Posts

Showing posts from April, 2011

Love of my Life 10

Kinagabihan. Pagkauwi ni Lawrence sa bahay ay nagtataka ito kung bakit may kaunting handaan sa kanilang bahay. Nakita nya kung gaano nag-ayos si Erica at Lucy. " May okasyon ba?", tanong nito. " Oo, mahalaga ang okasyon na ito at mahahalaga ang ating mga bisita", sagot ni Lucy. " Bakit hindi nyo agad sinabi nang maaga sana ako nakauwi. Mag-aayos lang muna ako. Teka, sino bang magiging bisita natin?" " Basta. Sige na, mag-ayos ka na" Pumanhik na lamang si Lawrence at nag-ayos. Ilang sandali lamang ay tumunog ang doorbell nina Erica. " Magandang gabi po", bati ni Ryan sa ina ni Erica. Agad namang lumapit si Erica sa kasintahan at niyakap ito. " Miss na miss kita", ani Erica. Nakita ni Lucy kung gaano kasaya ang pinakamamahal nyang anak. " Tama na yan. Pumasok na muna kayo dito't kumain na muna tayo." ani Lucy. " Magandang gabi", bati ni Joseph. Ilang sandali lamang ay bumaba na si La

Love of my Life 9

Nabigla si Lucy sa narinig. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Mangiyak ngiyak sya noong sinabi nyang," makakaalis ka na" " Mom", tinangkang pigilan ni Erica ang kasintahan sa pag alis. Ngunit niyakap na lamang sya nito at ang sabi'y," bigyan na muna natin ng panahong makapag isip ang mommy mo. Hindi madali ang ating sitwasyon. Basta tatandaan mo na lamang na mahal na mahal kita. At ikaw ang muling bumuhay sa minsan nang patay kong puso". Pagkasabi'y umalis na si Ryan. Napaiyak si Erica. " Mom, akala ko ba gusto mo sya para sa akin? Bakit nyo po sya pinalayas?" Hindi lamang sumagot si Lucy. Ang tanging tugon nito ay ang mga luhang unti-unting tumutulo sa kanyang mga mata. " Go to your room Erica. At hinding-hindi ka na makikipagkita sa lalaking iyon", ani Lawrence. " You both are so unfair! Hindi namin kasalanan ang mga nangyari noon. Hindi kami ang dapat ninyong parusahan ng ganito! Hindi kami!&