibang tao ay sinasabi.
Ang trabaho ko ay madali.
May kausap lang sa telepono.
At parati lamang nakaupo.

Hindi ganoon mga kababayan
Minsan kami ri'y nahihirapan.
Nireresolba ang problema ng kano
At ang wikang Ingles, aba'y di biro.

Akala ng iba'y malaki ang aming sahod
Ito'y dahil kami ay labis na kumakayod
Bagama't nakaupo, utak nami'y tumatakbo
Kaya hindi madali itong aming trabaho.

Sa Call Center, iba-iba ang uri ng tao
Mayama't mahirap, lahat magkasundo
Dito ka makakahanap ng maraming kaibigan
Na hindi alintana kung ano ang 'yong pinagmulan.

Masarap at mahirap ang buhay sa Call Center
Araw-araw ang kaharap mo'y computer.
Ang kausap sa telepono ay mga banyaga
Na kung minsan kami ay minumura.

Minsa'y pumupunta sa ibang lugar,
Para magsaya't lumalim ang samahan.
May videoke, eat out at iba pa.
Sama-sama kaming nagsasaya.

Pero kahit ganito mahal ko'ng aking trabaho
Dahil dito ako'y nakatulong sa magulang ko
Gumaan ng kaunti ang aming buhay
Dito sa Call Center nakamit ko ang tagumpay.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Salamat!

Love of my Life 10