Posts

Showing posts from November, 2016

Paano ba Mag-move on Kung Hindi Naging Mag-ON?

INTRODUCTION          Si Lea ay isang simpleng dalaga lamang. Walang arte sa katawan, walang arte sa damit at minsan ay asal-kanto pa magsalita. Isa siyang babaeng maton. Akala ng iba, wala syang pangarap sa buhay, at ayaw nyang mag-asawa dahil sa kanyang "sense of style". Ang hindi nila alam, marami syang pangarap sa buhay. Madalas makikita mo si Lea na nangangarap ng gising: nakatulala at minsa'y nakanga-nga lang habang nagi-imagine ng mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.            Dahil sa kanyang pananamit, pananalita at pagkilos, si Lea ay hindi siniseryoso. Minsang napagkatuwaan at nasaktan. Inakala niyang merong "sila", pag-aari na pala ng iba. Sa sinapit na pagkabigo, si Lea ay lumuwas ng Maynila upang magtapos ng pag-aaral sa kursong BSCA (Bachelor of Science in Customs Administration). Ipinangako ni Lea na hindi na siya kailan man mahuhulog sa isang malabong usapan. Sa ikalawang pagkakataon, tumibok ang pusong minsang nasaktan.